Mahal.

5 1 0
                                    


———

Masakit mang isipin ngunit hindi ka akin.

Masarap ngang mangarap ngunit mahirap mag panggap.

Masaya mo man akong nakakusap ngunit luha naman ang aking nalalasap.

Ngiti ang binibigay ko , kahit sakit ang sukli mo.

Hindi tayo tinadhana.

Pagkat daliri mo ay may ibang puntirya.

Kamay mo'y nakalaan na sa iba.

At ang puso mo ay angkin na nya.

Sa malayo akoy nakamasid.

Sa likod ng pintuan nakatago at pilit iniibsan ang sakit.

Sa bawat pagdampi ng iyong mga labi sa iyong ninanais.

Nababasag naman ang puso Kong marmol na inukit.

Sa pagtanaw ko sayo Mahal.

Sanay huwag mo akong pahirapan ng matagal.

Dahil kahit walang 'ikaw at ako'.

Ako parin yung taong magmamahal sayo kahit masakit at Hindi mo nais.

———

@kuyaliam.

One shot stories(Part 1)Where stories live. Discover now