Chapter Six

3 2 0
                                    

A/N:

Yuuuhooooo! Aym bak! It's been a while mula nung last update ko, alam kong matagal yung time na yun. Nag iipon pa kasi ako ng chakra ko este idea pala para sa story.


I'd like to dedicate this chapter to,

Julian Lenada and Lei Intertas

Dave Madrid

Diane Rose Ledesma

Angeline Balbarino

Faith Mora and Erica mae Cariñoza

Pamela Real,

Enjoy~


•••
Problem
***


Nagpakita rin si Chezka bago matapos ang araw na iyon. Humingi siya ng paumanhin sa mga naabala at pati na rin sa nag aalala sa kanya. Nagpaliwanag siya ng maayos sa amin at lalo nasa akin.

Natanggap ko naman ng maayos ang paliwanag niya at hindi na siya kwinesyon pa. Malaki ang tiwala ko kay Chezka at alam kong ganoon din siya sa akin.

Gayunpaman ay hindi ko mapigilang magtampo dahil hindi kami nagkasama sa oras ng party. Iyon pa naman sana ang una't huli sana naming event nadadaluhan sa school. Pero dahil lamang ang pag aalala kaysa sa pagtatampo ay naiintindihan ko siya. Alam ko naman na kung ako ang nasa kalagayan niya ay maiintindihan niya rin ako.

Bago rin lumubog ang araw ay nagpaalam na siyang uuwi na. Ihahanda na raw niya ang sarili para sa mahaba-habang paliwanagan niya mamaya sa step-mom niya. Alam naman kasi naming never nakinig sa paliwanag niya yung madrasta niya. Nagpasya na rin akong umalis tutal wala ng masyadong importanteng gagawin sa school. Pero naipit kami sa gitna ng napakahabang traffic habang pauwi.

Habang naghihintay na gumalaw ulit ang usad ng sasakyan ay nakinig muna ako ng music sa cellphone ko. Nang biglang nagsabi si Tatay Donnie na kailangan naming magpa-gas. In-off ko ang phone ko saka lumabas para bumili ng maiinom sa kalapit na 7/11 store ng gas station.

"Alice?"

Napalingon ako sa taong tumawag sa akin sa pangalan ng kambal ko. Nagulat na lang ako nang bigla na lang niya akong yakapin. Agad din siyang kumalas sa pagkakayakap sa akin saka nag tanggal ng shades at mask. Nanlalaki ang mata ko sa nakita.

Kilala ko siya. Isa siya kilalang world wide singer and actor.

"What's with the mood? Bakit mukhang stress na stress ka sa buhay?" nagtataka niyang tanong sa akin. In-inspection niya ang kabuohan ko saka nagsalubong ang mga kilay. "Lumipat ka ng school?" tanong niya. Nagtama ang mga mata namin pero agad akong nag iwas ng tingin. "You wear eyeglasses! I thought you dislike it." naguguluhan na namamangha niya pang puna.

Namutla ako. Anong sasabihin ko sa kanya? Hindi ko naman alam na may kakilala pa lang sikat ang kambal ko! Tumingin ako sa paligid ko napansin kong wala masyadong tao.

"S-Sorry! You've got a wrong person." ngumiti ako sa kanya sabay kuha ng bottled water.

Dumiretso ako sa counter para magbayad. Mukhang di naman siya sumagot at mukhang wala rin siyang balak sumunod. Nakahinga naman ako nang maluwag hanggang sa makabalik ako ng sasakyan. Napansin naman ni tatay ang kilos ko.

"Oh? Anong nangyare sa'yo? Ba't parang natataranta ka ata?" bungad ni tatay matapos kong isara ang pinto.

"May kakilala si Alice sa loob ng store. Napagkamalan niyang ako yung kambal ko." natatarantang tugon ko.

Tumawa lang ito habang inuumpisahan niya nang istart ang kotse. "Hindi naman kasi nagkakalayo ang mga mukha ninyong tatlo." Umiling iling pa ito. "Pero sa ugali lang kayo magkakaiba-iba." dagdag pa niya saka mahinang tumawa.

Allie, Alice, Alison (Montreal Siblings #1)Where stories live. Discover now