Chapter 13: Confused

25 0 0
                                    

Kristalyn's POV

"Ate, ate!!" May lumapit na isang bata sa akin siguro mga 7 years old na sya

"Ito po, huwag na po kayong umalis" Abot sa akin ng panyo ng isang batang babae

"Kailangan kasi eh"

"Hindi mo naman po kailangan eh, malulungkot lang po si Kuya"

"Bakit naman at sino namang Kuya yung tinutukoy mo?" Tanong ko sa batang babae

"Sya po" sabay turo sa lalaking nakatalikod malapit sa amin

"Sino ba siya?"

"Kuya!!!" Pag tawag nya

Hindi pa man nakakalingon yung lalaking tinuturo nung babaeng bata bigla nalang lumiwag ng sobra masakit sa mata kaya naman napapikit nalang ako

Nagising ako sa ingay ng cellphone sa tabi ko

Panaginip na naman, Pangalawang beses ko nang nananaginip ng ganun, hindi ko man lang makita ang mukha ng lalaking iyun.

Nang mapansin kong kanina pa natunog yung phone ko

27 Missed Calls from Mami

12 Message Receive

From: Mami

Kristalyn, I've been calling you. Answer the phone, You've be needed for our company

Hindi ko na binasa pa ang ibang txts ni mami, lagi nalang syang ganun pag kailangan nya lang ako naaalala

Pagbangon ko naramdaman ko ang sakit sa ulo, nahihilo ako, kumikirot pa, Hang over siguro.

Incoming Call: Josh

Ha? Sino naman to? Wala akong matandaan na sinave ko'to (chapter 6)

Sinagot ko nalang yung phone call

"Hello?"

[ Ang tagal mo namang sagutin ]

"Sino ka ba?"

Ang kapal naman nito, Hindi ko nga sya kilala eh tapos ganun pa makaasta

[ Castaveila ] matipid na sagot nya pero alam kong may pagbabanta ang boses nya

"Bakit alam mo number ko?"

[ Wala kana dun , mag-ayos ka na may pupuntahan pa tayo i'll pick you up bilisan mo ]

"Hah? Saan?"

*Call Ended*

Ay! Bastos walang modo -.-"

Natandaan ko may deal pala kami bakit kasi sumabay pa sya.

Maya maya na ako mag aayos

Habang nakahiga pa, tinignan ko yung mga pictures namin ni Drei

Masaya pa kami, kahit anong problema nalalagpasan basta magkasama kami, kung tutuusin may sarili na nga kaming mundo pag kami ang magkasama

Binasa ko din ang mga txt's namin, hindi ko alam kung totoo ba ang lahat ng sinasabi nya sa txt. Minahal nya kaya ako? Kahit minsan?

Tumayo na rin ako, ayoko na kasi maalala pa ulit yun. Nag ayos na ako

Siguro mga 2hrs din yun

Lumabas na rin ako para makapag breakfast sinalubong naman ako ni Sherly isa sa mga maids namain

"Mam, may dumating po kanina Joshua daw po, babalikan ka daw po niya"

"Osige"

1 message receive

- Josh -

Papunta na ko

"Sherly"

"Bakit po?"

"Si Manang"

"Tatawagin ko lang po"

Nang may narinig akong busina baka sya na yun

"Wag na, pakisabi nalang baka gabihin ako"

"Ok po, Ingat po Mam"

"Salamat"

Pag labas ko sa may gate

Hindi sya ang nakita ko

Kundi si Drei

"What are you doing here?"

"Alam kong hindi pa maayos sayo ang lahat"

"For what?"

"Para sa atin"

"Drei there's no us!"

"Alam ko pero pwede naman tayong maging mag kaibigan diba?"

"Friends? I don't think so drei"

"Lhei"

"Tama na Drei"

Paalis na ako dahil nakita ko na yung kotse ni Joshua alam kong sya yun dahil yun ang ginagamit nya pag pumapasok

Bigla nyang hinawakan yung kamay ko

"Drei ano ba!?"

"Let me explain"

"Bitawan mo nga ako!"

"Teka, Wag namang ganyan" pagkuha ni Joshua sa kamay ko kay Drei

Pagkuha ng kamay ko ni Joshua hinatak ko na sya papunta sa kotse nya ayoko na syang kausapin

Napatigil kami ni Joshua nang iharap ni Drei si Joshua

"Anong balak mo?" Tanong ni Drei

"Ikaw ang dapat sumagot nyan, Ano nga ba ang balak mo? Mr. Valdez" pag iba ng aura ni Joshua

Teka? Magka kilala sila? Tsaka ano ba yung tinutukoy nila

"Kilala mo sya Joshua?"

"Hindi lang kilala, KILALANG KILALA" sagot ni Joshua

"Huwag kang makialam dito" sabi ni Drei

"Ang pagkakaalam ko Valdez ikaw ang dapat huwag makialam dito" sabi ni Joshua

"Let's go" ngayon naman si Joshua ang humatak sa akin

Ano yun? Nalilito na ko ha, ano ba yung pinag uusapan nila. Tska paano sila nagkakilala?

Is This A Dream?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon