CHAPTER 35
NEMO
"Kakasabi lang ni Mama na wala pa rin sa bahay si Namshen kaya hinahanap pa rin nila," napasabunot ako sa sariling buhok bago tiningnan si Kristine na mukhang may tinawagan rin, "Ano? Nahanap ba ni August?"
Tumingin ito sa hawak niyang cellphone bago muling ibinalik ang tingin sa akin.
"W-wala pa rin daw siyang nakikita." tila kinakabahan na sabi nito sa akin.
Humawak ako sa kamay nito para pakalmahin siya, alam kong nag-aalala siya kay Namshen kaya siya kinakabahan.
"Huwag kang mag-aalala, marami nang mas malala na nangyari kay Namshen. Hindi ang pagkawala niya ang magpapahina sa kanya dahil alam niyang walang Cristobal na mahina." pagpapakalma ko na mabilis na ikinangiti ni Kristine.
"Hindi naman ako nag-aalala kay Namshen, nag-aalala ako sa makakakita sa kanya." may pagbibirong sabi niya na ikinangiti ko.
She has a point. All of a sudden, I realized that Namshen is a big trouble that we shoudn't worried about.
Sinubukan naming pumunta sa pinakamalapit na Bar ngunit wala kaming nakita na bakas ni Namshen kaya napagdesisyunan ko na ihatid na lang pauwi si Kristine dahil malalim na ang gabi. Habang naglalakad kami sa harapan ng tinitirhan niya ay hinihingal na lumapit sa amin si August habang bitbit ang bike ni Namshen.
Nagkatinginan kami ni Kristine bago nilapitan ang bakla este ang kaibigan nila. Napaupo ito sa gilid ng kalsada habang nakalapag ang bisikleta gilid nito.
"M-may nakakita raw kay Namshen na dinukot ng isang grupo." hinihingal na sabi ni August na ikinakaba ko.
"Saan mo naman nalaman iyan?" kunot-noong tanong ni Kristine.
Hinabol muna ni August ang kanyang paghinga bago magsalita, "Pinagtanong ko sa isa sa mga estudyante na malapit lang ang room sa Parking lot, hindi nila nasabi agad dahil natakot sila na balikan nung mga dumukot kay Namshen." sagot nito nang makabawi sa paghinga.
Napahilamos ako ng mukha bago inilibot ang tingin at ibinalik kay August, "Teka, bakit hinihingal ka?" pag-uusisa ko dahil mukhang may hinahabol ito.
Tumayo siya at itinayo ang bisikleta bago tumingin sa akin, "Hinanap ko rin kasi kayo para ipaalam ang sinabi ko."
Tumaas ang isang kilay ko, "Bakit hindi mo na lang itinawag?" naguguluhang tanong ko.
Tamad akong tiningnan ni August bago ipinakita ang cellphone na basag ang screen.
"Nasira itong cellphone pagkatapos ko na tumawag sa inyo para ipaalam na nawawala si Namshen." sagot nitong muli bago bumaling ng tingin kay Kristine, "Umuwi ka na, kami na lang ni Nemo ang bahala na maghanap kay Namshen."
Tinapunan ko ng tingin si Kristine na namumula at mukhang hindi maganda ang pakiramdam. Umiling siya at tiningnan ako.
"Hindi, sasamahan ko kayo na hanapin si Nam." pagtanggi nito.
Hinigpitan ko ang hawak sa kamay ni Kristine bago tumango, "Tama si August, umuwi ka na at magpahinga. Kung mahanap namin si Namshen ay itatawag ko naman sa iyo."
Umawang ang bibig niya bago sumang-ayon, "Mag-iingat kayo, ha?" may pag-aalala sa tono ng pananalita niya.
Tumango ako bago siya hinayaan na makapasok sa tinitirhan niya. Nang mawala na siya sa aking paningin ay mabilis ko na hinarap si August.
"What? Bakit ganiyan ka tumingin?" naiiritang tanong nito nang mapansin ang nagpapantay kong kilay.
"Tinawagan mo ba si Kristine habang hinahanap namin si Namshen?" puno ng kuryosidad na tanong ko.

BINABASA MO ANG
Behind His Innocence (COMPLETED)
Teen FictionNamshen Emerald Cristobal, isang bad girl na walang ibang magawa bukod sa makipag-away at manyakin ang boyfriend niya. Meet Rhoyanne Prinz Salvador, an innocent guy who have an innocent mind and heart. An aloof guy who fell in love with a bad girl n...