Sypnosis

14 4 0
                                    

•••


A years earlier...


Sa ikalawang beses ngayong araw. Umiyak na naman si Allie dahil sa itinatrato sa kanya ng mga kaklase nya sa bagong school na pinapasukan nya sa elementarya.


Pangatlong beses na rin syang inilipat ng school dahil palagi syang nabu-bully sa paaralan. Kapag tinanong naman sila kung ano ang dahilan kadalasan ay "katuwaan lang." ang tugon ng mga ito.


"Hoy panget! Agawin mo na sa amin."


"Bahala ka hindi mo na makukuha 'tong bag mo."


Patuloy lang sa pag iyak ang batang babae. Kahit na bata pa sya ay alam nya at naiitindihan nya na masyadong abala ang mga magulang nya sa trabaho para abalahin nya pa sa ganitong mga bagay. Nais nyang mag-focus na lang ang mga ito sa trabaho at hindi na sa kanya.


Sinubukang agawin ng batang babae ang bag nya sa tatlong lalaki. Pinagpasa-pasahan nila ito habang hinahabol naman ng batang si Allie ang bag nya.


"Please!!" pagmamakaawa nya sa mga ito.


Ngunit inasar lamang sya ng mga ito. Pagod na nga sya ay pinatid pa sya ng isa sa mga ito. Nakita ito ng mga schoolmates nya kaya naman napuno ng tawanan ang buong cafeteria ng paaralan.


Natigilan ang lahat sa pagdating ng isang lalaki. Kilala nya ito dahil kaklase nya ang lalaking ito. Hinablot nito ang bag nya mula sa lalaking may hawak nito. Saka iniabot kay Allie.


Ngunit hindi pa man nahahawakan ni Allie ang bag nya ay tinapon nito ang laman ng bag nya sa sahig. Napasinghap si Allie nang tapakan nito ang paborito nyang keychain saka sinipa pa lapit sa pwesto ni Allie. Natulala na lang ito habang pinagmamasdan ang tatlong lalake na tinatapakan ang mga notebooks at libro nya.


Naguguluhan nyang tinignan ang lalaki sa harap nya. Wala man lang itong emosyon o kahit sabihin man lang nito ang salitang 'sorry.' kahit na medyo sarcastic.


Hindi nya makalimutan ang araw na yun. Araw araw nyang nararanasan ang pambubully ng mga kaklase. Pero dahil nasanay na rin sya ay parang wala na rin sa kanya ang mga iyon.


Pero ang mukha ng lalakeng yun ang hindi nya makalimutan.


"May araw ka rin sa akin." aniya sa sarili.


Naiiyak ma'y pinigilan nyang tumulo ang luha nya sa pisngi. Isa-isa nyang dinampot ang mga gamit saka nakayukong tumakbo palayo sa lugar na iyon.


Samantala,


Ang lalaking nagtapon ng gamit ni Allie ay naiyukom ang kamao. Nakonsensya sya sa ginawa nya babae dahil alam naman nya wala itong ginagawang masama sa kanila lalong lalo na sa kanya.


Nasimula na ring magsi-alisan ang mga nakikitawa sa paligid. Umalis na rin ang mga lalaki na kaninang nambubully sa babae.


Saka lamang napansin ng lalaki ang panyo sa palad nya. Sigurado syang hindi kanya iyon kaya naisip nyang sa babae ito.


Naka-burda sa gilid ng panyo ang pangalang,


Allie.

•••

Allie, Alice, Alison (Montreal Siblings #1)Where stories live. Discover now