Chapter 33: Photoshoot

22 0 0
                                    

Joshua's POV

Naging madali lang ang pag photoshoot nung una ay nahihirapan mag focus si Lhei

Ramdam ko sa kanya ang kaba dahil ang sabi niya sa akin madali lang daw ang muse, oo naging model siya may naging trauma siya kaya medyo pressure siya dito

One Week na kaming nag photo shoot madali lang naman ang photoshoot kaya lang matagal ireleased ay dahil mabusisi itong ayusin

Nandito kami ngayon sa yate, kinukuhanan pa din nila si Lhei

"Lhei is so gorgeous" nagulat ako ng biglang mag salita si Claire mula sa likod ko

"Hindi nyo sya nilagyan ng make up?"

Napansin ko kasi na wala siyang make up natural lang

Nanibago ako dahil lahat ng mga nakakasama ko sa photoshoot ay talagang nag make-up pero siya hindi

"Ayaw niyang magpa make-up, you know Sir napaka simple niya, tahimik lang siya pero once you talk to her napakalambing ng boses niya"

Habang nakatingin kami sa kanya I'll find her too gorgeous

"Kanina nung wala ka Sir, hinahanap ka nya hindi nga sya mapakali kanina eh"

"Talaga?"

"Opo Sir"

"Very Good Kristalyn! Okay, 5 minutes break, nandyan na ba si Joshua?" rinig kong sabi ni Charles

"Nandito na kuya!" Sigaw ni Claire

Si Charles at Claire ay magkapatid pareho nila gusto ang photography

May tiwala si Dad sa kanila lalo na't kaya mas sumikat ang mga magazine na aming na rereleased ay dahil na rin sa galing nila sa pagkuha ng mga litrato

"Joshua!"

"Why?" boring na tanong ko

"Nagawa ko, nagawa ko!" Sabay talon naman nito sa harap ko na parang bata

Napangiti nalang ako ng bigla niya akong yakapin

Para siyang isang batang binigay ang gusto niya laruan na matagal na niyang inaasam asam

"Thank you Josh" mas lalong humigpit ang yakap nito sa akin

"You're simple but totally gorgeous"

Nagulat ako ng bigla kong mabanggit yun, hindi ko alam pero kusa ko nalang nasabi

Ngumiti siya sa akin

Ano kayang iniisip niya at ganun nalang siya makatingin sa akin sumabay pa yung ngiti niya

"Ah!" Napahawak ako sa kamay niya na nakakurot sa pisngi ko

"Bleeehh! :p Wala akong pera!"  sabay takbo nito

"Hoy! Anong ibig mong sabihin?"

Binilisan ko ang takbo, akala niya matatakasan niya ako sa pag pisil niya sa pisngi ko

"Turtle!" Sigaw niya

"Turtle pala ha!"

"Wait, Lhei! Mahulog ka" napatigil naman siya

"Got yah!" Mula sa likod ay niyakap ko siya

"Ang Duga mo!" Tinatanggal niya ang pagkayakap ko sa kanya pero hindi niya maalis

"Anong sabi mo kanina? Turtle? At sino nagsabi sayong pwede mong kurutin ang pisngi ko" ngumisi ako sa kanya na ikinapula naman ng pisngi niya

Hindi siya nagsalita dahil nakita ko syang namumula

"PERFECT!" sabay kaming napatingin sa nagsalita ng makita naming kinuhanan niya kami

"Kristalyn, Joshua look!" Tawag sa amin ni Claire

"It's too perfect" nakita ko si Joanne na nakangiti, hindi sa akin kung hindi kay Lhei.


Is This A Dream?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon