"Kanino?" Tanong nila Warren
"Kay Ella, tumatawag na nanay mo" sabay niyang inabot 'yung cellphone ko.
Shuta! Kinabahan ako don ah! Lumabas muna ako at agad kong sinagot ang telepono ko. Pustahan papauwiin na 'ko nito.
"Armella, asan ka?" Tanong ng Nanay ko
"Na kila Warren po, Ma. Bakit po?" Tanong ko
"Umuwi ka na. aalis tayo." sabi niya at agad binaba ang tawag. Luh? 'Di man lang ako nakapag-salita pa. Char HAHAHA gusto ko naman lagi kaming umaalis kaya magpapa-alam na 'ko sakanila.
Pag balik ko ay naiinis na sila kay Tav "tangina ni Tav. 'Di pala tinawagan, hayop!" Naiinis na sabi ni Justin
"Guys, uuwi na 'ko" pagpapa-alam ko "aalis kasi kami ni mama eh" dagdag ko
"Sabay na 'ko, Ella" sabi naman ni Keilani at agad niyang kinuha ang bag niya at inabot niya 'rin ang bag ko.
"Bye!" Pagpapa-alam namin ni Keilani " ingat kayo pag-uwi" dagdag namin
"Ingatan niyo 'yung girls, ah! Ingat kayo pag-uwi girls. Chat kayo sa gc if naka-uwi na kayo.Bye!" Pag paalam ko at dumiretso na kami sa paradahan ng mga tricycle ni Keilani.
Pagka-uwi ko ay naka handa na ang nanay ko umalis kaya umakyat na ako sa kwarto para mag palit ng damit. Naka biker shorts at sweater na gray lang ako. Kahit hindi ko pa alam kung sa'n kami pupunta.
Pag tapos ay pumunta muna ako sa C.R at nag toothbrush "Punta na 'ko sa kotse, sumunod ka nalang." Sigaw ng nanay ko mula sa sala at sumunod na din ako pag tapos ko mag toothbrush.
"Sa'n tayo pupunta?" Tanong ko
"Mag-intay ka nalang na makarating tayo" sagot ni mama
Ano ba 'yan. Pwede naman kasing sabihin na kung sa'n kami pupunta.
Agad naman kaming nakarating sa isang restaurant dito lang sa may Marcos Highway.
"Mag bless ka sa mga makikita mo, Mga ninang mo 'yang mga 'yan" sabi ng nanay ko.
"Do you mean, sila yung ninang ko na nasa states?" Tanong ko.
"Oo, kaya umayos ka" inirapan pa nga ako.
"Hi, Bff." Bati ng isang babaeng sa nanay ko. Wow! Bff naman pala tawagan nila.
"Hi" sabi naman ng nanay ko at nakipag beso ito "Eto na nga pala si Armella" at agad akong tinuro ng nanay ko.
"Ang laki mo na, inaanak! May boyfriend ka na siguro 'no?" sabi nito sakin. Ako? Opo, may boyfriend ako pero ako lang ang may alam.
"Ah, wala po." Sabi ko at pilit kong nginitian ito dahil naka tingin din si mama sakin.
"Sa ganda mong yan? Wala ka pang boyfriend? Oh, hindi ka pinapayagan ng nanay mo?" Turo niya kay Mama. 'Di naman namin napag-uusapan 'yung mga ganong bagay.
"Ah, wala po talaga. Ayoko pa po" pero deep inside gusto ko nang jowain si Austin HAHAHA charaught lang syempre. Ano ako jowang-jowa?
Naupo narin kami ng Nanay ko sa wakas.
"Sayang. Wala ang anak ko, edi sana nag kita kayo." Sabi ng Kaibigan ng Nanay ko "pa'no nasa bahay ng kaibigan, hindi ko naman mapilit" dagdag pa nito.
Umorder na kanina ang kaibigan ni Mama kaya sinerve na nila samin 'yung pagkain.
Habang kumakain kami ay may tumawag sa telepono ni Mama kaya umalis muna siya.
BINABASA MO ANG
Chasing Armella
RomanceOctavious unexpectedly fell in love with Armella. Armella was a girl that you'll never asked for more. She's the ideal girl. She found her home. But, something unexpected happened. Did he fight for Armella?