"Densho gising na" Nabigla ako ng bigla siyang bumangon at niyakap ako ng mahigpit.Nagtaka naman ako kung para saan yon.
"Mahal nanaginip ako akala ko iniwan mo ko" Bigla ako natigilan sa sinabi niya parang alam ko na ito.
"Bumangon ka na jan,aalis na ako pag nakita ko nang ok ka na" Inalis ko ang yakap niya at tumayo dahil napaupo ako kanina sa biglaan niyang pagyakap sakin.
"Mahal" Tawag sakin ni Densho ngunit di ko ito pinakinggan dahil sigurado na ako dito.
"Sai makinig ka naman sakin oh"
"Densho ano ba sabing bangon na jan eh!"
Natigilan naman siya sa pagsigaw ko kaya bigla niya tinakbo ang distansya naming dalawa.Para bang humihingi siya ng dispensa sa pangungulit niya saken.
"Den buo na ang desisyon ko kung akala mo hindi yon totoo pwes ipapakita ko sayong iiwan na kita" Walang habas kong sabi sabay kuha ng bag ko na niready ko kanina habang tulog siya.Napatingin ako sa kanya kaya tumigil ako sa ginagawa ko dahil nakokonsensya ako sa mukha niya,ayaw niya talaga akong iwan.
"Sai pano ang bahay na to?Pano na ang mga pinangako mo saken?"
"Densho ano ba akala ko ba ok na tayo kahapon?"
"Sai kailanman di ako magiging ok pag iniwan mo ko"
Pinagpatuloy ko na ang pagkuha ng bag at kinuha ang sapatos ko at sinuot sa harap niya.
"Aalis na ako,ibenta mo ang bahay kung gusto mo,wag mo na akong guluhin Densho kung pupwede lang."
"You're so heartless Sai,binigay ko sayo ang lahat ano pa bang kulang?"
"Aalis na ako,Goodbye."
At oo nananaginip lang ako,hindi lahat totoo dahil lahat ng yan naiisip ko lang dahil alam kong di ako pipigilan ni Densho na umalis.