"Hindi ko na kaya Den sobrang sakit na,nasasaktan ako araw araw habang kasama kita,di ko na nararamdaman sarili ko dahil kapag nakikita kita lagi kong naiisip na malapit na tayo matapos na pabagsak na ang relasyon natin,Den palayain mo na ako pagod na pagod na ako" nakatingin ako sa kanya sa mata,buti at nalabas ko ito ng maayos ng di nauutal.
"Sai akala ko ba habang buhay pa tayo walang maghihiwalay?"tanong ni densho na nahihirapan akong sagutan dahil ako mismo wala nang maisagot.
"Den di mo na ba nakikita?Nagiging toxic na ang relasyon natin,paunti unti Densho bumabagsak na tayo,hayaan nalang nating bumagsak ang lahat"
"Yan ba talaga ang gusto mo Sai?Yan ba talaga ang ninanais mo?Dahil kahit masakit Sai ibibigay ko sayo,ayokong nahihirapan ka" di ko kayang tignan si Densho na umiiyak kaya yumuko ako para maiwasan ang mata niyang pulang pula dahil umiyak,di ko maisip na iiyak siya ngayon dahil nakilala ko si Densho na matapang,nasasaktan ako habang pinapakinggan ang bawat salita na lumalabas sa bibig niya,ayaw kong gawin to pero kailangan,kaya gagawin ko.
"Mahal palalayain mo naman ako diba?Diba sabi mo sakin noon lahat ng gusto ko ibibigay mo basta sumaya lang ako"
"Sai kung iiwan mo na ako wag mo na akong tawaging ganyan nasasaktan ako nararamdaman kong ayaw mo kong iwan pero bat ganyan ka?" Natahimik ako dahil sa sinabe niya kase totoo naman talaga siya kaya tumahimik nalang ako naghihintay sa susunod niya pang sasabihin dahil he caught me off guard wala akong masabi.
"Magiging masaya ka ba kung palalayain kita?" Napatitig ako sa kanya tinitimbang kung kaya ko ba talagang tapusin ang lahat ng ito.
"Oo Den masayang masaya,kaya Den tama na palayain mo na ako"
Bigla siyang tumitig sakin para bang hinuhuli ang mata ko,di ko alam kung hinuhuli niya ba talaga ang mata ko o kinakabisado niya ang mata ko,ang mata ko ang gustong gusto ni Densho dahil para itong nagsasalita para kang kinakausap nito.
"Payakap naman mahal sa huling pagkakataon" Di ko alam bat bigla akong umatungal sa pagiyak sa isipan bang maghihiwalay na kami o sa isipang mamimiss ko siya.
Di ako nagdalawang isip na binigla ko siya ng yakap dahil alam kong huli na ito,huli na ang lahat akala ko tama ang ginawa ko.