Chapter 4

4 1 0
                                    

Kinabukasan papasok sa paaralan sabog ako pumasok lumilipad yung isip ko kay Liezel at kay Ithan hindi ko alam ang uunahin pero para sa akin importante ang kay Liezel lalo na sa binigay na palala sakin ni Ithan.

Nakasalubong ko na si Tricia at Bea ng hindi namamalayan.

"Anyari sayo?" si tricia na may halong pagaalala sa akin.

"Wala hindi lang maganda ang tulog ko kagabi" sagot ko.

Iba na ang tingin sa akin ni Bea kaya tinapatan ko ang tingin niya sa akin nababasa ko na alam na niya ang natuklasan ko.

"Tara na malapit na mag time baka dumating na Ma'am, nagreview ba kayo?"
Tanong niya sabay tingin sa aming dalawa ni Bea.

Doon lamang natapos ang tinginan naming dalawa tumango lamang ako ganon din si Bea at nagsimula na kami maglakad papasok sa aming classroom.

Dumating ang uwian pagkatapos ng exam nagpahuli akong lumabas ng clasaroom namin tinitignan ko lang si Liezel sa malayo habang nagliligpit siya ng gamit.

Noong palabas na siya doon ako nagpaalam sa dalawa na mauna na ako sa kanilang umuwi hindi naman na nagtanong si Tricia pero iba ang tingin ni Bea sa akin.

Sinundan ko palabas si Liezel mabilis ang kanyang lakad kaya binilisan ko para maabutan ko siya nasa tapat na kami ng basketball court ng maabutan ko siya.

"Liezel" tawag at hawak ko sa braso niya, humarap siya sa akin at nagtaas ng kilay.

"Sofiah" sagot niya sa akin na parang normal lang ang lahat.

"Boyfriend mo ba si Pancho, nakita ko kasi kayo ka-kagabi" tanong ko sa kanya na nag aalangan pa kung sasabihin ko ba  sa kanya ang akin nakita.

Nandoon ang gulat sa mukha niya ngunit nakabawi rin agad.

"Oo, bakit?" tanong niya na may halong pagtataka.

Sinabi sa akin ni Ithan ang dahilan kung bakit kailangan magingat ni Liezel kay Pancho kaya nabahala ako lalo.

Nilapitan ko siya at hinawakan sa kamay.

"Layuan mo siya magkipaghiwalay ka na please makinig ka sakin" nandun na ang pagaalala sa akin boses.

Tumawa siya at ngumisi sakin "Sofiah anong bang nangyayari sayo, ngayon nga lang tayo nagkita at nagusap tapos ganyan pa ikakamusta mo sakin?" sagot niya sabay alis ng kamay ko sa kanya.

Napayuko ako sa ginawa niyang yun.

"Liezel makinig ka iiwan ka lang niya sa ere baka mabuntis ka niya at bigla na lang iwan"

" Hindi niya gagawin sakin yun!" medyo pasigaw niya sagot sa akin, napapikit ako dun pinapakiramdaman ko siya na galit na galit.

"Liezel" boses yun ng isang lalaki na nanggaling sa court na mukhang katatapos lang sa laro.

Nakatingin lamang siya sa akin na mukhang galit na galit pa.

"Tara na" sabi ni Liezel sabay hila kay Pancho paalis sa harap ko.

Nakatingin lamang si Pancho sa akin at tumingin rin sa bandang likod ko. Doon ko napansin na nakatayo lang hindi kalayian sakin si Ithan. Hindi ko inaasahan na nandito pala siya kanina pa kaya siya nakikinig.

"Kanina ka pa dyan?"

Medyo lumapit siya sa akin at ilang danggal na lang ang agwat.

"Oo narinig ko lahat" sagot niya sa mababang boses dahil doon medyo naging payapa ako nawala ang pagaalala ko kay Liezel.

"Mukha pa lang nun parang hindi na gagawa ng maganda eh. Nagalala ako para sa kaibigan ko" sabi ko na para stress na stress na.

Napahinga ako ng malalim at tumingin sa paligid palubog na pala ang araw, dumidilim na.

"Hayaan mo na lang muna ang kaibigan mong makapag isip, nabigla mo ata siya" sagot niya sabay ngisi sa akin.

Hindi na ako sumagot at nagsimula ng naglakad palabas ng school si Ithan naman nararamdaman ko na nakasunod sa akin

"Bakit mo nga pala nalaman na nandoon ako?" Tanong ko na may halong pagtataka.

"Diba ako ang nagsabi sayo na kausapin mo siya" sagot niya sa akin nakikita ko ang nagkamangha sa kanyang mukha.

Tumango lamang ako sa kanya at naglakad na ulit.

"Sabay ka na sakin" sabi niya.

"Hindi na magjejeep na lang ako"

Naglalalakad na akong ng hablutin niya ang kamay ko napatingin ako sa kamay namin na magkahawak, hindi ko napansin na ang lapit na pala namin sa isa 't isa.

Napaangat ako ng tingin sa kanya nakatingin siya sa mga mata ko ng seryoso ganon din ako sa kanya.

"Ihahatid na kita sa inyo" sabi niya sa mababang boses sabay hila sakin papunta sa motor niya.

Inabutan niya ako ng helmet siya naman sumakay na sunod naman ako. Hindi nagtagal ay umalis na rin kami.

Pagdating sa labasan sa amin bumaba na ako sa motor niya at inabot ang helmet sa kanya.

" Salamat ulit sa paghatid" nahihiyang kong sabi. Paano ba naman kagabi rin hinatid niya ako. Yumuko ako.

Hinawakan niya ang aking baba para tumingin sa kanya.

"Your welcome pero dapat ata may reward na ako puro na lang salamat at thank you" sagot niya kaya napakunot ang noon ko sa sinabi niya.

"Ano namang reward?" Tanong ko na may pagtataka

Ngumisi siya sakin "Tapos naman na mga exams sabado naman bukas so labas tayo."

Hindi pa agad ako nakasagot sa kanya bobo ako sa ganito bagay hindi ko gets kung inaaya na ba niya akong magdate kami o nagpapasama lang siya o dahil to sa reward niya. bobo nga!

"Saan naman tayo pupunta?" sabi ko na natatawa pa sa naiisip ko.

" basta ako bahala daanan kita sa iyo mga 1pm okay?" sabi niya sabay ngiti sakin.

Kumulog at kumidlat ata sa sikmura ko nung nakita ko yung ngiti niya sumabay pa yung puso ko na may naghahabulan pa ata.

Tumango lamang ako dahil sa ngiti niya hindi maalis sa mukha niya nakadikit ata. Nagsimula na siya i-start ulit ang kanya motor.

" So bukas?" tanong niya

" O-oo" nautal pa ang gaga "ingat ka" sabi ko pa sabay kaway.

" By the way cute ka kapag namumula" sabi niya sabay alis.

At nang asar pa. Naloko na! Ngayon pa nga lang para na akong mahihimatay paano pa kaya bukas na kaming dalawa lang at hindi ko pa alam kung date ba yun o dahil lang sa reward niya, bobo nga! Hays!

Pagdating sa bahay napasalampak ako sa sofa ipinatong ko ang dalawang paa sa center table at hinilig ang ulo at pumikit.

Hanggang ngayon yung ngiti pa rin ni Ithan yung nasa isip ko pati bilis ng puso ko mabilis pa rin. Alam ko iba na to pero katulad ng dati babaliwalain ko lang to.

Lalabas lang naman, magpapasama lang ganon, pero paano kung iba na pala, date pala yun tapos liligawan niya na ako.

Natatakot ako, natatakot ako na baka mahulog ako kasi ngayon lang naman ako nakaranas ng ganito sa buong buhay ko kaya bago sa akin.

At the same time natatakot ako na baka kapag nahulog ako walang sasalo.

Na ako lang pala yung nahuhulog sa sarili kong patibong.

-------------------------------------------------------------Good evening mga ka-Zombie! 😎

Scars (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon