Katangahan One

78 3 9
                                    

"Ano ba kasing nagawa kong mali para lokohin nya ako? Magsalita ka bestie! Huhuhu."

Tinanggal ko ang earphones ko at hinarap ang bestfriend kong tatanga-tanga sa pag-ibig eskembershel na yan.

"Isa lang naman." Nagulat siya sa sagot ko at halatang naghihintay sa susunod ko pang sasabihin. "Hindi ka niya mahal. 'Wag kang tanga."

Mas lalong siyang naiyak sa sinabi ko. Nagtanong pa eh. Kasalanan nya yan.

"Bestie naman eh. Nasaktan na nga yung tao tapos ang harsh mo pa." Tinanggal ko na NAMAN ang earphones ko at hinarap na NAMAN siya.

"'Wag kang tanga. Nakita mo na ngang niloko ka ng harapan tapos iiyakan mo pa?" Naguluhan siya sa sinabi ko. "I mean, he doesn't deserve your precious tears dear. 'Wag kang tanga!"

Inirapan lang ako ng gaga. Ganyan ako magbigay ng words of wisdom. Kailangan talagang isingit ang famous line ko.

Ako nga pala ang forever dyosa sa campus namin. Izea Hazelle Carillo. 19 years of age turning 20 *alangan namang turning 21 diba? Readers, 'wag tanga!* this February 14. And yung bestie ko, she's Denzyl Lettice de Pascual. (Walang maisip na ibang apelyido eh. Sahreee.)

Hindi po ako bitter. Kasi nga maganda ako! 'Wag tanga, puhleaseee. Ang malditeeets ko ba? Amsahre.

Tumunog na yung bell. Tapos na ang lunch break kaya agad na kaming pumasok sa next subject namin.

Ako lang naman ang may-ari ng university'ng ito.

"Good morning Ms. Iz!" Bati sa akin ng isa sa mga classmates ko.

"Afternoon na--" Sasagot pa sana siya pero may idinagdag pa ako. "It's already 12:01 PM. 'Wag tanga. Excuse me, puhleasee!"

Agad naman siyang bumalik sa upuan niya. Tatanga kasi. Mahirap ba talagang magbasa ng oras? Haleeer. Wag tanga fles lang. Bawal yan sa estoreng itey.

Pumasok na yung prof na mukhang nerd. Pinakaayaw ko siya sa lahat ng prof dito. Ambaduy nung style ng pagsasalita nya pati pananamit. Aish. Ewan. Basta ayoko sa kanya. At! Baka sabihin nyong the more you hate, the more you love? Like ohmygeee! Wag kayong tanga! Ayaw nga nung dyosa diba? Tapos babaliktarin nyo yung sinabi? Wag tanga mga babes ;)

Umupo na ako syempre sa tabi ng bestfriend ko. Alangan naman dun sa hindi ko ka-close? Ang swerte naman nila at magiging seatmate nila ang dyosang tulad ko deevah? 'Wag tanga!

Nabalik ako sa reality nang nafeel kong sinundot sundot ako ni Denden. Binigyan ko lang siya nang what-the-hell-look kasi alam naman nyang pag nakapasak ang earphones ko, do not ever ever disturb me kapag there's no significant reason.

Tinanggal ko ang mamahalin kong earphones. Ininguso niya yung prof namin.

"Miss Iz! Alam kong ikaw ang may-ari ng school na ito pero respeto nama--" Pinakinggan ko lang siya at naghanda na sa banat ko.

"Correction! University PO. Hindi school PO. Ang cheap naman kung ganun. Respeto rin PO kasi nagpapahinga ako PO kasi anrami nyong binigay na assignments PO. Wag tanga. PO." Narinig kong tumawa yung mga tanga kong classmates.

Nakaka-stress makipag-usap sa mga tanga po ano?

After ilang minutes, lumabas ang diyosa ng room. Puro katangahan kasi yung tinuturo nya. Nakaka-tanga rin. Amp lang eh no! Ay, readers, ano gusto niyong itawag natin sa mga tanga? Tangskie? Tang-tang? Tangs? Tangi? I prefer Tangs na lang. Comment lang kayo. :)

Ayun nga, lumabas na ako at pumuntang opisina ko. Actually, hindi pa sakin ang university na itey. Kailangan kong tapusin ang pag-aaral ko. So, kailangan kong makisama sa mga tangs kong mga prof. Alangan namang sungitan ko sila? Bagsakin pa lang ako nung mga tangs. 'Wag tanga!

(Dyosang owtor note: Kung ayaw nyo sa pagiging maldita ng Iz'bebs ko, free to archive this storeeey. 'Wag tanga mga babe.)

Tumunog ang iPhone ko.

Witch calling..

Answer.

On the precious phone.

"Oh anong katangahan ang gusto mong sabihin?"

"Ang harsh pa rin ng sis ko ah? Ginagamit mo pa ba ang peymus layn mo?"

"Para sa'n pa at inimbento ko 'yun diba? 'Wag tanga my dear sister. Nakakairita!"

"Haaaay. Hindi ka na talaga nagbago sissy. Uuwi na pala kami nila Dad jan."

"Kasama ang MOMMY MO?"

"Hindi mo pa rin ba naiintindihan?"

"Naiintindihan ko kaya nga di ko kayang tanggapin. Tanga!"

Tootootoot :P

Wow! Binabaan ako? Ang dyosang itey? Wow lang talaga. Mga alipin! Lolzxsc :D

Honestly, hindi kami magkapatid sa ina. Half-sister ko lang siya. KABIT ang mommy NIYA. Kaya nga nag-suicide si Mommy kasi nalaman niyang matagal na pala siyang niloloko ni Daddy. Kaya di ko sila matatanggap! 'Wag tanga mga babe :( Alangan namang agad akong makamove-on sa ginawa nila deevah? Nung nawala si Mom, agad silang kinupkop ni Dad. Isa rin kasi 'tong tanga si Dad! Amp lang mga tangs!

Nag-stay lang ako sa office ko hanggang dismissal. Yes! Hindi ako pumasok ng classes ko. Ayoko nang mag-aral! Pete lang. Para sa'n pa mga tangs diba? Hindi rin naman naa-appreciate ng Dad ko. Pete talaga.

Toktoktok.

May biglang pumasok sa office ko. Wow!

"Ma'am may bago po--" Pinutol ko ang sasabihin nya.

"Ang lakas ng loob mong pumasok ah?"

"Kumatok naman--"

"Sinabi ko bang pumasok ka? 'Wag tanga, nakakairita. Balik ka dun sa labas." Nagulat siya sa sinabi ko.

Pero agad naman siyang lumabas. "Kumatok ka ulit."

Toktoktok.

Ipinasak ko ang earphones ko.

Bahala siya sa katangahan niya. Alam nyo namang highblood ako ngayon mga tangs diba? Kasi nga babalik yung pamilya kuno ko. Pete.

Biglang nagvibrate ang phone ko. Nagtext si Bestie labs ko.

From: Denden labs
Hoy! May bagong student na mag-e-enroll. Sinabi sakin ng secretary mo.

So, yun pala ang sasabihin nya? Like, why should I care? May binabayaran ako para trabahuin ang mga bagong tangs sa university na ito.

To: Denden labs
K. Ipaasikaso mo lang.

Patuloy lang akong nakikinig ng mga songs sa playlist ko.

Biglang nagvb na naman ang iPhone ko.

From: Denden labs
Gusto ka daw maka-usap ng parents ng new student.

So, dahil mahalaga pa rin naman sa akin ang universityng ito, hinarap ko na.

Okay lang naman yung mukha ng bagong tanga. Pati yung parents nya. Mukhang may kaya.

"O sige. Pwede na siya." Nagulat naman yata sila sa sinabi ko. "Ano pang tinatanga nyo diyan? Walang shuttle dito na maghahatid sa inyo papuntang gate kaya kailangan nyong maglakad, wag tanga PO."

Nakita kong umusok ang ilong ng parents nung lalaki pero siya, ayun, naka-earphones lang ang pete.

Nakakairita siya mga babe! Hindi talaga kami magkakaintindihan nito.

'WAG TANGA!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon