2 장: Enemy's?

42 2 0
                                    

4NNE★VELV€T

Enemy's?

Robert Pov*

Translation : Are you interested in me?

Di ko maintindihan ang nararamdaman ko sa presensiyang idinudulot niya. Kabado kong sinimulan muli ang pagdadrive.

Nasa kalagitnaan na ako ng pagdadrive ng marinig ang iilang mahihinang hilik niya. Saktong nagkulay pula ang traffic light dahilan para tumigil ako. Agad ko siyang nilingon at muling pinagmasdan.

Pero agad nangunot ang nuo ko ng mapansin ang iilang gasgas sa kamay niya. Di ko ito napansin kanina. Naglikot ang mga mata ko at tiningnan ang kabuoan niya.

Bakit ganon?

Ngayon ko lang napansin ang suot niya. Kita ang iilang dumi roon, di ito halata dahil itim pero napapansin mo ito kapag pinagmamasdan mo ng maigi.

Napaatras pa ang ulo ko at pinagmasdan pa kabuoan niya. Di ko mapigilan ang sarili kong makaramdam ng awa.

Saan naman kaya nanggaling ang taong ito at ang dungis dungis ng suot niya? At saka bakit ganon? Ang ganda ganda niyang babae pero bakit ganon siya manamit? Kung sa bagay marami akong mga kilalang mga babae na ganon manamit. Siguro doon sila mas komportable.

Ano kayang pumasok sa kukute nito at nakisakay dito sa kin?

(--,)

ANG GWAPO KO SIGURO???? HAHHAHAHAHAHAH

Pigil ngiti ko muli siyang nilingon muli! Mukhang type ako nito ha?

Inalis ko ang paningin ko at ngiti ngiting tumingin sa side mirror ko.

(>,>) tingin sa kanan.

(<,<) tingin sa kaliwa.

Tsk tsk tsk.... ANG GWAPO NGA.

Lay lay balikat akong muling sinimulan nag pagmamaneho.

Ang hirap pala ng ganito kagwapo. Tsk tsk tsk...

"munt*nga."

(O_O)!!!

*LUUUUUUUNOOOOK

Grabe naman tong taong to? Minumura ako? Nangunot ang nuo ko sa inis pero agad ko ring iyong inalis at nakangiting lumingon sa kanya.

"Ahh..... What is your name?" tanong ko.

(--,)

Rinig ko ang bahagya niyang pagtawa.

(-.-)

Umupo siya at tinanaw ang tanawin sa labas. "My name is....." kunot nuo niya akong nilingon. "Why do I have to tell you? Tch!"

"Ah....eh kasi... nakakagulat ka... B-bigla bigla ka na lang kasing pumara sa akin...a-at kumatok katok pa ng pagkalakas lakas.... Hehehehe di mo ba alam na mayayari ako sa amo ko nito? Heheheh..."

"Whatever." mataray na sagot niya.

Ayos tong kausap ha?

"Eh ano ngang pangalan mo? Taga saan ka ba? Di ko alam kung saan kita ibaba ano? Nakakainis ka ha! Tinatanong kita ng maayos tapos sasabihan mo ako ng.."bahagya akong tumigil inismiran siya ."whatever!" panggagaya ko sa kanya! At saka muling humarap sa daan.

"I don't give my name to those people who I didn't know.. I'm sorry." seryosong aniya pa. "At tsaka, pwede bang magdrive ka na lang! Ang dami dami mo pang sinasabi!!!" mariing utos niya! Akala ko lalaki to kumilos pero mukhang nagkamali ako!! ANG TARAY TARAY TAPOS ANG ARTE ARTE PA!!!

My Director Jeon {ONGOING}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon