2✅

7 0 0
                                    

AMARA'S POV

Pagkatapos kumain ay agad na umakyat si mama at nagkulong sa kwarto. Niligpit ko ang mga dapat ligpitin at bago umakyat ay pinatay ang ilaw at siniguradong naka lock ang pinto at mga bintana.

Pagpasok ko sa kwarto ko ay agad akong humiga. Napatitig ako sa kisame ng kwarto ko at nag isip.

Ano kaya ang buhay namin kung kasama namin si papa?

Mabuti kaya?

Masaya?

O ganito rin kalungkot kapag nag-iisa na?

Napabuntong hininga na lang ako dahil sa mga naisip. Hindi ko magawang magalit kay lolo dahil alam ko naman na nasaktan siya sa nagawang kasalanan ni mama. Nakita ko ang picture ni lolo pero nasa edad 30's pa siguro si lolo noon at kita ko na magkamukha sila ni mama.

"Sayeng." napabalikwas naman ako ng bangon at dali-daling binuksak ang pinto.

"Bakit po mama?" pagkabukas ko ay bumungad agad sakin ang namamaga niyang mata.

"Pwede ba na dito ako matulog? Tabi tayong matulog." tanong ni mama. Nagulat naman ako pero tumango din dahil first time na si mama ang kakatok sakin para magkatabi kami ng higa sa kama ko.

"Oo naman po mama." sagot ko. Niyakap naman ako ni mama at nauna nang humiga sa kama. Sinarado ko naman ang pinto at dumiretso tabi kay mama.

"Sorry anak." sabi ni mama.

"Bakit po kayo nagsosorry mama?" takang tanong ko? Tumingin naman siya sakin na naluluha.

"Kasi hindi kita binigyan ng magandang buhay—buhay na naranasan ko noon pero hindi ko naiparanas ngayon dahil sa kasalanan ko. Patawarin mo si mama dahil naging malandi ako."

Niyakap ko naman si mama para kahit papaano ay gumaan ang loob niya.

"Ma, hindi niyo man naparanas sakin ang tumira sa magarang bahay o maglibot sa buong mundo. Ayos na po ako sa buhay natin ngayon. Huwag niyong sabihin na hindi niyo ako binigyan ng magandang buhay dahil napagtapos niyo ako ng pag-aaral, kinaya niyo akong pag-aralin kahit na mag-isa lang kayo. Sobrang saya ko dahil kayo ang mama ko kaya please lang po. Huwag na po kayong umiyak." pagkasabi ko nun ay niyakap ako ni mama. Yakap na nagpapagaan sa loob niya.

"Lumaki kang walang alam sa istorya ng buhay ko simula ng dumating ka dahil natatakot ako na baka iyun ang maging dahilan para iwan mo ako at sumama sa papa mo." hinagod niya ang ulo ko at napapikit ako.

Gusto kong bumalik sa pagkabata.

"Mahal ko ang papa mo. Elementary pa lang kami ng makaramdam ako ng paghanga sakanya hanggang sa tumungtong ako ng college. Same school and same building kaya hindi impossible na magkita kami. Ilang buwan lang ay nagsimula siyang manligaw at ako naman ay pumayag dahil sa mahal ko siya pero hindi ko pa siya sinagot dahil pinalaki ako ng  lolo mo na dapat kilalanin muna ang magiging nobyo bago ito sagutin pero hindi iyun nangyari... Limang araw lang ang ligaw ng papa mo ng sagutin ko siya at sa sobrang saya ng papa mo ay hindi niya napigilan ang bugso ng damdamin kaya nabuo ka namin pero ng ipapaalam ko sana sakanya na buntis ako saka naman siya ikakasal. Ng malaman ko kung sino ang papakasalan niya ay agad akong nanghina dahil matalik ko siyang kaibigan. Alam niya kung gaano ko kamahal ang papa mo pero wala siyang ginawa para maging masaya ako. Umuwi ako ng luhaan at biglang nahimatay kaya nalaman ng lolo mo na buntis ako kaya galit na galit siya dahil ako na nag-iisang anak na dapat maging tagapagmana ng lahat ng ari-arian niya ay naging desgrasyada. Kinakahiya ako ng lolo mo kaya niya ako pinalayas sa mansyon. Wala akong alam na pwedeng puntahan at salamat sa tiyo Isko mo at nakapagsimula akong muli kaya malaki ang utang na loob ko sa mga Del Valle." mahabang kwento ni mama.

Ngayon nauunawaan ko na kung bakit iyak ng iyak si mama.

"Inuna ko ang puso ko kaya ito ang nangyari pero hindi ako nagsisi dahil binigyan ako ng Diyos ng isang mabait na anak kaya sa abot ng makakaya ko ay gagabayan kita para hindi ka matulad sakin. Hahayaan naman kitang sumaya anak pero kailangan pa rin kitang alalayan."

"Kahit anong mangyari ay hindi kita iiwan mama pangako ko 'yan." ngumiti ako kay mama sabay yakap na puno ng pagmamahal.

"Panghahawakan ko ang pangako mo anak." sabi ni mama.

Sabay kaming natulog ng may luha at ngiti sa labi.

******AUTHOR'S NOTE******

HEYYY!! WHAT'S UP MY BABIES? OK PA BA KAYO? HINDI PERFECT ANG AUTHOR NIYO AH KAYA WAG NIYO KONG I BASH HAHAHA... NAIIYAK AKO HABANG SINUSULAT KO ANG CHAP NA 'TO KASI RAMDAM KO YUNG SAKIT PERO DI LAHAT NG SAKIT...

SA MGA BROKEN FAMILY DIYAN O KAYA NAMAN MAMA O PAPA LANG NILA ANG KASAMA SA BAHAY.. PLEASE DO UNDERSTAND YOUR PARENTS AT KUNG CURIOUS NA KAYO KUNG SINO ANG MAMA O PAPA NIYO.. ASK YOUR MOTHER OR FATHER KASI SILA LANG NAMAN ANG MAKAKASAGOT SA TANONG NIYO HINDI 'YUNG MAGREREBELDE NA KAYO.. MAY KAIBIGAN KASI AKONG BROKEN FAMILY AND I DEDICATE THIS STORY TO HER KASI SHE'S MY IPIN AND I'M HER UPIN..

HINDI NIYA DESERVE ANG MASAKTAN NG PAULIT ULIT BUT THAT'S LIFE KAYA CHEER UP EVERYONE.. MAHAL KAYO NI AUTHOR 💖💖

PWEDE NIYO RIN AKONG MAGING KAUSAP IF EVER NA MAY PROBLEMA KAYO.. ALWAYS OPEN AKO SA MGA PROBLEMS NIYO.. KAYA HUWAG KAYONG MAHIHIYA.

DON'T FORGET TO

VOTE

COMMENT

AND FOLLOW

❣️S. M❣️

MAGKAIBANG MUNDOWhere stories live. Discover now