1✅

18 0 0
                                    

AMARA'S POV

"Sayeng!!"

Dali-dali naman akong bumaba dahil sa sigaw ni mama.

"Bakit po mama?" hinihingal na tanong ko. Nakita ko naman ang dala-dala niyang basket na may dalang mga gulay at prutas na sa tingin ko ay paninda namin sa palengke.

"Magbihis ka na at pupunta tayo sa pwesto natin sa palengke." sabi ni mama.

Patakbo akong bumalik sa kwarto ko para magbihis, tinali ko na lang ang mahaba kong buhok para hindi ito maging sagabal kapag sasakay na kami ng tricycle mamaya.

"Antagal mo naman Sayeng." reklamo ni mama. Ako na ang nagbitbit ng basket para naman hindi na mahirapan si mama.

"Magandang umaga Aling Soli." bati ni Nestor kay mama.

"Magandang umaga din sayo Nestor. Ikaw ba ang maghahatid samin sa palengke?" tumango naman si Nestor at tumingin sakin, nginitian niya ako at ngumiti rin ako pabalik.

"Opo Aling Soli, may sakit kasi si papa kaya ako na muna ang inutusan niya para ihatid kayo ni Sayeng."

"Mapupunit na ang labi mo sa kakangiti Nestor at tigilan mo ang dalaga ko at pupugutan kita ng ulong bata ka." natawa naman ako sa sinabi ni mama at kahit si Nestor ay natawa na rin kahit na pinagbabantaan siya ni mama.

"Aling Soli naman.. Hindi pa naman po ako manliligaw sa anak niyo kasi alam ko naman po na hindi pa siya pwede kaya akin na ito Sayeng at baka nabibigatan ka na." masuyo niyang kinuha ang basket na hawak ko.

Alam ko naman na may gusto sakin si Nestor dahil palagi siyang inaasar ng mga tropa niya at pinsan kapag dadaan ako sa kanila. Gwapo si Nestor at kinababaliwan ng mga babae dito sa bayan namin lalo na kapag ngumingiti ito dahil sa dimple nito sa magkabilang pisngi. Magkababata din kaming dalawa kaya kilala ko na siya.

"Pakisabi na lang sa tatay mo na magpagaling at alagaan mo ng mabuti hindi 'yung puro ka landi sa mga dayuhan na napupunta dito sa baryo natin." sabi ni mama.

"Ma tama na po sa kakasermon kay Nestor, hindi naman po siya sinusuway ni Tiyo Isko eh." sabi ko.

"O siya mauna na kami at mamaya na ang pamasahe Nestor." hinila naman ako ni mama papasok ng palengke, mahigpit ang hawak niya sakin dahil baka raw hilahin ako ng kung sinong tambay dito sa palengke.

Mahigpit si mama sakin lalo na sa pagbo-boyfriend dahil ako lang ang nag iisang anak niya. Kahit ganun si mama ay hindi ako nasasakal dahil alam ko na mahal na mahal niya ako at ayaw niya akong mawala o maligaw ng landas. Kapag may nagtatangkang manligaw ay siya ang kumakausap at ako naman ay nakakulong lang sa kwarto.

20 years old na ako at nakapagtapos naman ako ng College sa awa ng diyos. Nagtapos ako ng Education at balak na rin kumuha ng lisensya sa sunod na taon. Hindi muna ako nagbalak ngayon dahil walang kasama si mama sa bahay kapag nagsimula na akong magturo.

"Isang magandang umaga para sa magandang dilag na si Sayeng." hirit ni Mang Kanor.

"Umayos ka Kanor at itatapon ko itong kutsilyo mo. Kay aga aga binobola mo ang anak ko." masungit na sabi ni mama.

"Hindi pambobola iyun Solidad dahil totoong maganda ang anak mo."

Si Mang Kanor ang katabi naming tindahan pero isda ang tinda niya samantalang kami gulay at prutas.

"Salamat po Mang Kanor." nakangiting sabi ko. Kakabukas palang namin ay may bumibili na agad.

Mga suki na ni mama ang bumibili at ang iba naman ay mga lalake na sa tingin ko ay nasa kabilang baryo pa.

"Magkano po ang isang kilo ng talong magandang binibini?" kinindatan naman niya ako kaya humarang si mama.

"Isang daan hijo." naka ngiting sabi ni mama. Natawa naman ako ng palihim dahil laging ganun ang nangyayari kapag ako talaga ang pakay hindi ang paninda.

"Matutuwa ba ako o maiinis kapag mabenta ang tinda natin." biglang sabi ni mama.

"Bakit naman po ma?" tanong ko.

"Nagmana ka sakin Sayeng at alam kong masarap sa pakiramdam na may humahanga sayo pero napapasama rin kaya naman andito ako para protektahan ka. Sana naman huwag mo akong suwayin sa mga bawal ko sayo anak dahil para rin naman ito sa kapakanan mo."

Niyakap ko naman si mama dahil naiiyak ako. Mababaw ang emosyon ko kaya ang bilis kong damdamin lahat ng sinasabi ni mama.

"Ma, naiintindihan ko po kayo saka marunong naman po akong magdesisyon kaya wala po kayong dapat na ipag alala." ngumiti naman si mama at pinunasan ang pawis ko sa noo.

Maagang nabuntis si mama kaya pinalayas siya ni lolo dahil wala siyang nakuhang sagot kay mama ng tanungin nito kung sino ang ama ko. Kinuwento sakin ni mama iyun pero hindi ang katauhan ng papa ko.

Hindi ako nagtanong dahil ayaw ko na masaktan si mama dahil nakikita ko at nahuhuli ko itong umiiyak sa harap ng litrato ni lolo dahil siguro sa papa ko. Kung sana pinanagutan at hindi niya  iniwan si mama ay hindi magiging ganito ang buhay namin, siguro masaya sana kami kung nagkataon pero hindi ko naman maibabalik ang nakaraan kaya mas minabuti ko na lang na intindihin ang lahat dahil sa umpisa wala akong kaalam alam.

"Ang lalim naman ng iniisip mo anak." nasa kusina ako at naghahanda ng makakain namin para sa tanghalian.

"Mababaw lang po ito mama saka halina po kayo at luto na po ang paborito nating adobo." nakangiti kong sabi.

Kumain naman kami ng masaya ni mama. Saya na alam kong pansamantala lamang.

*******AUTHOR'S NOTE********

HI MGA BABIES! MAY BAGO NA NAMAN TAYONG ISTORYA. ALAM NAMAN NATIN NA HINDI AKO PERPEKTO KAYA ASAHAN NIYONG MAY MGA MALI SA GINAWA KO... KAYO NA LANG TUMAMA..

DAHIL MAHAL NA MAHAL KO KAYO AY PARA ITO SA ISANG KAKILALA KO... AT DAHIL MAHAL NA MAHAL KO SIYA AY GAGAWAN KO SIYA NG SARILING KWENTO.

DON'T FORGET TO

VOTE

COMMENT

AND FOLLOW

❣️S.M❣️

MAGKAIBANG MUNDOWhere stories live. Discover now