Fourth. His Reason

38 1 1
                                    

Chapter Four

CELINE'S POV

six months have passed

anim na buwan, anim na buwan simula nung huli naming pagkikita.. oo sobrang sakit noong araw na hindi na niya ako kilala.. na akala ko, isa na lamang akong estranghero sa kanya.. sobrang sakit, pagkatpos ng araw na yon, halos araw-araw sumasabog ang puso ko sa sakit.. hindi ko maintindihan, bakit niya ako nakalimutan? hindi ba talaga pwedeng maging magkaibigan kami pagkatapos ng lahat? kaya ko namang sigurong tanggapin na hindi talaga kami para sa isa't isa..

akala ko, yun na ang pinakamasakit sa lahat.. pero hindi pala.. may mas sasakit pa pala sa naramdaman kong yon.. na sa tuwing gigising ako, hinihiling ko na sana hindi na lang ako nagising.. na sana hinayaan na lang niya ako sa panaginip ko.. sana hinayaan na lang niya na kahit hanggang dun man lang magkasama kami ng taong mahal ko..

"Cel, tulala ka na naman.. male-late na tayo, tara" tawag sakin ni Cess, andito kami sa cafeteria ng University ngayon.. hindi ako makakain ng ayos.. haaaay..

"Cel, hindi ko alam kung ano ang dapat sabihin.. pero, isang buwan na ang nakakalipas.. kailangan mo ng tang---" Byron, hindi ko na siya pinatapos

"paano By? paano ko tatanggapin?!! hindi madali! ang sakit! ang sakit sakit!" at tuluyan na naman akong humagulhol ng iyak

at naramdaman ko na lang, yakap yakap na nila akong dalawa.. sobrang sakit lang talaga..

"hanggang kailan kang magkakaganyan Celine?" Cess

"h-hindi *sniff* k-o a-alam.. *sniff* h-hindi ko t-talaga *sniff* a-alam"

"ssshh.. tama na ang iyak, pumapangit ka.." By, alam ko namang pinapangiti niya lang ako.. nagpunas na ko ng luha..

"sige na.. tara na.. male-late na tayo di ba Cess?"

"yeah, let's go"

pumunta na kami sa klase.. pero wala eh, lutang pa din ako.. ang hirap tanggapin.. sobrang sakit.. bakit ganun? akala ko sa mga movies lang toh nangyayari eh.. bakit kailangan kong pagdaanan? masama ba akong tao? ang alam ko lang.. nagmahal lang ako.. tama, nagmahal lang ako pero bakit ganun?

natapos ang klase namin sa maghapon na wala akong naintindihan.. uwian na.. hinihintay na lang namin ni Cess yung driver namen.. sasabay daw siya saken kasi naka-leave yung driver nila..

"Cel, cheer up.. andito pa kami.. kailangan ka din namin" malungkot na sabi niya.. niyakap ko na lang siya..

"sorry.. ang hirap lang talaga.. sobrang sakit pa din"

"alam ko namang hindi ganun kadali tanggapin ang lahat eh.. walang may gusto sa nangyari.. lahat tayo nabigla sa mga nangyari.. pero nangyari na eh, wala na tayong magagawa kundi ang tanggapin.. tanggapin natin na may hangganan ang lahat" Cess

"ang selfish niya kase eh.. hindi niya sinabi saken.. sana natulungan ko siya.. sana kasama ko siya" naiiyak na naman ako.. hinawakan niya ang dalawang kamay ko..

"sssshh, dyan ka nagkakamali Cel.. he really has a selfless heart.. oo aaminin ko, nagalit ako sa kanya nung una.. pero nung malaman ko yung totoong dahilan, naintindhan ko siya.. hinangaan ko siya.." paliwanag niya

"p-pero bakit ganun? pwede namang sabay naming harapin yun eh"

"ganun ka niya kamahal" Cess

"huh?"

"oo Celine, sa nakita ko sa mga nangyari.. ayaw ka niyang makitang mahirapan sa sitwasyon niya.."

"bakit? ngayon ba eh tingin mo hindi ako nahihirapan? sobrang sakit nga eh"

I'll Be Loved... SOONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon