“Xyriel ija? Gising kana tanghali na may pasok kapa.” gising sakin ni yaya selda.
Agad akong bumangon para maligo at magbihis nakabalot na yung regalo ni Mat at dadalhin ko na yon mamayang gabi sa Gerry's Bar.
Agad akong bumaba para kumain at naabutan ko don sina mommy and daddy na kumakain.
“Goodmorning.” bati ko sakanila at niyakap sila niyakap din nila ako pabalik at pinaupo na sa upuan.
Nasa kalagitnaan na ako nang pagkain ko nang bigla akong tinanong ni dad.
“Kumusta school mo xy? Mahirap ba?.” tanong ni dad kaya umiling ako bilang sagot.
“Hindi naman po dad.” sagot ko at tumango nalang sya bilang sagot at tinuloy ang pagkain.
Kasabay ko ngayon si Louisse sa parking lot papasok nang school si Mat daw kase hindi papasok kase birthday nya.
“Anong oras tayo pupunta mamaya?” tanong ni louisse
“7:30 daw sabi nya.” sagot ko at pumasok na sa school magkahiwalay yung building namin kase magkaibang course kinuha namin, nagkakasama lang kami tuwing lunch at dismissal.
Katabi lang nang building namin ang engineering department halos lahat nang nasa departamentong yan ay puro mayaman at pogi daw kaya sabi nang mga taba ibang course ang swerte daw namin.
Maraming lumilipat nang Education dahil don gusto daw kase nilang mapalapit sakanila.
Nandito na kami sa Gerry's Bar kung san gaganapin birthday ni Matthew pinauna ko na si Louisse kase shy ako eh kaya ngayon pumasok na ako mag isa.
Naglalakad na ako papasok nang bar nang may naka bungguan ako kaya napaupo ako sa sahig at napamura ako sa sakit!.
“Tanginaaaa naman ohh antanga tanga naman kase e!” galit ko sabi at tumayo ako kaagad at pinagpag damit ko.
“Sorry miss di ko sinasadya.” sabi naman nang naka bungguan ko kaya napatingin ako sakanya.
Pagkatingin ko ay natulala ako sakanya kase ang pogi nya at ang bango nya, maayos yung buhok, maayos ang damit at hindi mo makikitaan nang gusot.
Nagulat nalang ako nang kalabitin ako neto kaya umayos na ako nang tayo.
“Sorry miss di ko sinasadya.” pag uulit nya.
“Ahh e-ehhh hindi naman ikaw minumura ko h-hehe yung m-mata ko kase antanga oo! Tama yung mata ko antanga di kase tumitingin sa daan h-hehe.” sabi ko tangna bat ako nauutal?
“Anong pangalan mo?” tanong ko sakanya.
“Im Rafael Alexander Aquino, Alex nalang” sagot nya sakin. “ikaw ano pangalan mo” dagdag nya pa.
“Xyriel Samantha Gonzales” sagot ko kaya napatango naman sya naputol yung pag uusap namin nang sumingit si Mat sa usapan.
“Magkakilala na pala kayo? Di ko na kayo ipapakilala sa isat isa ah.” sabi ni Mat.
“Alex, this is my childhood friend Xy.” sabi ni Mat. “And Xy, this is my bestfriend Alex” dagdag nya pa.
Minsan ang gulo din neto di na daw ipapakilala sa isat isa pero pinakilala ulet!
So magkaibigan pala huh…
To be continue…
Please vote and comment!
Fb: Jhon Paul Servano
A/n: sorry yan lang kinaya ko haha
YOU ARE READING
Let Me Love You • on-going •
Ficção GeralDream Series #1 Si Xyriel Samantha Gonzales ay isang scholar sa Aquino National College sa kursong Bachelor of Secondary Education na nainlove kay Rafael Alexander Aquino na anak nang may ari nang Aquino National College sa kursong Engineering. Akal...