4✅

3 0 0
                                    


AMARA' S POV

"Patay na patay talaga ang magpinsan sayo ano?" natatawang sabi ko.

"Grabe ka naman sa patay na patay. Alam ko naman na gwapo ako pero hindi naman nila ikakamatay ang kagwapuhan ko." pagyayabang ni Nestor.

Hindi ko alam kung totoo nga bang lumakas ang hangin o sadyang sobrang yabang lang ng kausap ko?

"Oh? Anong klaseng mukha 'yan Sayeng? Fine! Hahaha tara na nga at baka nagtataka na si papa kung bakit natagalan ako."

Hinawakan naman niya ang kamay ko at tumakbo kami para mabilis na makapunta sa mansyon nila. Maraminy napapatingin samin at imbes na mahiya ay hindi ko na lang pinansin.

Wala naman na malisya ang ginagawa namin ni Nestor pero sa mata nila meron na. Sabi ko nga magkababata kaming dalawa. Napalayo lang talaga ang loob ko kay Nestor dahil sa mga chismosa sa baryo namin.

"Bakit antagal niyo Señorito? Magandang umaga lady Sayeng." yumuko naman samin ang maid nila.

"Magandang umaga din po." magalang na bati ko.

"Nag almusal pa ako kina Sayeng kaya natagalan ako manang. Nasaan po si papa?"

"Nasa kwarto niya at kapag dumating daw po kayo ay doon na kayo dumiretso."

Hinila naman ako ni Nestor at ako naman ay nagpatangay dahil hindi ko kabisado ang pasikot sikot nito kahit na ilang beses na kaming pumupunta dito ni mama.

"Mabuti naman at nandito na kayo." nakahinga ng maluwag si Tiyo ng makita kami.

"Kumusta na po ang pakiramdam niyo Tiyo? Uminom na po ba kayo ng gamot ninyo para sa lagnat?" tanong ko kay Tiyo, natawa naman ang mag-ama sa sinabi ko.

"Kalma lang Sayeng, nahihilo lang ako at saka kakainom ko pa lang ng gamot kaya huwag ka ng mag alala." nakahinga din ako ng maluwag dahil doon.

Para ko ng papa si Tiyo at ganun din si Tiyo sakin. Tinuring niya ako na parang totoong anak. Kapag may mga okasyon ay nandidito kami ni mama at sinusuotan ng magagarang damit.

"Nasaan si Solidad?" tanong ni Tiyo.

"Nasa bahay po Tiyo." sagot ko.

"Dalaga ka na hija. Natatakot ako na baka kunin ka niya samin ng mama mo." bigla akong kinabahan sa sinabi ni Tiyo.

"Anong ibig niyong sabihin Tiyo?" taka kong tanong.

"Ipapasyal ko na muna si Sayeng sa garden, papa. Magpahinga na po muna kayo para maging malakas uli kayo at makagala sa kabilang bayan." inalalayan naman niya akong tumayo at dinala sa garden nila.

Ano kaya ang ibig sabihin ni Tiyo?

"Kung ano man ang sinabi ni papa ay huwag mo ng isipin. May tanong ako."

"Ano?"

"Kilala mo ba ang papa mo?" agad na tanong ni Nestor.

"Hindi. Bakit?"

"Paano kung makilala mo siya? Sasama ka ba?"

Naguguluhan na ako sakanila.

"Nestor? Ano bang pinagsasabi niyo?"

"Sorry. Sinasabi ko lang." umupo naman kami sa duyan. Magkabilang duyan ang naririto sa hardin nila at may payong na malaki na natatakpan ang araw.

"Natural lang naman siguro na makilala ko ang papa ko hindi ba? Kasi sino naman ako para tanggihan iyun." nakayukong sabi ko.

"Sayeng?"

"Simula pa lang na mamulat ako sa bundong ito ay hinangad ko na na magkaroon ng papa hindi ba? Pangarap ko na makasama at makilala siya. Isa lang naman ako sa mga bata na nangangarap na magkaroon ng kinikilalang papa pero iniisip ko si mama."

May pumatak naman na luha sa kamay ko. Nakita ko naman na lumapit si Nestor sakin at lumuhod sa harapan ko para magpantay kaming dalawa.

"Alam ko iyun Sayeng. Pareho lang naman tayo dahil hindi ko rin nakita ang mama ko at sa litrato ko lang siya nakita at ang kuya ko. Iniwan kami ni mama dahil sa isang lalake. Nauunawaan kita kaya tahan na. Hindi ko sinasadyang paiyakin ka. Shit." niyakap niya ako at sunod sunod na tumulo ang luha ko dahil sa pangungulila.

"Ayaw kong iwan si mama, Nestor. Mahal na mahal ko si mama kaya kahit sariling kaligayahan ay hindi ko na maisingit dahil kasiyahan lang ni mama ay masaya na ako pero may kulang pa rin talaga eh. Minsan sinisisi ko ang sarili ko dahil simula ng dumating ako sa buhay ni mama ay naging malas siya. Pinalayas siya ni lolo at iniwan pa kami ni papa."

Simula ng ipinanganak ako ay kasama ko na sina Tiyo at Nestor. Si Nestor daw ang laging nakabantay sakin noong baby pa ako kaya sila na ang tinuring kong pamilya.

"Gusto mo ba talagang makilala ang papa mo anak?" bigla akong napabitaw kay Nestor dahil sa boses ni mama. Nakita kong umiiyak siya.

Narinig niya ba ang mga sinabi ko?

"Ma?"

"Inuulit ko anak. Gusto mo ba talagang makilala ang papa mo?"

Sa pagkakataon na ito ay walang salita na lumabas sa bibig ko kundi luha.

******AUTHOR'S NOTE******

SHORT CHAP PO TALAGA ITO. KAHIT AKO NABIBITIN SA MGA SINUSULAT KO...

KUKUMUSTAHIN KO ULI KAYO.. WHAT'S UP BABIES? SANA NASA MABUTING KALAGAYAN KAYO. SA MAY MGA SAKIT DIYAN PLEASE LANG MAGPAHINGA KAYO AT UMINOM NG GAMOT.. SA PAPAGALING NA EH MAGPAHINGA PARIN KAYO DAHIL KUNG SA LINDOL AY MAY AFTER SHOCK PA HAHAHAHA CHARING LANG... KEEP SAFE EVERYONE...

DON'T FORGET TO

VOTE

COMMENT

AND FOLLOW

️S. M❣️

MAGKAIBANG MUNDOWhere stories live. Discover now