Part 2: Long time no see!

8 0 0
                                    

Nilagay ko ang package na pinadala sa akin sa lamesa. Binuksan ko ito para makita kung anong laman. Pagkabukas ko nakita ko ang files na nakalagay sa folder.

"The Secret Bride!" binasa ko ang title ng movie.

So eto pala yung pinagmamalaki nila sa news kanina? Binuklat ko ang folder para tignan ang details ng document. Wala pa pala sila napipili main cast, napansin ko din most of taping ay out of the country for...whaat? 250 million budget for this movie..malaking project nga ito. Teka, magkano ba ang inooffer nila? Lumaki ang mata ko ng makita ko...5 million???? Seryoso ba sila? Parang sa offer nila feeling ko napaka veteran ko ng director. Pang-ilang offer na nila sa akin ito pero this time eto yung pinaka malaking inoffer nila sa akin. Bigla tuloy ako napaisip, napasandal tuloy ako sa couch.

"No rakki!!! Don't be confuse...you will not accept this project!!!." Napabuntong hininga ako, talagang sinusubukan nila ako. Tumayo ako para kumuha ng water sa loob ng refrigerator. Bakit zack ano ba talagang gusto mo mangyari? Akala mo ba hindi ko alam na co-founder or shareholder ka ng eagle fims, kahit secret yun. Tingin mo gusto kita makatrabaho? After all?

Pumunta ako sa balcony at kinuha ko ang pang spray ng halaman. Inisprayan ko yung mga flowers na nakatanim sa labas ng balcony ng condo ko.

Hindi dahil ayoko ibig sabihin hindi pa rin ako nakakamove-on, or dahil bitter pa din ako hanggang ngayon. Ayoko lang magkaroon uli ng connection between you and me. Ayoko na magkaroon pa siya ng kahit isang parte sa buhay ko. Kaya hindi ako naniniwala sa ex can be still friend, isang malaking kalokohan yun.

Pumasok na ko sa loob ng balcony, pinakain ko yung nag-iisang isda alaga ko na nasa aquarium si Lilly..at pagkatapos kinuha ko ang mga labahan ko para isalang sa washing machine.

Para sa akin..may mga tao talaga na dapat kinakalimutan na lang kahit gaano pa katagal ang pinagsamahan ninyo..especially when that person gave you so much pain!

Binuksan ko ang ref para tumingin ng lulutuin ko para sa lunch. Kumuha ako ng ilang ingredients.

Kaso lagi yata kami pinaglalaro ng tadhana, ano bang problema ng earth? at yung taong pinaka ayaw mo Makita, yun pa yung makikita mo.

Naghiwa ako ng onion, garlic at ginger.. Sinalang ko na ang pan para mag-saute.

mapa-award nights, parties, backstage.. idagdag pa kahit mapa-tv, radio o newspaper. Wala eh, parehas kami ng career na pinapasukan kaya kahit anong iwas ko makikita at makikita ko siya.

Habang kumukulo na ang chicken na may soy sauce, vinegar and water,...sinama ko na ang pineapple chunk at binudburan ko ng paminta, salt and sugar.

Every time na magkikita kami para na lang siya isang hangin sa paningin ko..dedma lang, parang di na kami magkakilala at wala naman ako pakialam sa kanya.

Nagbabasa ako ng magazine habang inaantay ko maluto ang niluluto ko, biglang may nagtext sa phone ko. Kinuha ko ang phone ko para tignan.

"1 message received from Christian..."

**

Makati Medical Hospital

Papunta ako sa office ng isa sa mga doctor dito sa hospital. Kilala na ko ng halos ilang staff dahil kilala nila ako bilang kaibigan ng doctor na pupuntahan ko. Kaya malaya na ko makapunta sa kanyang office. Huminto ako sa isang office room na may name tag sa harap ng door Doctor Christian Hernandez. Basta na lang ako pumasok sa loob. Pagkapasok ko napansin ko walang tao.

"Where is he?" sa isip ko.

Nilapag ko ang bag ko at ang isang paper bag na hawak ko muna sa chair at lumibot muna ko sa office niya. Napaka plain lang ng loob ng office ni Christian pero malinis naman ito. Matagal tagal na din ako hindi nakakapunta dito pero wala pa din pinagbago ang office niya. Nakita ko na naka-display pa din yung pictures namin dalawa at pictures together with some of our friends.

When I Met My Ex-boyfriend Season 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon