Chapter 2

6 1 0
                                    

Chapter 2

"Gurl magsabi ka nga sakin may gusto ka ba  kay taga?" si tricia habang naglalakad kami papunta gym para tumambay.

"Bakit mo naman natanong?"

"Kilala kita wala kang matatago sa akin sofiah" seryosong sagot niya sakin minsan pa naaabutan kitang nakatingin sa kanya o kaya naman tulala ka" napatingin ako sa kanya.

"Hanggang tingin lang naman ako tricia alam ko naman ang hangganan ko." sagot ko at huminga ng malalim sabay yumuko.

Sa tagal ko na lagi siyang nakikita ang hirap niyang basahin sobrang cold niya minsan lang ngumiti kung ngingiti man pilit pa pero sa akin lang ba siya ganon kung turuusin ang lang naman ang nakakausap niya base sa napagusapan namin.

"Walang kumakausap sa kanya pansin mo ba lahat takot sa kanya kahit nga tumingin walang gumagawa ikaw lang sofiah"

Kahit naman ako nagtataka rin sa sarili ko gustong-gusto ko siya makilala. Napapansin ko rin na iba siya tumingin sa iba matatakot ka sa sobrang lamig.

"Hindi naman siya ganon sakin" sa mahina kong sagot.

"Ano? so nakausap mo na siya ha sofiah?"

Tumingin ako sa kanya ng seryoso" ilang beses na kami nagkakausap tricia".

"Kailan pa to bakit hindi ka nagsasabi, sinaktan ka ba niya?" sagot niya na parang sinusurin pa ako.

Medyo natawa ako sa naging reaksyon niya "Hindi naman siya ganon harmless siya tricia hinatid pa nga ako sa bahay" nakangiti ko pang sagot habang inaalala.

"Ay putang ama! At hinatid ka pa talaga ha!" medyo pasigaw na sagot niya.

"Hinaan mo yang bibig mo!" napatingin pa ako sa paligid.

"Oo nung nakaraan nagkita kami pauwi ako nung isang araw" hindi ko na sinabi yung iba pang nangyari baka magwala pa siya

"Ang akin lang hindi mo naman masyadong kilala yung tao nagpapahatid ka na, kahit pa schoolmate natin yun wag ka agad magtitiwala sofiah" seryosong sagot niya.

"Oo na! Gabi na rin kasi tumanggi naman ako mapilit siya kaya pumayag na ako"

Huminga siya ng malalim at hinawakan ang kamay ko " Basta magiingat ka sa susunod hindi mo pa siya masyadong kilala"

Ngumiti at tumango lamang ako sa kanya, naisip ko na rin naman ang mga sinabi ni tricia sakin pero kapag kasama ko siya nawawala na ako sa sarili ko pakiramdam ko safe ako kapag kasama siya.

Paguwi sa bahay tumawag ako kay Lola para kamustahin siya.

"Kamusta ka dyan Lola?"

"Maayos naman ako dito apo kasama ko si lolo Carding mo kanina nag harvest kami ng mga tanim ko tinulungan niya ako" masayang sagot ni Lola

Si lolo carding ang kapitbahay namin na laging kasama ni Lola sa bahay, wala na rin siyang asawa at ang mga anak ay nandito sa maynila dalawa ang naging anak may mga asawa na minsan binibisita si Lolo carding kapag may oras.

"Mabuti talaga at nandyan si Lolo Carding para samahan ka Lola kung hindi uuwi talaga ako dyan para samahan ka."

3rd year highschool nung namatay si Mama si papa naman 6yrs old pa lang ako wala na siya, si Mama heart attack ang kinamatay. Masakit para sakin na ako na lang at si lola ang magkasama sa buhay pero pinipilit kong maging matatag para kay lola siya na lang ang meron ako ayokong pati siya mawala sakin.

After kong maghighschool sinabi ko agad kay Lola na tutulong na lang ako sa kanya sa pagtatanim ng gulay pero hindi pumayag si lola gusto niya akong makapagtapos sa
pag aaral at matupad ang pangarap ko.

"Apo pumunta dito si Carlos nung nakaraang araw hinahanap ka kailan ka daw uuwi" tanong ni lola sa kabilang linya.

"Anong pong sinagot mo Lola?" naaalangan kong tanong kay lola.

Kababata ko sa aming probinsya si Carlos simula nung bata pa kasama ko na siya pero simula nung nagtapat siya sa akin ng kanyang nararamdam umiwas ako sa kanya. Simula non hindi na kami nagkakausap.

"Sinabi ko na matagal ka pa makakauwi hindi pa naman tapos ang iyong klase hindi ba?" patanong na sagot sakin ni Lola.

"Opo lola sasabihan na lang po kita kung kailan ako makakauwi" malambing kong sagot "mag-iingat ka dyan lola ha ikamusta mo na lang po ako kay Lolo Carding" nakangiti ko pang sinabi.

"Malisyoso ka talagang bata ka hala sige na magiingat ka dyan apo magdasal ka ng madalas sa Diyos.

"Magiingat ka din dyan Lola Mahal po kita"

"Mahal na mahal din kita apo nagiisa ka lang"

Maluha-luha kong naibaba ang cellphone ko pagkatapos ng tawag ang babaw talaga ng luha ko pero hindi ko maiwasang mamiss si Lola.

Pagkatapos ng tawag naghanda na ako para sa magligo may tatapusin pa akong mga homeworks at magrereview na rin para sa nalalapit na exam.

-------------------------------------------------------------
Enjoy! Sana hindi boring 😁

Scars (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon