Episode 2

200 4 0
                                    

Second update. guys, please do Vote and add a comment. Thank you!

=====

Maaga pa pero gising na si Kathryn. Alas singko pa lang ng umaga, gising na siya. Paggising niya, agad naman niyang binuksan ang laptop at nag-facebook. Agad niyang hinanap ang site ng POPU’s Hottest. Pagbikas niya, agad bumungad sa kanya ang top 6.

“WHAT?!” Nanlaki mga mata niya.

Scroll. Scroll. Click!

Kathryn Nicole Rivero The Snob Nerd

“Snob nerd talaga?” Napangiti naman siya. “Magkasunod talaga pangalan namin ng mokong na ‘to ah.” Ang ibig niyang sabihin, magkasunod sila ni Daniel.

Medyo natagalan si Kathryn sa pagtitig sa picture ni Daniel. Bawat comment kasi na babasahin niya, titingin siya sa picture nito.

“Gwapo? Di naman. Cute? Pwede na. Maangas? Tss. Oo.” May halong devil smile na sabi niya. “Hmm.. ‘yung tingin niya nakakatunaw’ 52 likes. Talaga? Nakakatunawa? 52 persons like this ah.” Napalingon naman siya sa laptop at tinitigan muli ang litrato ni Daniel.

Ilang minuto ring napatitig si Kathryn sa picture ni Daniel. Tutok na tutok siya sa mga mata ni Daniel. Medyo seryoso ang picture ni Daniel dito. Badboy look.

“Aga niyan ah.” Nagulat naman si Kathryn sa nagsalita, ang yaya Nessie niya pala. “Daniel Josh Figueroa, siya ba yung manliligaw mo?”

“Manliligaw? No. We’re just... enemies?” Di siguradong sagot ni Kathryn sa yaya niyang hindi maipinta ang mukha sa sagot niya. “Ah basta. He’s not my suitor. Okay?”

“Sabi mo eh. O sya, baba ka na. Ready na ang breakfast mo.” Lumabas naman si Kathryn sa kwarto niya at naiwan ang yaya sa kwarto. “Hindi manliligaw. Sayang gwapo pa naman.”

“Yaya, naririnig kita.” Pasigaw na sabi ni Kathryn galing sa labas ng kwarto niya.

*****

Sa bahay naman nila Aria, abalang-abala siya sa pagpapaganda. Lipgloss, mascara, liquid eyeliner lahat ng yan ay pinasok niya sa kanyang bag para may gamitin siyang pang-retach sa school nila.

“Kuya, alis na ako! Bye!” Dali-dali siyang lumabas ng bahay nila.

“Aria, teka!” Napatigil si Aria sa may pintuan. Lumapit naman ang kuya niya sa kanya. Pinagmasdan niya ang mukha ni Aria. “Make-up ba yan?”

“Huh?!” Napayuko naman si Aria. “Hindi. Sige. Bye na kuya!”

*****

Pagdating sa school, usap-usapan ang babaeng sumagot kay Julia. Sabi nila, bagong estudyante raw siya ng POPU. Sabi rin nila na galing siya sa FGU o Felipe Guillermo University. Sabi rin nila na may mangyayaring event mamaya sa may gymnasium ng school.

Pagpasok ni Julia, kapansin-pansin na iba ang aura niya. May mga lihim sa likod ng matamis niyang ngiti. Sunod naman sa likuran niya si Jane at Tippy na tila nananabik kung anong mangyayari mamaya.

“She have a dark plan for that girl.”

“Ano kaya yun?”

“Kawawa naman siya.”

“Kasalanan rin ng babae yun.”

Nabaling naman kay Kathryn ang mga mata nila pagpasok niya. Napatigil naman si Kathryn sa paglalakad at inikot ang mata sa paligid, lahat ng estudyante nakatingin sa kanya.

Teenage BarkadaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon