Kabanata 1

962 19 7
                                        

What a peaceful night it was.

Umihip ang malamig na hangin at kasabay nito ang pagsayaw ng buhok ko. Ang kalmado ng kalangitan. Tanaw mula sa bintana ko ang tatlong bituin.

Napangiti ako. Ngayong gabi, payapa ang puso ko.

Katatapos ko lang kumain at nagpapahinga nalang ako ngayon.

"Oy, Natasha!" Tawag sa akin.

Hinanap ko kaagad ang pinagmulan ng boses. Nakita ko si Betty sa labas ng bahay na kumakaway sa akin. May hawak siyang skateboard. Ang lawak ng ngiti sa labi.

"Tara skateboard!" Aya niya.

Tinignan ko ang digital clock na nasa ibabaw ng bedside table. It read 9:45 in the evening.

"Tara dali!" She beckoned.

"Wait," sabi ko.

Kumilos kaagad ako. Hinanap ko ang skateboard na nakatago sa cabinet ko. Nang nahanap ko 'yon ay napangiti ako.

Lumabas ako ng kwarto at bumaba sa sala. Nakita ko kaagad si Papa na nagwo-woodcarve na naman.

"Papa!" Tawag ko. Kaagad niya akong nilingon.

"Oh? Saan ang punta mo?" Tanong niya.

"Sa labas, Papa. Skateboard," sagot ko.

"Ipagtimpla mo muna ako ng kape."

Siningkitan ko siya ng mata.

"Dali na kung gusto mong maglaro sa labas."

I chuckled. "Sus, gustong magpalambing ni Papa!"

"Minsan lang naman."

Inirapan ko si Papa pero natawa rin ako sa huli. Gabing-gabi magkakape? Mahihirapan na naman 'to makatulog mamaya. Unless may balak siyang magtrabaho magdamag.

Nagtimpla muna ako ng kape para kay Papa. Kalahating kutsara ng black coffee, isang kutsara ng creamer at isang kutsara ng asukal. Paborito ni Papa ang timplang kape ko. Pero minsan gusto ko nalang isipin na binibiro lang niya ako para ipagtimpla ko siya.

"Ito na nga po," sabi ko at nilapag ang baso sa kanyang mesa. "Kabuong gabi nagkakape ka na naman, Papa."

"Hayaan mo na ako, 'nak. May tinatapos lang akong trabaho."

Humalukipkip ako at bahagyang umupo sa gilid ng mesa.

"Pa, puwede naman kasing ipabukas na 'yan," dismayado kong sabi.

"Hindi puwede, 'nak. Gusto ko matapos siya ngayong gabi para bukas konting linis nalang," aniya habang inaayos ang woodcarve niyang statue ng isang babae.

Bata pa lamang ako ay nag-uukit na si Papa. Kilala rin siya rito sa bayan namin. Nakapagtapos siya Fine Arts sa UP at malaking advantage iyon sa kanya.

"Rushed ba 'yan?" Tanong ko.

"Hindi naman din."

"Oh? 'Di naman pala, Papa, e. Magpahinga ka na kaya?"

"Natasha?" Rnig naming boses ni Betty.

"Sige na. Mag-skateboard ka na sa labas," Papa dismissed the topic. "Basta bago maghating gabi nakauwi ka na ha?"

I smiled cheerfully and hugged my father. "Thank you, Pa! I love you!"

"Ay sus. Sige na alis na."

Kumaway muna ako kay Papa bago ako tuluyang lumabas ng bahay. Nakita ko kaagad si Betty na mukhang kanina pa naghihintay. Nang nakita ako, she sighed in relief.

Handang Maubos (Track 01)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon