Handang Maubos

64 0 0
                                        

Hi! I just want to share Natasha's composition. This is the lyrics entitled Handang Maubos

Verse 1

Sa lahat ng daang tinahak,
Sayo pa rin ang bagsak
Lahat at buo'y inalay
Maramdaman mo lang na

ika'y naging sapat
Ohh ohh

Verse 2

Bawat patak ng iyong luha
Ninanais na mapadama
Ang init ng 'king pag-ibig
Nang lungkot di sumisilip

Nandito lang ako
Ohh ohh ohh

Chorus 1

Pano mabubuo
Kung kailangang lumayo
Di man ako ang hanap mo
Nandito pa rin ako

Handang maubos
Para sayo

Verse 3
Pa'no nga ba bumitaw
'Di ka naman nakakapit
Magsisinungaling sa sarili
Na puwede pang ipilit

At ako'y iyong iibigin
Tibok ng puso'y para sakin

Bridge

At kahit, siya lamang ang hanap ng 'yong mata at
Tinitibok ng puso mong nanghihina
Kaya sa ngayon, mas mabuti pang lumisan
Nang sa gayon, 'di tayo magkakasiraan

Chorus 2

Patawad sa iyo
Kung kailangang lumayo
Hindi ako ang pangarap mo
Di ako ang kailangan mo

Kahit handang maubos
Para sa'yo

Handang Maubos (Track 01)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon