Ready, lights camera, ACTION!
Diyaan umiikot ang aking mundo. Sa mga pelikula, sa mga serye, sa mga drama. Ngunit tila ba ako'y nauupos na sa ka-kaarte, palagi nalang akong nag kukunwari, palagi nalang akong tumatangis ng hindi naman talaga totoong luha, madami akong kinikita, kilala ako ng buong bansa, ngunit tila ba hindi parin ako masaya.
Two different worlds, two different lives, two different story.
Nagising ako sa isang malakas na katok. Araw-araw nalang ganito ang aking naririnig, sawang-sawa na 'ko sa buhay na ito. Tila ba wala ng pag-asang makakaahon pa 'ko sa malalim na bangin na kinalalagyan ko.
'Hoy Michaela, lumabas ka diyan!' Malakas na bulayaw sa akin ng may-ari ng inuupahan naming bahay.
'Ate, sinisigawan nanaman tayo, gusto mo ako nalang kumausap at magpaliwanag?' Saad ng aking kapatid.
'Wag na, hayaan mo nalang si ate ang magpaliwanag.'
Lumabas ako ng aming pintuan upang harapin ang landlord ng aming tinitirahan.
'Aba, buti naman at naisipan mo pang lumabas ano, O akin na.' Ani niya.
'Ang alin po?'
'Anong ang alin?! Tulog ka pa atang bata ka, akin na yung bayad niyo sa upa!'
'Ah, medyo gipit po ngayon e, baka puwedeng sa isang linggo na lang ho, gagawan ko ng paraan.'
'Sa isang linggo nanaman? E nung isang linggo iyan din ang sabi mo saakin e!'
'E wala naman po talaga e!'
'Aba't sumasagot pa, Michaela, pinag bigyan na kita noong isang linggo, pero ngayon linggo kailangan mo ng mag bayad!'
'Kung maron lang po talaga babayaran ko kayo, pero wala po tala-' hindi pa man ako tapos magsalita ay biglang may inabot ang aking kapatid sa aming landlord.
'Jik!' Ani ko.
'Eto po, sana sapat na yan para hindi niyo na kami gambalain pa uli.' Ani ng aking kapatid sa landlord.
'Hmp! Kulang pa 'to pero sige tatanggapin ko, pero sa susunod na buwan kapag wala kayong naiabot na bayad, sinusugarado kong wala na kayong titirahan!' Ani ng landlord sabay alis.
'Jik anong ginawa mo, nasisiraan ka na ba? Hindi ba't iniipon mo ang perang iyon dahil gusto mong bumili ng bagong cellphone?' Ani ko.
Pagkasabi ko noon ay nginitaan ako ng aking kapatid sabay sabing 'Hayaan mo na 'yun ate, may phone pa naman ako, tsaka na lang ako bibili.'
Dinaan niya iyon sa biro pero kitang-kita ko sa kanyang mata na malungkot siya, dahil ilang buwan niya ring inipon ang perang iyon.
'Jik, pasensiya ka na, hindi mabigay ni ate ang gusto mo, kung meron lang sanang permanenteng trabaho si ate iipunin ko ang sahod ko at iibibili kita ng bagong phone. Sana maintindihan mo ko Jik.' I said with a teary eye, i feel ashamed of myself 'cause i can't do anything for my younger brother.
Two different worlds, two different lives, two different story.
'It's lagging again! Stupid internet!'
'John! John! Call the internet office tell them to fix this right away!'
'Oh and by the way, my phone is so slow, get me a new one.'
'Excuse me sir? But you have just bought it a month ago.'
'Exactly, it's been a month, so it's slow, get me a new one'
'Um sir, anong gagawin natin sa dati mong phone?'
'I don't care, you can keep it if you want.'
'Just gonna shower, take care of the internet and the phone.'
(This whole story is based on the drama Uncontrollably Fond, and the rest is from the Author's imagination.)
BINABASA MO ANG
The Man From Another World
Non-FictionTwo different worlds, two different people, two different lives, two different story.