~Grade 5~

66 1 2
                                    

----------- Grade 5

  First day of class, nakasimangot ako. :(  Kasi naman, sino nga ba ang hindi magsisimangot at maiinis na pinaputol ang mataas at inaalagan kong mabuti na buhok! Nakakahiya naman kasi. Ang ikli-ikli. Hanggang sa leeg ko lng ang buhok ko. Imagine niyo ang buhok ko nung grade 4 hanggang beywang tapos ngayon hanggang leeg lang. Ang haba ng buhok na pinutol! KAINIS! Dahil sa buhok ko pinagtitinginan ako ng mga kaklase ko noon. Parang nakaganito ----> O.o or O.O

Sinong hindi mahihiya kapag ganyan ang mga tingin ng mga kaibigan mo? HIYANG-HIYA!

Skip muna ang ibang moments.

September or November

  Naiilang na ako kay Jam. By the way, Classmate kaming dalawa. Naiilang naman kasi ako dahil nalaman ko na may CRUSH si Jam sa akin. Nung una nga hindi ako naniniwala. Pero talagang kalat na kalat na! Medyo ka close ko yung bestfriend ni Jam na si Justin. Si Justin naman kasi katabi ko kaya kapag masama loob ko o d kaya mayroong secret eh sa kanya ko sinasabi. Walang ibang mapagsabihan eh. Ang layo-layo naman kasi ng bestfriend ko. Hindi ako mkapaghintay naman na walang masabihan. Hirap kaya walang mabuhusan ng masamang loob.

----December

 Binigyan ako ni Jam ng gift. Bracelet yun na parang mayroong nakabitay na pink something. Haha. Hindi ko na kasi maalala.

Natuwa naman ako ng sobra PERO nung malaman ko binigyan niya din ang kaibigan ko na si Ann, BOOOOOM! Gumuho na ata mundo ko. Ang SAKEEET! Hindi ko naman alam kung bakit ako nasasaktan. May gusto din si Ann kay Jam. Botong-boto naman ako sa kanila. Ako nga ang nag-iisip ng lovers’ name nila. Parang wala lang muna sa akin yung feeling ko. Baka nagkamali lang PERO nung January, BOOOOM! Mayroong war! Eh kasi naman may gusto na ako kay Jam. Tapos, nagseselos naman ‘tong si Ann. Nasira ang pagkakaibigan naming dahil sa lalaking yun. Ba’t naman kasi ako nagkagusto sa kanya kaya tuloy Away ng away hanggang dun! Natapos na rin. Mayroong boyfriend na si Ann. Naka move on na siya agad agad. Kaya SOLO ko na si Jam. :D

------FEBRUARY

BOOOOM! May pasabog na naman. Mayroong nagkagusto sa Jam ko naman. Ay este kay Jam. Noon pa siya nagkagusto ky Jam pero tinatago lang niya pero hirap mgtago ng niraramdaman kaya. Kaya yun! Nalaman ng lahat ng kaklase niya. I mean nalaman naming lahat. Magkaklase kasi kami. Cloud pala pangalan niya. Matalino, maganda, maputi at iba pah. Bagay sila ni Jam din. Ang masakit pa dun, tinutukso sila palagi ng math teacher namin at kapag tututol ang mga kaklase ko na AKO raw ang para kay Jam, sabihin namang “Hindi kami bagay, mas bagay sila ni Cloud.” ;|  Inis na inis ako nun! HARSH naman kasi ang pagkakasabi. Dinig na dinig pa ng lahat ng kaklase ko. OUCH! Gumuho naman ang mundo ko. NAGSELOS na naman ako. Kaya naman na isipan ko i-career ang tawag sa akin ng kaklase ko at adviser ko na “CRUSH NG BAYAN” oh dbuh! Bayan talaga. Pero naisipan ko rin na baka masaktan si Jam. Ewan ko nga kung iniisip ko siya at ayaw siyang saktan na nasaktan naman ako dahil sa KAGWAPUHAN niya, ang daming nagkagusto. Simula nun hindi na ako nagpapa apekto sa mga sinasabi ng math teacher namin. Hindi ko naman papatulan kasi nirerespeto ako ang mas matanda sa akin o sobrang tanda sa akin. XD

Hindi kami nag-uusap ni Jam. Kasi nga naiilang na kami pareho.

Skip muna ulit. Sorry!

DESTINY?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon