Chapter 6

8 1 0
                                    


Minsan akala natin na kapag may something na kayo ng isang tao love na kapag napapasaya ka niya, napapatawa, bumibilis yung tibok ng puso mo kapag kasama ka niya. Minsan akala natin love na pero hindi natin naiisip na baka isang lang pala itong ilusyon o kathang isip lang natin. Na tayo lang ang nagbibigay ng meaning sa pinapakita ng isang tao sa atin.

Baka ganon lang pala talaga siya as a person masayahin at madaling pakisamahan pero para sayo iba na pala. Kaya kapag hindi nasusuklian yung nararamdaman natin nasasaktan tayo kasi akala mo same kayo ng nararamdaman pero hindi ikaw lang ang nakakarandam.

After namin pumunta ni Ithan sa resto ni Ian aamin ko na matakot ako, natakot na lalo pang umusbong itong nararamdaram ko para sa kaya. Noong una oo inaamin ko idenial pa ako na baka na baka natural lang sa kanya ang ganon pero kung iisipin mo ako lang ang nagiisang tao maliban kay Ian ang kinakausap niya sa eskwelahan bukod doon wala na at ang sinabi niya noong natumba kami parehas hindi ko mapiginal na isip iyon.

Kaya ayan ang puso ko nagwawala sa kilig pero hindi naman ako magpapadalos-dalos iisip ko na lang na sadyang may kabaitang taglay lang siya.

Nakaupo lang ako sa classroom ng bigla akong kausapin ni Bea wala pa prof so medyo magulo pa mga classmate ko.

"Alam mo na nangyari kay Liezel"? Seryosong mukha ni Bea ang sumalubong sakin although yan naman ang lagi niyang mukha.

"Hindi, bakit anong nangyari?" May pag aalala kong tanong sa kanya. Ito na nga bang sinasabi ko sinabihan ko na siya.

Tahimik lang sa kabilang banda ko si Tricia sa awra niyang seryoso ay mukhang alam na niya.

"Siya na lang ang tanungin mo sumama ka sa amin ni Tricia mamaya kikitain namin siya sa tapat ng basketball court after class" doon yung lugar kung saan ko rin siya kinausap at alam ko na hindi kami nagkaintindihan sa usapan na iyo at nagalit pa siya.

Pagkatapos ng klase sabay-sabay kaming tatlo nila tricia at bea na pumunta sa basketball court para kitain si liezel, may baka akong naramdaman na hindi ko malaman kung saan galing binaliwala ko na lang iyon at naglakad na.

Nasa tapat na kami ng court ng makita namin si liezel nakaupo doon napatayo siya ng makita na niya kami kay bea siya nakatingin at kay tricia dahil sila ang nauuna na paglalakad at ng mapasin niya ako at nagulat siya, hindi niya ata inaasahan na sasama ako.

Lumapit na ako ng tuluyan kala tricia magkakatabi na kami sa tapat niya liezel.

"Go sabihin mo na habang nagpipigil pa akong sampalin ka" biglang sabi ni tricia kaya parang mangiyak-ngiyak na si liezel si bea naman same sa mukhang niya walang emosyon na nakatingin lang. Habang ako nakakaramdam ng awa para sa kanya alam ko at alam niya kung ako ang sinabi ko sa kanya tungkol sa boyfriend niya at natatakot ako na baka tungkol ito doon.

"H-hiwalay na kami ni P-pancho" sagot niya sa mahinang boses ibang liezel na ngayon ang nakikita ko hindi na yung liezel na matapak at walang uurungan itong liezel na kaharap ko para sobrang nalugmok at wasak na wasak na kapag sinampal mo bigla na lang babagsak.

"E di maganda napahinga na yang kipay ko at hindi ka na niya hawak sa leeg" pagalit na sagot ni tricia.

"Kailan pa kayo naghiwalay?" tanong ni bea

Hindi agad nakasagot ai liezel padabog siyang umubo sa inuupuan niya kami at nilagay ang ang dalawang kamay sa buhok na parang sinasabunutan.

Hindi ko na mapigilan na magtanong iba ang pinapakita niya sa amin at parang hirap na hirap siya.

"Anong nangyari liezel?" tanong ko sa normal ko boses. Napaangat siya ng ulo at tumingin sa amin isa-isa.

Scars (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon