Chapter 2

42 8 0
                                    

Chapter two



Sino kaya 'yung lalaking 'yun? Baka pamilyar siya sa 'kin? Eh, hindi ko naman siya kilala.

"Diba Penelope?"

"P-pardon?" Napabalik ako sa huwisyo dahil sa tinig ni papa.

"What's bothering you?" He asked.

"N-nothing papa. Just... About the school." Sabi ko at pilit na ngumiti.

"Ano nga po u-ulit 'yun?"

"Sabi ko what if sumama ka sa 'min ng mama mo sa States this coming Christmas." Suhestiyon niya.

Every Christmas kasi do'n sa States magpapasko sina mama at papa while maiiwan ako rito sa Pinas para mag celebrate ng pasko together with my grandparents then susunod lang ako sa kanila sa States kapag magba-bagong taon na.

"Dito nalang po ako papa. Susunod lang po ako sa inyo after Christmas." I said then I heard him sighing heavily.

"So, uuwi ka na naman sa Cebu?" He asked then I nodded.

Taga Cebu kasi si papa at nando'n pa rin until now ang mga grandparents ko sa side ni papa kaya sa Cebu ako nagpapasko palagi.

"Basta susunod ka sa 'min ah?" Agad naman akong tumango.

Buong gabi wala akong ibang iniisip kundi 'yung lalaking 'yun. Sino ba siya? Bakit parang kilala ko siya?

Pagkatapos kong maligo at magbihis hihiga na sana ako sa kama nang biglang sumakit 'yung ulo ko. Parang binibiyak. At may mga boses akong naririnig. 

"Bella please! Gumising ka! Nagmamaka-awa ako! Hindi ko kayang mabuhay ng wala ka Bella!" Boses ng umiiyak na lalaki ang aking narinig.

"Sef pagpahingahin na natin si Bella. The doctor said she needs to rest."

"No! Hindi ko siya iiwan dito!”

"Ahh shit!" Sigaw ko habang sinasabunotan ang sarili.

Nakaramdam naman akong panghihina sa mga paa ko kaya agad akong umupo sa kama at inalala 'yung aking narinig kani-kanina lang.

Ano 'yun?

"Good morning babygirl!" Salubong sakin ni Kael nang makapasok ako sa campus.

"Kanina kapa rito?"

"Hindi naman! Punta muna tayong cafeteria treat ko!" Well as usual basta libre niya I don't have a choice.

"May bumabagabag ba sayo?" Tanong niya sabay abot sa 'kin ng chuckie.

"Wala naman," sabi ko habang sinipsip ang straw neto.

"Hmmm, 'wag kang magsinungaling sa 'kin Penelope." Mataman niyang sabi.

"I'm not lying naman ah?"

"Basta kung ano man 'yan, if you need someone to listen andito ako. Libre parati ang oras ko pagdating sa 'yo." Then he winked I just rolled my eyes on him.

Hindi maalis sa isipan ko ang nangyari sa akin kagabi at ang sinabi ni Kael sakin kanina. Dapat ko ba itong sabihin kay Kael? Ni sa mga magulang ko hindi ko nga magawa. Natapos ang morning class namin na lutang ang aking isip naisipan kong pumunta sa library dahil may gagawin pa akong project namin sa isang subject.

Nang makahanap ako ng pwesto agad ko namang inilabas ang laptop ko mula sa bag at binuhay ito. Mahigit isang oras na rin ako rito sa library at hindi pa ako kumakain ng lunch!

"Hey!" Bati ni Kael sabay upo sa harapan ko.

"What are you doing here?" I asked pero 'yung paningin ko nasa laptop pa rin.

"I brought your lunch here. Napansin ko kasing hindi ka pa kumakain." Sabi niya sabay lapag ng styro na container na may lamang pagkain at isang C2.

"Bawal ang foods dito Kael! Ba't mo 'ko dinalhan?"

"Hindi ka pa nga kasi kumakain ng lunch!"

"Kahit na! Bawal pa rin 'yung foods dito!"

"Ahh basta kainin mo 'yan! Ikaw na ang bahalang dumiskarte kung paano ka hindi mahuhuli ng kung sino man."

"Kael!"

"Shh! 'Wag ka ngang maingay!" Pagsuway niya at inirapan ko naman siya. Lagot talaga ako nito kung may makakakita mn sa 'kin.

"Kailan magsisimula ang next class mo?" He asked.

"Three," sagot ko.

"May pasok ka pa diba?" Tanong ko at tumango naman siya.

"Mamayang two pa,"

"Eh one thirty na Kael! Male-late ka! Bahala ka riyan!" Sabi ko at agad naman siyang tumawa pinagalitan tuloy siya ng librarian dahil sa kaingayan niya.

"Badtrip naman 'tong librarian dito! Panget kabonding! Mauna na ako Pops!"

"Sige, see you!" Pahabol ko at itinuon muli ang aking sarili sa laptop ko.

'Di nagtagal natapos ko rin 'yung ginagawa ko tinignan ko muna yung wrist watch ko kung anong oras na at two forty-five na! Agad ko namang kinain 'yung pagkain na dinala ni Kael sa 'kin kanina. Para akong baliw na pabaling baling sa paligid, baka kasi may makakita sa 'kin na rito ako kumain.Pagkatapos kong kumain at thank god walang nakakita sa 'kin ay agad naman akong lumabas ng library at pumasok na sa next class ko.

Natapos 'yung afternoon class namin na lutang na naman ang aking isip bago ako makalabas ng silid ay tinawag ako ni Miguel.

"Penelope! Naipasa ko na kay sir ang powerpoint." Aniya.

"Edi magaling. Alis na ako." Sabi ko at agad na lumabas ng silid.

Papunta na sana ako sa parking lot nang bigla na namang sumakit 'yung ulo ko.

"Nakikita mo ba 'yun?" Turo niya sa mga bituin na nagniningning sa kalangitan.

"Oo bakit?"

"Para kang bituin," sabi niya at nakita ko pang nagsalubong ang kilay ng babae tila'y naguguluhan sa sinabi nong lalaki.

"Bituin? Bakit?"

"Kay hirap mong abutin."

Hindi ko alam kung ano ang sunod na nangyari basta bigla nalang akong nahilo at nandilim ang aking paningin.

In Another Life (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon