Prologue
"Penelope!" Sigaw ng kung sino kaya agad naman akong lumingon sa pinanggalingan ng sigaw na iyon.
"Namiss kita!" Sabi niya sabay yakap sa 'kin ng mahigpit.
"Janella?" Tanong ko ng bumitiw siya mula sa pagkakayakap ko.
"Ayt? Nakalimutan mo na ako?" Sabi niya sabay pout.
"Gaga ka! Malamang high school palang tayo no'n!" Sabi ko kaya agad naman kaming natawa.
"Kamusta kana?" I asked her.
"Ito maganda pa rin," sabi niya kaya agad naman akong natawa.
"Eh, ikaw?" Tanong niya.
"Ito ayos lang." I said and I smiled sadly.
"Uy! Anyare sayo te?"
"Okay lang ako! Ano kaba!" Sabi ko at sinimulan nanh maglakad.
"Sa'n ka pupunta?"
"Papasok na ako," sabi ko sabay turo sa building na papasukan ko.
"Same building lang naman tayo! Mamaya nalang maaga pa Pops! Sa coffeeshop muna tayo, treat ko!"
Well, I don't have a choice kundi sumama sa kanya libre rin naman niya. Nang makapasok na kami sa coffeeshop na nasa loob lang din ng campus namin agad naman kaming naghanap ng pwesto ni Ella at siya na ang nag-order para sakin do'n sa Cashier. Di nagtagal umupo na rin si Ella sa bakanteng upuan na nasa harapan ko.
"May problema ba Pops?" Suddenly she asked.
"Ano..."
"Ano?" Sabay niya at tinaasan ako ng kilay.
"Hindi ko kasi alam Ella kung sa'n ko sisimulan."
"Bakit? Anong nangyari ba?"
"Last month ko pa to naramdaman..."
"Na ano?"
"Last month kasi may nakita akong--"
Hindi na natuloy ang sasabihin ko nang biglang nag ring 'yung phone ni Ella.
"Wait, sasagutin ko muna 'to." Sabi niya at lumayo layo muna siya sa pwesto namin para sagutin ang pribadong tawag na iyon.
'Di nagtagal inilagay na rin ng crew 'yung inorder ni Ella para sa 'min na dalawang iced coffee.
"Thank you!" Sabi ko sa crew at sinuklian lang niya ako ng matamis na ngiti.
Agad ko namang sinipsip ang straw na nasa iced coffee at nagmuni-muni.
Dapat ko bang sabihin kay Ella? After three years ngayon palang kami nagkita ng kaibigan ko hindi ko rin naman alam na same school lang pala kami ngayong college na kami. Kailangan ba niyang malaman? Sasabihin ko ba sa kanya? Kung sasabihin ko man paano ko naman sisimulan? Saan? At paano?
Natigil lang ako sa pagmumuni-muni nang narinig ko ang pagtunog ng bell sa may pintuan hudyat na may papasok na bagong customer. Hindi ko alam pero parang may nag udyok sa 'kin na lingonin ko ang direksyon na 'yun. Nang makita ko kung sino iyon para akong binuhusan ng malamig na tubig. Siya na naman!
Mayamaya naramdaman kong may malamig sa bandang hita ko bigla nalang ako napabalik sa huwisyo dahil sa sigaw ni Ella.
"Oh my God Penelope!" Sabi niya sabay kuha ng tissue sa may counter at agad na pinunasan ang leggings kong may basa.
Do'n ko lang namalayan na natapon pala ang iced coffee ko sa bandang hita ko.
"Ayos ka lang Pops?" Tanong niya habang pinupunasan ang leggings ko l.
"Stop that Ella! I can do that!"
"No! Ang basa gurl! Sabihin mo nga sa 'kin," Sabi niya sabay angat ng tingin sakin.
"What's bothering you?"
Sasagutin ko na sana siya nang may naramdaman akong nakatitig mula sa aking likuran, agad ko namang nilingon ang bandang iyon at laking gulat ko na nando'n pa rin siya sa pwesto niya! Ang mas nakakahiya pa ay nakita niya kung anong nangyari sa 'kin kanina.
"Pops! Hoy! Penelope!" Sabi ni Ella at niyugyug pa ako pero hindi ko 'yun inalintana subalit sinundan ko ng tingin iyong lalaki hanggang sa makaalis na siya sa coffeeshop at nawala na siya sa aking paningin.
"Sino ba 'yong tinitignan mo Pops?"
Agad ko naman siyang nilingon.
"Siya." 'Yun lang ang nasabi ko kay Ella.
Bakit ba sa tuwing nakikita ko siya ay may naaalala ako sa aking nakaraan na pakiwari ko'y hindi ko matandaan?
BINABASA MO ANG
In Another Life (Completed)
Любовные романыSi Penelope Mendoza ay isang ordinaryong babae. Isang araw, may di inaasahang pangyayari sa buhay ni Penelope. May nagpaparamdam sa kanya na isang lalaki. Hindi niya ito kilala at pawang estranghero lamang ito sa kanya, ngunit sa tuwing tinititigan...