CHAPTER 5

53 1 0
                                    

Monday morning at naisipan kong maagang pumasok. Nasa gate pa lang ako ng school rinig na rinig ko na ang mga rumors ng mga estudyante dito. Mukhang dahil sa Student Council kaya sila nagkakaganyan.

"Grabe, bat siya pa nanalo? Hindi naman beauty pageant ang Student Council." rinig ko pang sabi ng isa.

"Bat kasi hindi na lang si Rhea. Tutal simula first year siya na ang top 1." sabi naman nung isa. Napangiti na lang ako. Wala naman kasi akong hilig dyan. Gusto ko ng simpleng buhay. Ayoko ng madaming hassle sa pag-aaral. Mas gusto ko ang academics rather than extra-curricular activities.

Naglakad na lang ako ng naglakad hanggang sa madaanan ko ang main bulletin board namin. Nakapost na nga ang mga nanalo with their number of votes. Masyadong dikit ang laban. At halos lahat ng  mga kasabay ko sa pag-uwi nanalo. Nakakatuwa, they make it. Ang galing-galing nila. Nakakaproud. Pero dahil lahat sila nanalo nakatakda na nga talaga maging loner ako maging sa pag-uwi. Naniniwala na talaga akong may forever pero sa love wala. Tiningnan ko lang isa-isa ang mga naggagandahan at naggwagwapuhan kong classmate. Lahat kasi sila classmates ko. Nasa kalagitnaan ako ng pagmamasid dito sa main bulletin board ng may humigit sa braso ko,

"Rhea totoo ba!? Totoo ba na pinagtritripan mo lang ako!?" kitang-kita ko sa mukha niya ang galit at panggigigil sa akin. Kinabahan ako bigla.

"Ano bang sinasabi mo!? Hindi kita pinagtritripan!!" pasigaw kong sabi sa kanya. Halos dumami na ang estudyante na nakapalibot sa amin. Mas lalo akong kinabahan at nagsimula ng umiiyak. Punong-puno ng panghuhusga ang nakikita ko sa mga mukha nila. Nakakatakot siya. Kung noon nakakatakot talaga siya kahit hindi siya galit, ngayon dumoble ang nakakatakot niyang itsura.

"Grabe, ang bilis mo naman makalimot Rhea. Akala ko ba matalino ka!? Sinabi sa akin ni Carmmy lahat ng napag-usapan niyo tapos magmamaang-maangan ka pa? Sabi ko na nga ba eh, unang kita ko pa lang sayo nung first year high school tayo iba na pakiramdam ko. Bakit ka ba nandito sa eskwelahan na to e db mayaman ka!? Pinagsisiksikan mo ung sarili mo dito. Dito ka naghahanap ng pagmamahal  na pwedeng ibigay sayo kasi sa lugar niyo walang nagmamahal sayo kasi masama ugali mo!!" Ah ganun!? Ang kapal ng mukha niya! Ang sakit nun. Sobrang sakit. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at PAAAAAAKKK!!! Sinampal ko sya. Sumosobra na sya.

"Una sa lahat hindi kita pinagtitripan dahil alam ko at alam ni Carmmy na namis-interpret lang sya. Pangalawa, hindi ko pinagsisiksikan ang sarili ko dito dahil mismong ang eskwelahan na to ang tumanggap sa akin. Bakit hindi sila ang sisihin mo!!? At pangatlo, wala kang alam sa buhay ko at sa pinagdadaanan ko kaya wala kang karapatang kwestyunin ang pagkatao ko!" At tuluyan na kong umalis dun. Tumakbo ako ng tumakbo. Ang sakit sakit na kasi eh. Napakaiyakin ko talaga. Sobra na kasi yung pamamahiya niya sa akin. Hindi pa nga kami nakakaisang buwan ganyan niya na ko tratuhin, pero hindi ko hahayaan na makaisang buwan kami. Hindi ko kakayanin maging battered wife or battered girlfriend sa kanya.

First time ko kasing maramdaman yung ganito. Kahit ganun sila mommy't daddy, hindi nila ako pinapahiya. Hangga't maari ayaw nilang may makaalam ng mga failures ko. Pero first time my nangmahiya sakin sa maraming tao. Ang mga tingin nila sa akin. Lahat sila puno ng panghuhusga sa akin. Iyak lang ako ng iyak hanggang sa nakarating ako sa plaza medyo malapit dito.

Ibinuhos ko lahat ng sakit na nararamdaman ko. Yung sakit at pagkaulila ko sa pagmamahal ng isang magulang. Yung sakit na iniwan sa akin ni Cyrus at pagkatapos itong sakit na iniwan sa akin ng mga tao na itinuring ko ng pamilya ko. Iniiyak ko lahat ng nararamdaman ko. Wala akong pakialam sa mga taong pinagtitinginan ako dahil alam ko namang ang isip nila, negative.

Iniyak ko lahat hanggang sa sumakit ang ulo ko. Binalak kong wag ng pumasok kaya nagpasundo na lang ako sa family driver namin. Masyado na kasing masakit at mabigat sa part ko. Hindi ko na kayang magconcentrate lalo pa't pinag-uusapan nila ako.

Can't Take My Eyes Off YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon