Chapter VII

2 1 0
                                    

'Maraming nag tatanong at nag tataka na wala daw po talagang girlfriend si Miguel. Sabi nila pinapalabas lang natin 'yon para maprotektahan siya at ang kanyang nobya.' Sabi ng ilang staff sa meeting kasama ang Head Manager na humahawak kay Miguel.

'Ano? E wala naman talaga, sa tingin mo may mag kaka gusto ron sa lalaking 'yon?'

'Well, yes.'

'No, listen here, alam nating lahat ang ugali nung si Miguel, napaka kulit non at napaka pangit pa ng ugali! Isang bagay na hindi alam ng mga fans niya.'

'Pero sir, wala tayong magagawa. Babagsak ang popularity ni Miguel, lalo na ngayon, parami ng parami ang mga nadidiscover na bagong artista.'

'What should we do, Sir?' Tanong ng isang staff sa meeting.

'I guess we don't have a choice. Palabasin nalang natin na may girlfriend siya.'

'Sir, sino naman ang gagawin nating girlfriend niya?'

'Si Maxine.'

'Si Maxine?'

'Yes, Maxine, pareho natin silang hinahawakan, at pareho naman silang single, pareho din silang mataas ang ratings kaya wala tayong magiging problema.'

'Pero Sir, sa tingin mo papayag yung dalawang 'yon? Lalo na si Miguel? Sa tingin ko hindi.'

'We don't have a choice and isa pa, para sa kanya rin naman 'to. Tayo ang agency na humahawak sa kanila kaya may kapangyarihan tayo nag mag desisyon.'

'WHAT? WHO MADE THAT DESCISION?'

'Si Chief.'

'What? Why? Is that necessary?'

'Nag desisyon na si Chief, wala ka ng magagawa don.'

'No, absolutely no!'

'Miguel, please, just do it. Sumakay ka nalang, ang mga desisyon niya ay para din sa ikabubuti mo.'

Ganoon nalamang ang reaksiyon ni Miguel ng malaman niya na sinet-up siya ng agency niya upang palabasin na meron siyang minamahal. Wala narin siyang nagawa, sapagkat hindi niya kayang labanan ang agency.

The news spread all around the social media in just a week, it brings more popularity for Miguel and for Maxine.

'First of all, we're sorry because ngayon lang namin inamin sa publiko ang aming relasyon. Yes po, kami po ay nag mamahalan ng mahigit 6 months na ngayon. Salamat po sa suporta ninyo.' Ani Maxine samantalang si Miguel naman ay tahimik lang.

'Ah, Mr. Miguel? Kayo po, ano pong masasabi niyo?'

'Ah kase, may pupuntahan pa ko e, mauna na ko, si Maxine na muna ang bahala sa inyo, thank you then. Goodbye.'

-wait lang sir! Wait lang po! Ano pong masasabi niyo? Nagkagulo na ang lahat sa pag alis ni Miguel samantala, halata sa mukha ni Maxine na frustrated siya.

Two different worlds, two different lives, two different story.

'Oy ate! Nakita mo na ba tong article na lumabas?'

'Huh? Wala akong pakialam sa mga ganyan.'

'Pero ate, tungkol to kay Miguel!'

Napukaw ang atensiyon ni Michaela ng sinabi iyon ni Jik. Nakita niya ang article tungkol kay Miguel, na mayroon na siyang nobya.

The Man From Another WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon