Chapter Five

13 3 0
                                    

IMPORTANT NOTE:
 
 

Pinapakilala ko na po ang mga cast na bet na bet ko para sa story. Medyo naging matagal din ang update nitong chapter na 'to dahil nauubusan na 'ko ng mga ideya para nga sa kabanata na 'to, kaya SORRY talaga kung hindi kayo masasatisfy pero sana wag kayong magsawa sa pagsuporta. Hindi po muna ako mag eedit ng mga error dahil may mga module pa ako. So eto na nga,

CAST:

Allie/Alice/Alison: Shin Hye-sun

Chezka: Seo Yea-ji

Rebbeca: Park Gyu-young

Rhyle: Jung Hae-in

Lyria: Kim Hyo-jung

Lucien: Lee Joon-gi

 
 

At hindi pa po lahat muna. Yan lang muna kasi sila lang naman muna ang may maraming appearance sa story. Saka na po yung parents and grandparent ng mga karakter sa taas, si Nanny, si tatay Donnie, etc. At hindi rin po ako solid army. Hindi ho ako sundalo chouUr HAHAHA i do listen to BTS but i'm not fan or hater either. Skl.

•••
Doubtful thought.

***

 
 
 
 

Habang nasa kalagitnaan kami ng klase namin sa history ay biglang sumulpot ang nanay-nanayan ni Chezka. Nagrereklamo sya na hindi pa raw nakaka uwi si Chezka mula pa kagabi.
 


 
 

Napayuko na lang ako dahil maski nga ako ay walang ideya kung nasaan ang kaibigan ko. Gustuhin ko mang umiwas sa gulo ay hindi ko rin naman kayang mag ditch sa class. Awang awa ako sa itsura ng nanay ni Chezka. Mukhang alalang-alala na talaga s'ya rito.
 


 
 

"Sino ba kasi ang huli n'yang kasama kagabi roon sa party?" nagpipigil sa galit na tanong ng guro sa amin.
 


 
 

Sa sobrang pagkataranta ay yumuko ako. Baka ako kasi ang ituro nilang kasama n'ya. Anong sasabihin ko? Maniniwala ba kaya sila sa akin? Puputi talaga ng maaga ang buhok ko dahil sa babaeng yun.
 


 
 

"She's with the hottie guest last night, if i'm right." tugon ng isang babae sa malapit sa pinto.
 


 
 

"Yeah! I saw her with the guest too yesterday." sapaw naman ng isa sabay irap.
 


 
 

"Meron ba kayong contact sa taong iyon?" malumanay ngunit nagtitimping tanong ng nanay ni Chezka.
 


 
 

"Ang dean lang po ang may contact sa mga guest."
 


 
 

Inabala ko na lang ang sarili ko. Napatingin ako sa bintana at ipinatong ang baba sa palad. Nakapangalumbaba lang nakatingin sa kabilang building ng Clinton.
 

Allie, Alice, Alison (Montreal Siblings #1)Where stories live. Discover now