Episode 1

323 6 0
                                    

This is the first episode of Teenage Barkada. So PLEASE do support this story. This story was inspired by Gimik 2010 and Growing Up. At kanina ko lang po naisip ang concept na 'to.

VOTE tayo guys ah! Comment na din!

*****************

"KUYA!!!!" Rinig na sigaw ng lahat sa campus ng Northridge High School.

Si Julia lang naman ang sumigaw. Ang prinsesa ng eskwelahan. Siya ang isa sa mga pinaka-popular na estudyante ng Northridge.

"Hi Kuya." Sabi ni Julia kay Daniel.

"Alam mo ikaw, kung makasigaw ka wagas." Sagot nito sa kanyang kapatid.

Si Daniel, ang kapatid ni Julia. Siya rin ang campus king dahil sa angkin niyang kagwapuhan at dahil sa grupo niyang The Boys.

"Kuya alam mo naman na bawal akong mahiwalay sa'yo." Sabi niya sa kanyang kuya.

"Hi Daniel, Hi Miss Beautiful." Bati naman sa kanila ni Jerome, kasama ni Daniel sa The Boys. Siya rin ang manliligaw ni Julia.

 Sabay-sabay naman silang pumasok sa kanilang classroom. Pagdating dun, agad naman silang binati ni Khalil, ang acoustic heartthrob ng The Boys. Bigla namang pumasok si Kathryn sa classroom nila,ang snob nerd, kasama si Aria ang intelligent singer.

“Hi Kath.” Bati sa kanya ni Daniel, pero, snob lang si Kath.

“Kuya, alam mo namang siya ang ‘snob nerd’ ng school. Wag mo ng pansinin yan.” Sabi naman ni Julia sa kanyang kuya.

Nagsiupuan naman sila dahil andiyan na ang kanilang teacher. Si Julia at Jerome ang magkatabi, sa likod naman nila, si Kathryn at Aria, at si Daniel at Khalil.

“Class, have you heard about the ‘POPU’s Hottest’ on facebook.” Nanlaki naman ang mga mata ng lahat.

POPU’s Hottest, ang page kung saan mo makikita ang mga pinaka-popular na students ng POPU High. Dito nila nakikita ang rank ng mga popular students.

“I have found out, that Julia is on the top. She’s the most popular student here in our school.” Sabi ng teacher nila.

“Yes!” Pasigaw na sabi ni Julia. Nagsilingunan naman ang lahat ng estudyante sa kanya, napayuko na lang siya.

“Ma’am, sino po ang second?” Tanong naman ng lahat.

“I think it’s Kathryn.” Nakangiting sagot naman nito at nagtinginan naman sila.

“Sorry girl, I’m the first.” Pang-iinis naman ni Julia kay Kathryn.

“And? I don’t even care if I’m the first, second, third, or last.” Supladang sagot ni Kathryn kay Julia.

Julia just rolled her eyes. Nagtawanan naman ang The Boys. Bakit? Alam kasi nila mag-aargue na naman si Julia at Kathryn tungkol dito. Alam na rin nila ang ugali ni Julia at Kathryn. Ayaw na ayaw ni Julia na sinusungitan siya, ang gusto niya siya ang nagsusungit. Pero si Kathryn lang ang nakakagawa nun sa kanya.

After ng isang oras ng klase nila, sabay-sabay na lumabas si Aria, Kathryn at ang The Boys sa klase. Si Julia kasi may sariling grupo. Ayaw na ayaw niyang sumasabay sa grupo ng kuya niya dahil kasama nila ang number one enemy niya, si Kathryn.

“You know what Kath, it would be better if ikaw yung number one.” Sabi ni Aria habang naglalakad sila papuntang cafeteria. “Di ba guys?”

Teenage BarkadaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon