Chapter One

18 4 2
                                    

A/N: I dedicate this chapter to my one and only high school bestfriend, Mikhaela Villanueva and to my lovely baby girl Rakisha Labao. Loveyou girls 🥰

Thank you for your unending support. I love you. Mwappsss ( ̄ ³ ̄)

•••

Alice and Alison.

--

Naramdaman ko ang pagvibrate ng cellphone ko. Tumatawag pala si Chezka kanina pa. Naka-ilang missed calls na sya bago ko masagot.

"Need help." bungad nya bago pa man ako makapagsalita.

"Sa'n ka?" tanong ko. Mamaya na lang siguro ako magpapaliwanag.

"Sa mall, itetext ko sayo kung saan." iritadong aniya.

Naiinis kaya sya kasi hindi ko nasagot yung mga calls nya kanina?

"Sige papunta na." sagot ko. Nang ibaba nya ang tawag ay na-receive ko ang location nya.

Tumawag ako ng taxi para mas mabilis akong makarating. Matatagalan ako kapag hinintay ko pa ang service ko. Natagalan ng ilang minuto dahil sa traffic bago ako nakarating sa mismong lugar kung nasaan sya.

Si Chezka ang nag iisang taong nakipag-kaibigan sa akin. Pareho kasi kaming lapitin sa mga bullies.

"Tagal mo ah!" angal nya.

"Sorry, nanggaling kasi akong-"

"Bookstore?" patuloy nya sa sasabihin ko. "Lagi ka namang tambay kung saan maraming libro eh." dagdag nya pa.

"Anong tulong ba kailangan mo?" pag iiba ko sa usapan. Pumangalumbaba sya saka bumuntong-hininga. Parang problemado talaga.

"Kasi naman bess! May bumili sa online shop ko tapos ang sabi dito daw kami magmeet sa mall na 'to. Eh ilang oras na kaya ako dito tapos hindi ka pa sumasagot sa calls ko." reklamo nya saka sumipsip sa milk tea na hawak nya. "Ano na lang ipangtatapal ko sa mukha ng mukhang pera kong madrasta?"problemadong aniya pa.

Lumaking may kaya naman ang pamilya nila. Not until, noong namatay yung biological mother nya at nag asawa ulit ang father nya. Sa mga naririnig ko sa kwento ni Chezka ay maldita, at mukhang pera ito. Nagagalit kapag kulang ang perang ibinibigay sa kanya. Maski nga si Chezka na dapat sa school lang ang focus ay pinag-business nya at saka hinihingi ang 50% ng kinikita nya.

Sinabihan ko na si Chezka na ireklamo sa awtoridad kaso magagalit daw ang papa nya. Minsan pa nga napagbiruan naming nagayuma ng madrasta nya yung father nya.

"Ano bang item? Baka pwede pang ibenta next time." tanong ko. Pumangalumbaba lang sya pagka-upo.

"Hindi pwede eh. Pagkain." sagot nya. Inangat nya ang limang kahon ng pepperoni pizza.

Napabuntong-hininga ako at nilabas ang wallet ko. "Ako na lang bibili." sabi ko.

Mukhang nakahinga naman ng maluwag si Chezka. Nakangiti na sya 'di gaya kaninang mukha syang pinagsakluban ng langit at lupa. "Ikaw uubos ng lahat ng 'to?" Takang tanong nito.

Allie, Alice, Alison (Montreal Siblings #1)Where stories live. Discover now