Katangahan Five

35 2 0
  • Dedicated kay Kirsten Ela
                                    

Sino ba kasi yun?

Pagkakita ko, the new student's here. "Hi po. Nabalitaan ko kasing nagkasakit si Ms. Iz. May bi-nake lang ako for her." Narinig kong sabi niya kay Yanny. For the first time in forever, may nag-alala sa akin.

"Okay. Akin na. Ako nalang ang magbibigay sa kanya."Pataray na sabi ni Yan. Nakita kong ngumiti naman yung lalake. Aywan, hindi ko alam kung anong pangala--

"Harrison pala. Sige, mauna na ako. Paki sabi nalang na get well soon. Bye." Isinara ni Yan ang pinto at dumiretso sa kwarto ko.

"Oh, mula sa ADMIRER mo." Sabay lapag sa red velvet cake na binake ni Harrison. Inirapan ko lang siya. Oy, hindi ko yun type. 'Wag tanga.

"Ilagay mo nalang yan sa ref. Mamaya ko nalang kakainin. Wala akong gana." Nagkibit-balikat lang siya at lumabas na ng kwarto ko.

"Indenial?" Sigaw ni Yanny.

"Kung pabalikin kaya kita ng Cali." Tumawa naman siya.

Harrison? K. I don't care about him. Ano naman kung binigyan niya ako ng cake, diba? Marami namang nagbibigay sa akin ng ganoong stuffs.

After how many days, bumalik na ako sa univ. How I miss dealing with stupid students. Nakakamiss rin pala. Ngayon ko lang na-realize na pamilya ko sila. Hahaha.

At dahil maganda ako, madali akong nakarating ng room. Yas, hindi kami nagsabay ni Yanny kasi maaga siyang pumasok for some important reasons.

Alam kong walang connection pero dahil ako ang bida sa storyang 'to, lahat ng sinsabi ko, may sense. Oh ano? Angal ka? Eh di wow.

Nakita ko naman yung new student. Aish. I forgot the name na. He's not that special para matandaan ko siya no. Wag tanga.

At sa kasamaang-palad, in-approach niya ako. Psh. FC no? 

"Okay na po ba kayo, Ms. Iz?" Ay, shit pala siya eh. Papasok ba ako kung masakit pa ulo ko? 

"Hindi pa. May nakasalubong akong tanga eh." At inirapan ko siya. Pero mukhang ayaw niya akong tantanan eh. Sarap sapakin. Argh.

"Masarap po ba yung cake na binake ko?"

"Ikaw ba nag-bake nun?" I grimaced.

"Opo. Masarap po ba?" He smiled waiting for my precious answer.

"Of course.." I smiled. "..no." At umalis na ako at tumungo sa upuan ko.

Nakita ko namang nadismaya siya sa sagot ko. Agad naman akong nilapitan ni Yanny. "Oy, Haz, alam mo bang kalat na kalat na dito na binigyan ka ni Harrison ng cake? At, nililigawan ka daw niya."

I rolled my eyes. "Malamang hindi ko alam. Wag tanga. At, wala akong pake kung ano mang pinagsasabi ng mga tangang estudyante dito."

"Asus. Sabihin mo nalang na gusto mong tinutukso ka kay Harrison."

"Like shit. Of course no! The hell. Kilala mo'ko Yanny. HIndi ako pumapatol sa mga cheap na kagaya niya. Ayoko nga sa love ek-ek churvalo kyeme na yan."

"Eh di okay. Sobrang defensive eh." At, may whinisper pa siya. "Papahalata."

"Bahala ka na nga diyan." 

At nagsimula na ang klase. Napansin ko namang kanina pa patingin-tingin yung Harrison. Ang tanga lang kasi nahuli kami ng prof na nagtitinginan sa isa't-isa. But, don't get me wrong, natyempuhan lang na nakatingin siya sa'kin at tumingin ako sa kanya para pagsabihang 'hoy gago ka, wag kang tumingin sa'kin' pero ayun ang tanga naming prof nagalit kasi hindi daw kami nakikinig sa discussion niya. Amp nga naman talaga.

Kaya, ngayon, papunta kaming bakanteng room para linisin yun dahil i-o-occupy ng mga magna-NAT bukas. I tried to resist pero ibabagsak niya daw kami if hindi kami sumunod kaya wala akong nagawa.

And, I will consider this the worst day ever. Ay, pangalawa lang pala nung dumating ang shit na pamilya. Ugh.

'WAG TANGA!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon