Chapter 45: With Them

0 0 0
                                    

Kristalyn's POV

Walang nagsalita samin pag katapos nyang sabihin yon. Hindi ko alam kung bakit nangyayari ang lahat ng to sakin. Simula ng makita ko sya sa School nagbago na ang lahat, tila ba isang malaking pagbabago ang nangyari sa buhay ko.

"You know I can't do that" mahina kong sabi

Nakita ko syang nakatingin sakin.

"You don't remember" pagbulong nito

"Okay, if you can't then I must know kung nasan ka at kung sino ang mga kasama mo" mahinhin nyang sabi

"Bakit kailangan kong gawin yon?"

Hindi nya sinagot yung tanong ko, pinaandar nya ang kotse at hininto ito sa tapat ng bahay namin.

"Remember what I told you"

Nang makapasok ako sa kwarto hindi maalis sa isip ko ang pagkaseryoso ng mukha nya sa mga sinabi nya kanina. Ano bang importante sa mga pinapagawa nya. Naguguluhan na ko.

SCHOOL

"OMG! Lhei!" April

"Oh? bakit?"

"Hindi nya pa alam yon" Yumi

"Ang alin?"

"Kung ano ang nauna Itlog o Manok?" seryosong sabi ni Venience

Nagtingin naman kaming lima kay venience

"What!?"

"Waaaahhhh! hindi ka na isip bata venience!" April

"I know" Venience

"For sure dahil yan sa kuya nya" Lianne

"Eh ano pa nga ba?"

"Bakit ako naging topic?" Venience

"I miss milktea"

Nagsitinginan naman sila sa akin

"Yah! Tara!" Lianne

"Ako diiiiiiinnnn" Yumi

"We all know na hindi naman milktea ang namiss mo" pang aasar ko kay Yumi

At ayon napunta ang asaran kay Yumi

Nang makapasok kami sa MilkTea For You agad na nauna si Yumi at umorder na. Sya kasi ang taga order namin dahil crush nya yung gumagawa ng milktea.

Matagal nang Crush yon ni Yumi dahil na din tambayan namin ito after class alam na ni Gab (mr.milktea boy) na crush sya ni Yumi.

"Yumi ang tagal mo naman! malulusaw na si Gab nyan" April

Napatingin naman si Gab sa gawi namin at ngumiti

"Yon, yon eh"

Nag sign naman si yumi na tumahimik daw kami kaya ayon lalo pa naming inasar si Yumi

Hindi din nagtagal kasama na ni Yumi si Gab  dahil sa order namin.

"Thanks Gab" Venience

"Sya may thank you ako na taga order nyo wala man lang thank you" Yumi

"Oy! nagdrama ka pa dyan, parang hindi mo naman ginusto yan hahaha!"

Nagkwentuhan lang kami.

Hindi ko inaasahan na pagkatapos kong mawalan ng bestfriend may darating akong mga kaibigan na hindi ko inaasahan

Nang magtagal nagsiuwian na din kami, madami pa kasing dapat gawin para sa school

Kinuha ko ang susi sa aking bulsa at pumasok sa kotse, magda-drive na sana ako nang magring yung phone ko

Dad Calling

"Dad"

[You should go home now]

"Yes, dad"

After that binaba na nya, alam kong may mangyayari na naman na hindi ako pwedeng tumanggi. Hindi naman tatawag si Dad kung hindi naman about business nya or may nalaman na naman sya tungkol sakin na hindi nya inaasahan.

Katulad nalang dati na sumali ako sa volleyball. Ayaw ng parents ko na sumali ako sa mga sports activity dahil sa nag aalala lang daw sila sa kung anong pwedeng mangyari. Kaya naman kahit kinabukasan na yung laban tinanggal ako sa volleyball team. Anong klaseng reason yon, dahil nag aalala eh hindi naman taekwondo yung sinalihan ko.

Freedom. Yun lang naman ang gusto ko, kahit hindi na nila ako suportahan sa mga bagay na gusto ko.

Nang makarating ako sa bahay agad akong pumunta sa Meeting Room ni Dad.

Kahit sa bahay may meeting room si dad, hindi na kayo magtataka kung bakit.

Pagbukas ko ng pintuan nagulat ako sa dami ng taong nandun.

Anong meron?

Is This A Dream?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon