"Armella!" narinig kong may sumigaw ng pangalan ko mula sa third floor. " Hoy! Armella!" ang aga-aga napaka ingay ng mga kaibigan ko.
Lumingon ako sa mula entrance ng school hanggang 3rd floor para samaan sila ng tingin.
"Aga-aga ang sungit!" Sigaw ng isa kong kaibigan. Pa'no hindi mag susungit eh napaka ingay nila para silang naka-lunok ng microphone.
Pagka-akyat ko ay sumalubong sakin ang mga lalaki kong kaibigan kasama ang kanilang iba pang kaibigan "Armella! Pakopya ako sa math" wow! napaka layo ng section ko sa section nila, ah?
"baka di naman pareho ng pinasagutan si sir" sambit ko kay warren "pero sige eto kunin mo muna notebook ko ibalik mo mamayang break time" nilabas ko ang kuwaderno ko at iniabot sakanya ito.
Maya-maya ay ang mga kaibigan ko namang babae ang sumalubong sakin sa hallway "Napaka-sungit naman nito ang aga-aga!" Sabi sakin ni carmela "may sagot ka na sa math?" Sambit naman ni kiana
"Oo, kaso hiniram ni warren." Sabi ko at pumasok na sa loob ng classroom.
"Armella! Pa-kopya sa math!" Sigaw ng isa kong kaklase. Ano ba ang aga-aga pakopya ang bubungad sakin.
buti na lamang ay dumating na ang aming 1st subject teacher, kaya naman ay tumayo kaming lahat para batiin ang guro namin ng magandang umaga "Ms. Crisostomo please lead the prayer" agad akong tumayo at pumunta sa unahan.
itong mga kaibigan ko napaka demonyo tawa ng tawa habang nag dadasal. panigurado hindi tanggap sa langit etong mga 'to.
*bell rings
"Goodbye, class." pagpapaalam samin ng aming guro dahil next subject na namin.
"tagal naman mag break." reklamo ni ashley "Armella! dito ka nga tumabi samin si Sir Ramos naman 'yung teacher." biglang sabi ni ashley
Ako lang kasi ang nahihiwalay ang upuan saming mag kakaibigan, silang apat magkakalapit. Si ashley katabi si carmela, sa likod nila ay si kiana at keilani. ayoko namang umupo sa kanan ni ashley dahil andon yung crush ko. Si Austin.
"Armella, sige na please" sabi ni ashley at ngumuso pa sakin na parang nagmamakaawa na umupo ako sa tabi niya. "ayoko dyan sa kanan mo" sagot ko "edi palit kayo ni carmela, please" ano ba meron dito at gusto niya 'kong katabi?
"okay, exchange paper with your seatmate" sambit ng teacher namin
"Ash, exchange daw" sabi ko kay ash "ha? nakipag exchange paper nako kay car" sagot nito "kay austin ka nalang makipag exchange" dagdag pa nito at kinuha ang papel ko at iniabot ito kay austin.
ampucha? ako katabi niya ah!
"oh, check well." kumindat pa nga pagkasabi "ewan ko sa'yo" sabay kong inirapan si ashley
"write corrected by" dagdag ng teacher namin
"baka naman corrected by. your future jowa ilagay mo dyan ah" bulong sakin ni ashley at kinurot ang tagiliran ko ngunit inirapan ko lamang siya
"Sir Ramos excuse lang po sana kay Armella" sabi ng lalaking kumatok sa pintuan ng room namin at agad naman akong napalingon "Armella" tawag sakin ng teacher namin na nag bibigay pahayag na pinapayagan niya ako.
"bakit?" tanong ko kay Dewei na katabi si octavious sa gilid niya "oh, salamat ah!" sabay abot nito ng notebook ko "pa'no napunta sa section niyo 'to?' tanong ko "pinahiram samin ni warren" sagot ni octavious. Ampucha? 'Di iyon nag paalam ah?
Umalis na agad sila octavious nang makasalubong nila ang teacher nila.
Pagbalik ko ay tapos na sila mag check kaya naman tinanong ko kay ashley kung ano ang sagot para maibalik ko na kay Austin 'yung notebook niya.
Nang matapos akong checkan ang notebook niya ay agad akong tumayo at iniabot ito sakanya dahil naroon na siya sa mga kaibigan niya. Sa 'di sinasadyang pangyayari habang inaabot ko ang notebook niya ay nasanggi ako ng kaklase namin kaya nahulog ang notebook niya.
Sabay namin itong pinulot kaya nahawakan niya ang kamay ko at agad ko naman tinanggal iyon.
"ayieeee! austin at armella" asar na sinabi ni martin samin na kaibigan ni austin hanggan sa asarin na rin ako ng mga kaibigan ko.
Pagbalik ko sa upuan ko ay pang-aasar ni ashley ang naririnig ko "naks! lumelevel up! may pag holding hands pa nga" nakangising sabi niya " 'di naman sadya 'yun nahulog kasi yung notebook niya tapos ayun" pagtanggol ko "ay sus! at least nahawakan mo kamay ni austin." sabi niya sabay akong inirapan
"si Armella pulang pula yung pisnge" pang aasar ni keilani sakin kaya bigla kong kinuha ang cellphone ko upang tignan kung namumula nga ako.
"Hindi naman" sagot ko kay keilani "pulang pula nga kanina eh" pagpatuloy niya at nag paalam ako sa teacher namin na mag c-cr ako dahil kanina pa 'ko naiihi.
"Sir, May I go out?" tanong ko sa teacher namin at tumango lang siya
"mag papaganda ka 'no?" asar na tanong ni kiana ngunit 'di ko na siya pinansin at tuluyan na 'kong lumabas ng classroom namin.
Naka salubong ko nanaman sina Warren "punta ka sami mamaya , ayain mo mga kaibigan mo na babae" sabi nito sakin "try ko" sagot ko "anong try? ilang araw ka na tumatanggi sa aya ko nakakatampo na" malungkot na sabi nito " oo na oo na pupunta na nga" sabi ko at nilagpasan ko na sila
_____________________________

BINABASA MO ANG
Chasing Armella
Storie d'amoreOctavious unexpectedly fell in love with Armella. Armella was a girl that you'll never asked for more. She's the ideal girl. She found her home. But, something unexpected happened. Did he fight for Armella?