3✅

3 0 0
                                    

AMARA'S POV

Maaga akong nagising kaysa kay mama kaya pinaghanda ko na siya ng almusal. May tira pa naman na kanin kagabi kaya gagawin ko na lang na sinangag at may itlog naman doon sa kulungan ng manok kaya kumuha ako ng dalawa.

"Magandang umaga Sayeng." bati ni Nestor.

"Magandang umaga din Nestor. Nag almusal ka na ba? Sumabay ka na samin ni mama. Gagawin kong tatlo ang itlog kung sasabay ka." ngumiti lang siya at tinulungan ako na maghanap ng itlog na wala pang sisiw.

"Ito ang unang beses na inaya mo akong mag almusal sainyo kaya sino ako para tumanggi sa isang prinsesa?" pinalo ko naman siya ng mahina at alam kong di siya masasaktan.

"Nambola ka pa Nestor saka prinsesa? Haha nagpapatawa ka ba? Siguro prinsesa nga ako ni mama kaya halika na at baka gising na ang mahal na reyna." tumawa naman kami ng sabay at pumasok na sa bahay.

"Hmm ang bango naman niyan. Pwedeng patikim?"

"Kapag luto na ang itlog saka ka tumikim ng sinangag na may toyo." sabi ko.

"Nilalagyan mo ng toyo? Ibang klase. Ikaw lang ang kilala kong nilalagyan ng toyo ang sinangag." manghang sabi ni Nestor.

"Ano ka ba Nestor. Hindi naman porket ako lang ang nakilala mong nilalagyan ng toyo ang sinangag malay mo marami pala kami."

"Siguro pero idol hahaha."

Masayang kausap si Nestor kahit na sila ang mayaman sa baryo namin ay hindi pa rin siya nagmataas lalo na si Tiyo Isko. Malaki ang utang na loob namin sakanila dahil kung hindi dahil sakanila ay palaboy kami ni mama at hindi ako makakapag-aral at makakapagtapos kung sakali.

"Ano na naman ang iniisip mo? Mukhang malalim at 'di mo napansin na nasusunog na ang itlog." nagulat naman ako sa sinabi ni Nestor kaya dali-dali kong binaliktad ang itlog. Nagkapaso-paso pa ako pero hindi ko na iyun pinansin dahil baka masunog pa lalo ang itlog.

"Ano ba 'yan. Pero hindi naman siya sunog na masyado. Tama lang para maging crispy ang itlog."

"Ano iyan? Fried chicken? Crispy? Pero masarap naman iyan kasi luto mo."

Namula ako sa sinabi ni Nestor kaya yumuko na lang ako.

"Kay aga aga naman ng mga pambobola mo Niel Del Valle sa anak ko? Ikaw talagang bata ka napaka landi mo kahit kailan."

Nagulat kami ni Nestor dahil sa boses ni mama na nakalapit na pala samin at piningot sa kanang tenga si Nestor at ngumiwi naman si Nestor dahil doon.

"Aling Soli naman [/pout; hindi naman po kasi pambobola iyun saka magandang umaga po. May pinagmanahan nga po talaga si Sayeng."

"At ngayon ako naman ang binola mong bata ka. Tara na at baka lamigin ang pagkain."

Si mama ang naglagay ng sinangag sa plato namin ni Nestor at kami naman ay kumuha ng itlog.

"Wow! Ang sarap naman neto. Ito na ang paborito kong almusal mula ngayon. Pwede ba Aling Soli na dito ako mag almusal araw araw?"

"Hindi naman araw araw ang sinangag dito Nestor dahil kapag may tira lang na kanin sa gabi."

"Mas masarap ang almusal sa mansyon ninyo 'di ba? Simple lang naman ito kumpara sa breakfast mo kaya huwag mo na nga kaming bolahin at baka gawin kitang bola bola." sabi ko.

Halata naman na nasarapan siya sa luto ko dahil ang lakas niyang kumain. Pasalamat talaga at naubos ang sinangag dahil minsan napapanis lang ito at binibigay namin sa alagang aso at pusa ng kapitbahay.

"Grabe busog na busog ako. Salamat sa almusal Sayeng. Mabuti na lang pala at naisipan kong lumabas."

"Bakit? Wala ka bang balak na lumabas kanina?" tanong ko. Tumango naman siya sakin.

Pupunta ako sa bahay ni Nestor para alagaan si Tiyo Isko na siyang habilin sakin ni mama. Hindi muna kami magtitinda ngayon dahil wala rin namang ani sa taniman kaya minabuti ko na lang na rumaket sa pag-aalaga kay Tiyo Isko.

"Wala ka bang balak na magtrabaho? Nakapagtapos ka naman 'di ba?" tanong ni Nestor.

"Meron naman akong balak kaso iniisip ko si mama. Kapag nagtrabaho ako bilang teacher eh magiging mag-isa si mama at kakayod siya sa palengke na siya lang. Hindi naman ata ako mauubusan ng pwesto lalo na at kailangan ang guro sa panahon ngayon." napatango-tango naman si Nestor sa sinabi ko.

"Andito ka lang pala Nestor." napatigil naman kami sa paglalakad ng biglang sumingit si Mimay.

"Bakit Mimay? May problema ba?" tanong ni Nestor.

"Ahh wala naman pero pwede ba akong pumunta sa bahay niyo?" pa cute na sabi niya kay Nestor at ng makita niya ako ay agad sumama ang timpla ng mukha niya.

"Sorry Mimay pero hindi muna kami tumatanggap ng bisita sa bahay." sabi ni Nestor.

Nakikinig lang ako sa usapan nila at walang kibo lang sa tabi ni Nestor. Ewan ko ba kung bakit Nestor ang palayaw niya eh sosyalin naman ang pangalan niya.

Niel Tondrix

Pangalan pa lang ay masasabi mo ng mayaman.

"Saan ang punta ni Sayeng kung ganun?" gulat naman akong napatingin kay Chichay.

"Pinapunta siya ni papa sa bahay kaya sasama siya sakin pauwi."

"Akala ko ba bawal ang bisita? Eh bakit si Sayeng may balak na bumisita?" tanong ni Mimay.

"Mimay at Chichay. Magkaiba ang bisita sa pinapunta kaya kung maaari lang sana eh mauna na kami dahil may sakit ang papa ko." ngiti lang ni Nestor ay agad namang naulol ang dalawa.

Lihim na lang akong natawa dahil sa reaction nilang magpinsan.

******AUTHOR'S NOTE******

HALOW! HI! HELLO MGA BABIES! WALA MUNANG DRAMA KASI NAGDADRAMA NA NGA AKO SASABAY PA SI SAYENG... GUSTO KO LANG BATIIN NG HAPPY BIRTHDAY ANG LOLA KO.. MORE BDAYS TO COME MWUAH.. HAHAHA.

DON'T FORGET TO

VOTE

COMMENT

AND FOLLOW

❣️S. M❣️

MAGKAIBANG MUNDOWhere stories live. Discover now