Chapter 2

2 1 0
                                    

Nandito kami sa bahay nila Warren kasama ko ang mga kaibigan ko at andito din ang mga kaibigan ni Warren. Balita ko kasi mag lalaro sila sa court mamaya.

Sa mga kaibigan ni Warren na nandito, si Cole at Zyrus lang ang nakakausap ko. Si Zyrus madalas ko nalang siyang makausap dahil iniiwasan ko nga siya dahil ayoko naman nang paasahin siya.

"musta kayo ni zy?" tanong ni Carmela

" 'di ko na kinakausap" sagot ko " kasi kapag kinausap ko pa baka lalo lang lumala, alam mo 'yun na-appreciate ko naman efforts niya pero hindi talaga eh" dagdag ko

"sabagay. pero bilib ako kay zy, 'no? ilang years ka na niyang gusto. simula elem pa ata tayo tas ngayon grade 9 na tayo" sambit niya

"kaya nga eh. kaso hindi talaga siya" sambit ko

"Armella!" tawag sakin ni Cole at agad akong napalingon sakanya at tinaasan ko siya ng kilay "tara laro tayo ros" aya niya sakin at 'di ko siya tinanggihan dahil ang tagal ko narin hindi nag lalaro.

"ngayon ka lang uli nag laro?" tanong ni warren

"oo eh puro kasi ako acads" sagot ko

"naks! for sure nasa high honors ka na" sagot niya at nag simula na kaming mag laro

"saan tayo bababa?" tanong ni Cole

"sa echo" sagot ni Octavious kaya sinamaan ko siya ng tingin

"bobo madaming bababa don!" sabi ko kay octavious

lima kasi kaming nag lalaro ako, Zyrus,Cole,Warren at Octavious. Ngayon ko lang din nakalaro si Octavious.

"sige doon tayo baba" sagot ni Zyrus kaya napairap nalang ako

"bahala nga kayo sa safe store ako bababa" sagot ko

"ayan mga bobo kasi sabi ko na 'wag dyan eh" sabay kong inirapan sila dahil na-knockdown na sila at nang hihingi ng tulong sakin " bahala kayo dyan " at tinawanan ko nalang sila

Biglang dumating ang iba pang kaibigan ni Warren na lalaki kaya umingay na sila dahil nag lalaro na silang lahat ng ml, pubg o ano kaya ros.

"Warren, 'di pa ba kayo mag lalaro? nood na nood na 'ko." bulong ni ashley kay Warren

" 'Di ata tuloy" sabi nito at bumalik na sa paglalaro ng ml

"ha? bakit?" galit na tanong ni ashley

"tinatamad na 'tong mga 'to eh" sagot niya at nag kamot ulo "gusto mo lang kasi panoorin si Adonis" pang-aasar nito

"ulol!" sigaw ni ashley at binato si Warren ng unan

"nag seselos kasi si Warren, Ashley" pang-aasar naman ni Keilani kay Warren

"yuck!" nanadidiri pa nga 'yung mukha ni Warren kaya nag tawanan kaming mga babae

"Armella!may nagkaka-crush sa'yo" bungad ni Martin na kakarating lang

"Si Austin ba 'yan" sabi ni kiana at bigla siyang napangisi kay Martin

"tanga hindi" natatawang sabi nito "Mama's boy 'yun ano ineexpect niyo?" natatawa pang sabi nito

Ouch! Tita payagan mo na kasi si Austin. Ako naman magiging jowa niya eh safe na safe 'yan sakin!

"Bakit pala 'di mo kasama mga kaibigan mo, Martin?" tanong ni Carmela

"As usual, Si Austin hinahanap na ng mama niya kasi nag billiards kami kanina, Si Kurt nag mamadaling umuwi larong-laro ng dota, Si Keanu naman natatae kaya umuwi" kawawa naman 'tong si Martin mag isa nanaman HAHAHAHAHA

Chasing ArmellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon