Kinabukasan, pagkababa ko sa sala, nakita ko si Papa na abala. Nagkusot ako ng mata at lumapit sa kanya.
"Saan punta mo, Papa?" Tanong ko kay Papa na ngayo'y naghahanda ng mga gamit niyang pang-ukit.
"Trabaho, 'nak. Maiwan muna kita rito ha?"
Kumunot ang noo ko.
"Po? Saan kayo pupunta?"
"Sa Isabela. May kumuha sa aking kliyente."
"Ilang araw? Papa naman! Isama niyo nalang po ako. Wala naman akong pasok."
"Huwag na. Dito ka nalang."
Bumusangot ako. "'Di na ako mahal ni Papa," pagdadrama ko. "Pinagpalit na ako sa trabaho niya."
Nagkamot ng sentido si Papa at tumigil sa kanyang ginagawa. Hinarap niya ako na mukhang dismayado.
"Malaki ka na, Natasha. Gawin mo nalang 'yong dapat mong gawin. Maglinis ka ng bahay. Huwag puro asa kina Nanay."
Tiyahin ni Papa si Nanay Gabbi na si Tatay Kenneth ang asawa. Wala na silang mga magulang. Sa side naman ni Mama na ngayo'y nasa US, nasa probinsya. I never had the chance to meet them personally. Lumaki akong si Papa lang ang nasa tabi ko. Si Mama kasi may sarili ng pamilya. She's probably happy even without us.
"Babalik ka, 'diba? 'Di mo naman ako iiwan dito?" Umaasa kong tanong.
Ayaw ko lang na wala si Papa sa bahay. Hindi ako sanay. Ayaw din naman niya kasi akong isama sa trabaho niya kaya wala akong magagawa kung 'di ang maghintay sa kanyang pag-uwi.
"Ano ba naman 'yang tanong mo, Natasha? Parang bata na takot iwan."
Tumawa ako. Totoo naman kasi. Niyakap ko nalang si Papa mula sa likuran niya.
"Siyempre naman, Papa. Ikaw na nga lang ang meron ako tapos iiwan pa ako? Napakapangit ng ugali mo, Papa."
Tiananggal ni Papa ang braso kong nakapulupot sa kanya at humarap sa akin. Hinawakan niya ang magkabilaan kong balikat.
"Ito tatandaan mo, 'nak. Mahal na mahal ka ni Papa. Gusto kitang bigyan ng magandang buhay kahit na ito lang ang trabaho ko. Gusto kong mangarap ka para sa sarili mo. Gawin mo 'yong mga bagay na magpapasaya sa puso mo."
Ngumiti ako kay Papa. Nag-iinit ang puso ko. Sobrang swerte ko pa rin kahit si Papa lang ang tumataguyod sa akin. Never akong nakaramdam ng pagkukulang. Hindi ko kailanman naramdaman na unfortunate ako kasi walang Nanay na ilaw sa buhay ko.
"Sige na," he said and continued what he was doing. "Kung wala kang gagawin sa araw na 'to, magligpit ka sa kwarto mo. Kababae mong tao pero 'di ka marunong maglinis."
"Oo na nga po," sagot ko. "Aalis ka na ba kaagad, Papa?"
"Tatapusin ko lang 'to."
"Eh paano ang pagpunta mo ng Isabela? Ano sasakyan mo?"
"May service naman. Huwag mo ng isipin 'yon. Sige na. Kumilos ka na."
Nanatili ang tingin ko kay Papa. Pinanood ko siyang nagliligpit ng gamit.
Alam ko sa sarili ko na 'di ako perpektong anak. Maraming pagkakataon na naging sakit ako ng ulo. There were countless times that I failed him. Minsan kasi may mga bagay na hindi niya maintindihan. The generation gap played a big role for both of us. Minsan naman, akala ko tama ako. He wanted me to grow mature so I acted like I knew and understood everything. But then again, at the end of the day, he was still my father and I loved him more than anything in this world.
"Gusto mo ng kape, Papa?" Alok ko sa kanya.
"Huwag na, 'nak. Siguro sa biyahe nalang."
"Okay po..." tanging sabi ko.
BINABASA MO ANG
Handang Maubos (Track 01)
Genel KurguWhen Natasha met Aaron, her life changed. Naging sandigan niya ang binata at ganoon din ang lalaki sa kanya. She tried to fix him but she ended up breaking her own heart. Handa ka bang maubos kahit 'di ikaw ang mahal?
