*cellphone rings*
Pinipilit kong abutin ang aking telepono sa side table ng aking higaan. Nang sinagot ko ito naiinis na babae ang naririnig ko.
"Aba! Armella, anong oras na? Ikaw nalang ang kulang dito" inis na sabi ni kiana mula sa telepono.
Tinignan ko ang orasan at nakita kong 2pm na pala ng hapon. Naalala ko ay may gala pala kaming mag kakaibigan ngayon!
"Hala! Teka eto na maliligo na bibilisan ko na 'di ako nagising sa alarm ko!" Natatarantang sabi ko kay kiana "bilisan mo 3pm ang start ng movie. binilhan ka na namin ng ticket mo bayaran mo nalang si ashley mamaya" binaba ko na ang telepono at nag mamadali nakong pumunta sa banyo.
Nakarating na 'ko sa mall at hinahanap ko na ang mga kaibigan ko. Tinawagan ko na si kiana dahil hindi ko sila mahagilap sa laki ng mall.
"Kiana, asan kayo? Andito ako sa may mcdo" sabi ko "punta ka dito sa may department store counter 5 andito kami nag babayad si kailani" sambit niya kaya agad ko silang pinuntahan don
Pagkarating ko ay tapos na mag bayad si kailani kaya naman dumiretso na kami sa food court para bumili ng makakain habang nanonood ng pelikula na napili namin.
Nakapasok na kami sa cinehan at maya-maya lang ay mag sisimula na ang palabas kaya naman binuksan ko na ang popcorn na binili ko.
"Anong flavor nyan?" Tanong ni Carmela "bakit? parehas lang tayo ng kinuha." sambit ko "weh? patikim nga." Sus meron naman siyang kanya pero nambuburaot padin.
Nag simula na ang pelikula kaya tahimik kaming nanonood at nag focus sa palabas hanggang sa ito'y matapos. Lahat kami ay nag iyakan dahil sa kwento nito.
Nag picture muna kami bago lumabas sa cinehan dahil kumpleto kami. Ngayon na lang kasi kami nakumpleto dahil busy na kami sa shs life namin at iba-ibang school na kami nag-aaral ngayon.
Nag-uusap kami ni carmela habang palabas kami ng cinehan ng may nakabangga akong lalaki.
"Miss, sorry! Nag mamadali kasi ako eh. pas-" nabitin ang sinabi niya ng mamukhaan niya ako...
BINABASA MO ANG
Chasing Armella
RomanceOctavious unexpectedly fell in love with Armella. Armella was a girl that you'll never asked for more. She's the ideal girl. She found her home. But, something unexpected happened. Did he fight for Armella?