Chapter five
"Mauna na po ako tito, tita, Pops."
"Sige, mag-ingat ka!" mama said kaya agad namang umalis si Kael sa'min.
"Ayos na ba ang pakiramdam mo?" Papa asked.
"Opo p-pa."
"Magpahinga ka muna." Mama said then I nodded. I went straight upstairs at agad na pumasok sa kwarto ko.
What the hell was that? Who's Bella? Why do I keep on dreaming about her? Then who's that boy? Are they related to me?
Arghh! Naf-frustate na ako!
As usual ganon pa rin 'yung morning routine ko every weekdays. Gising-ligo-bihis-kain-pasok tapos papasok ako sa klase na lutang na naman ang aking isip.
Ano bang nagyayari sa 'kin? Simula no'ng nakita ko 'yung pamilyar na lalaki sa 'kin parati nalang akong lutang sa klase, palaging sumasakit 'yung ulo ko, palagi rin akong hihimatayin at palagi ring nagpapakita sa mga panaginip ko 'yung Bella na 'yun. Tsaka everytime na pumapasok sa isip ko 'yung mga nangyari kay Bella at sa lalaking 'yun hindi ko naman maaaninag ang kanilang mga mukha. Blurred 'yung itsura nila para sa 'kin. Kaya paano ko sila makikilala?
"Class dismiss." Agad namang nagsitayuan ang mga kaklase ko at lumabas na ng silid. Napabuntong hininga nalang ako sa dami ng aking iniisip.
Ba't ako nago-overthink?
"Pops!" Dinig kong boses ni Kael kaya agad naman akong lumingon sa may pintuan namin. Ando'n siya nakasandal sa pinto habang nakapamulsa.
"Tara? Treat ko!"
Kumain kami ni Kael sa Cafeteria na as usual libre na naman niya pero okay na rin para maka save ako sa baon ko. Mayaman naman 'tong isang 'to.
"Next class mo? Kailan?" He asked while biting his burger.
"Two,"
"Hmm,"
"Don't talk when your mouth is full Kael." Sabi ko at inirapan siya dahil tinawanan ba naman ako ng buang.
"Subukan mong umirap muli tutuhugin ko 'yang mata mo!" Pagbabanta pa niya na ikinatawa namin pareho.
"May nanliligaw pa ba sa 'yo?" Suddenly he asked all of a sudden.
"Wala naman, why?"
"What about Gabriel?"
"I already told him na wala siyang chance. Why are you asking ba?"
"Nothing, it's bothering me kasi when there's someone courting you."
"Why?" Tinaasan ko siya ng kilay.
"Hindi naman sa hindi ako boto sa kanila pero ako kasi Pops as a man nararamdaman ko kung sino 'yung seryoso at hindi sa mga manliligaw mo."
"Eh, sino 'yung seryoso sa kanila?"
"Wala. Hindi pa siya nakarating, na-traffic pa siguro 'yun." Sabi niya sabay tawa.
"Siraulo!" Sabi ko na mas lalong ikinatawa niya.
Pagkatapos naming kumain ay napagdesisyonan naming tumambay muna sa may Coffeeshop namin dito sa loob ng campus, maaga pa naman tsaka mamayang alas dos pa 'yung class ko while kay Kael naman ay mamayang ala tres kaya tambay-tambay muna. Nag order nalang din ako ng smoothie at ice cream naman sa kanya this time libre ko naman nakakahiya naman kasi palaging ako ang nililibre.
"Pops,"
"Hmm?" Sabi ko habang sinipsip 'yung straw.
"Hindi ka naman ganito dati diba?"
"Huh?" I asked, confused.
Kaagad naman akong nag-angat ng tingin sa kanya at tinaasan siya ng kilay.
"I mean 'yung biglang sasakit 'yung ulo mo tapos mahihilo ka tapos maco-collapse ka." Aniya sabay iwas ng tingin.
"Hindi ko rin alam Kael," napabuntong hininga nalang ako sa sinabi ko.
Well as usual pumasok na naman ako sa afternoon class ko na lutang. Kagaya lang din ng morning class ko. Natapos 'yung klase ko na may pumasok naman sa isip ko sa lesson ng mga profs pero hindi na talaga kagaya noon. May bumabagabag na kasi sa 'kin ngayon na until now hindi pa nasasagutan 'yung mga tanong ko.
Umuwi ako sa bahay tapos kumain ng dinner at umakyat na sa hagdan papuntang kwarto para makapagpahinga na. Umupo muna ako sa vanity table ko at inumpisahang magsuklay ng aking buhok. Habang nagsusuklay ako parang may nakikita akong scenario sa harap ng aking salamin. Bigla akong napatigil sa aking ginagawa.
Teka ano 'to?
Agad naman akong kinilabutan sa aking nakita.
Anong nangyayari?
Pinakatitigan ko muna 'yung salamin ko na may nangyayaring scenario.
"Doc please! Gawin niyo po ang makakaya niyo!"
"Hush now Sef!"
"Hindi! Hindi!"
"Clear!"
"Please kapit ka lang Bella. I'm begging you kumapit ka lang."
"Everything's gonna be alright Sef,"
"I hope so."
"Clear!"
Biglang napaluha 'yung lalaki habang nakaluhod sa may di kalayuan ng mga doctor.
Para akong nanghihina sa aking narinig, bumibilis ang pagtibok ng aking puso, bigla rin akong hiningal at nabitawan ko ang dala kong suklay dahil sa aking narinig. Ito 'yung tunog na ayaw mong mapakinggan. Tunog na wala na ang pasyente. Hudyat na..... Patay na ito.
"I'm sorry Mr. Zamora but we already did our best. Time of death 8:36 pm."
"No! Hindi! Bella!"
Agad siyang lumapit sa katawan ng babae at niyakap ito ng mahigpit.
"Bella! BELLA!”
Agad akong napasinghap dahil biglang nawala 'yung scenario na nakikita ko kani-kanina lang sa harap ng salamin ko. Nang makita ko ang aking repleksyon sa salamin ay do'n ko lang napansin na umiiyak na naman ako. Agad ko naman itong pinunasan at tinitigan ang sariling repleksyon sa harap ng salamin.
Bakit sa tuwing nakikita ko ang nangyayari sa kanila o pumasok man lang sa isipan ko ay apektado ako? Sino ba sila?
BINABASA MO ANG
In Another Life (Completed)
Любовные романыSi Penelope Mendoza ay isang ordinaryong babae. Isang araw, may di inaasahang pangyayari sa buhay ni Penelope. May nagpaparamdam sa kanya na isang lalaki. Hindi niya ito kilala at pawang estranghero lamang ito sa kanya, ngunit sa tuwing tinititigan...