Napabuntong hininga ako ng malalim. Grabe yung sinapit ni Dionne. Napakahirap nun para sa isang tulad niya. Napaisip tuloy ako. Paano kung mangyari sakin ang nangyari kay Dionne. Paano kung magkaroon din ako ng ganun sakit. Paano ang mga maiiwan ko? Kapag ba nawala ako magbabago ba ang mga taong nasa paligid ko lalo na ang magulang ko.
Ako nga pala si Rhea Rose Reyes. Ang babaeng may tatlong R sa pangalan o in short 3R. Wala naman kadefine-define sa sarili ko at mas lalo sa katawan ko. Kayo na lang humusga kung sino ako para sa inyo.
One big happy family na sana kami kung hindi lang dahil sa pera. Parehas kasing accountant sila Mommy't Daddy kaya ayun kahit sa pagtulog kwentahan pa din ng kwentahan. Ang dami nilang pinaglalaban sa sarili. Walang papatalo. Mga business minded nga naman. Tsk tsk
Minsan nga nagtatampo na ko sa kanila kasi di man lang nila sko mabigyan ng time. At kung mabibigyan, expected ko nang dahil sa failures ko yun.At ngayon ay February 14.
Araw ni Cupido. Araw ng mga nagmamahalan. At araw ng putukan. Hehe joke lang. Naaasiwa kasi ako sa school kanina coz love is in the air. Kitang kita ko yung word na love sa air. Haha tawa kayo please. Nagjojoke kaya ako. :D
Hay nako. Ano kayang magawa?
Hmm.. magcocomputer na lang ako sa malapit na shop sa amin. Lakad lakad ng onti. Tawid dito and then boom! Pagbukas ko ng sliding door, humalimuyak sa matangos kong ilong ang iba't-ibang shades ng amoy. Hehe
And to my surprised nandito na naman sya! Hanep talaga to oh. Umuuwi pa kaya to? O baka naman dinadalhan na to ng pagkain ng nanay niya. Tindi niya ha. At ang kupal ningitian pa ko, parang aso kung ngumiti. Iww, never akong maiinlove sa ngiti ng aso. Bahala sya jan. Ang goal ko magcomputer lang. At hindi lumandi.
"Ate Irene half hour nga po. Gusto ko dun sa pwesto na WALANG! ASO!" Pinarinig ko talaga sa kanya. Haha napailing lang ang loko. Di naman kasi ako adik sa paggamit ng computer kaya half hour lang. Titingnan ko lang kung sino nanalo sa Student Council sa school.
"Sige jan ka na lang sa no.8" sabi ni ate Irene na kamuka ni Angel Locsin. Yiiieee, ang ganda niya. ^___^
After 15mins...
"Papansin ka ba?!"
"Hindi nu." Sabi ng asong to.
Wow ha, hindi pa papansin yung lagay na yun eh palagi niyang ginagalaw upuan ko. Para tuloy akong ewan dito.
"Tss" >___
"Suplada mo. Valentines na valentines oh.. Add mo na lang ako." sabi niya with doggie smile na naman.
"Why should I?" sarkastiko kong sabi sa kanya.
"Coz I'm handsome." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Ang kapal ng mukha! Oh well, dahil isa akong mabait na binibini. Sige matripan nga ang isang to.. Searching for Rafael Riu Natividad......
WTF!? Friend ko na agad sya!? Kelan pa!?
"HAHAHAHA," wagas din tawa nito eh nu. "stalker" bulong niya pero narinig ko naman. Akala niya ha.
"Excuse me, are you accusing me?"
"Hindi nu, makaalis na nga. Halika na Bobby." At dali-dali sya umalis. Buti naman at umalis na siya ng mabawasan ang amoy dito sa computer shop.
After 15mins.....
"Rhea time ka na, extend pa?" Tanong ni ate Irene.
"Ahmm, wag na po." Nakangiti kong sagot nang mapansin kong tumatawa tong aso na to. Bumalik pala siya pero wala akong pakialam sa kanya.
Paalis na sana ako nang may sinabi sakin si ate Irene,
"Rhea ano yang nakadikit sa likod mo?" Pagtatakang tanong ni ate Irene. Huh? Ano naman kaya yun?Pinilit kong abutin un hanggang sa..................O_____O
TUTAL VALENTINES NAMAN NGAYON, LIBRE KISS! ♥
Kitang-kita ko sa mukha niya ang pamumula habang tawa ng tawa na kita ngalangala. I crumpled this paper and shoot!! 3points shot sa bunganga niya.
------
Hello, :) first time kong gumawa ng story. Hope you guys like it.
VOTE and COMMENT na lang po. Salamat :*
BINABASA MO ANG
Can't Take My Eyes Off You
AléatoireI love when you tell me that I'm pretty When I just wake up And I love how you tease me when I'm moody But it's never too much I'm falling fast but the truth is I'm not scared at all You're climbin' my walls - Lady Antebellum