Jaja's Plan
Robert's POV*
Makalipas ang ilang araw di ko mapigilan isipin kung ano ang mga nangyari noong nakaraan. Grabe, di ko talaga inaasahan na siya yung Director Jeon. Kasalan ni Google, wala kasing picture na pinakita eh.
Wala akong diniliver ngayong maghapon kaya dito lang ako sa harap ng bigasan, nagbibilang ng sasakyan. Biro lang.
Napag isip-isip ko rin na ayaw ko ng makita ang babaeng yon. Kaya hanggang ngayon di pa rin ako pumupunta sa Dark N' Knight na to. At di ko parin naibibigay ang gusto niya. Pakiramdam ko kasi malaking problemang dala niya sa buhay ko eh. Mahirap na. Eh ano naman kung sikat siya? Tong mga cards na hawak ko, buti pa sunugin ko na lang. Balak ko sana yan kagabi gawin, kaso bigla akong inantok. Wala na akong nagawa.
Di naman niya alam kung saan ako nakatira. Hehehe, di ko na siya makikita ulit. Yes woooo!!
"Ahmm, excuse me!" agad akong lumapit sa sasakyan na tumigil sa harapan ko. Grabe, isa pa tong astig! Ang lupeet!! Parang uri ng mga race cars na nakikita ko sa TV!
"Ano pong hanap niyo? Dinorado, Sinandomeng, o Marice?" alok ko sa kanya ng buksan niya ang bintana.
"Ahh hindi akong bumibiling bigas." naka ngiting sagot. At saka tinggal ang shades niyang suot.
Napakamot naman ako ng noo. "Ano pong kailangan niyo?"
"Ikaw si Roberto Jun Jun Dimasilang diba?"
Ay pano niya nalaman name ko?
"Opo, ako po yon?"
Di siya sumagot sa halip ay nginisian niya lang ako. Ano naman kayang trip ng babaeng ito?
Kita ko sa side vision ko ang pagbukas ng bintana ng sasakyan sa back seat kaya kaagad akong tumingin roon. Pero halos malaglag ang mga mata ko sa nakikita ko!! P-paanong?
"Hi! There. Kailan mo balak magpakita ha?" tanong niya at seryoso akong tinitigan! Tinitigan niya ako!!!
"I-ikaw?"
Ang totoo. Ngayon ako nakaramdam ng takot sa mga mata niya. Grabe, para akong may utang na milyon na di ko na babayaran! Yung mga mata niya parang mga mata ng bwitri makatingin. Para lalamunin ka ng buo!!
"Are you going to stare at me forever?"
Ikaw kaya itong tumitingin!
Para akong batang umuling iling at lumayo ng kaunti sa sasakyan nila.
"Hop in the car." utos niya.
"Naku, hindi pwede. May trabaho ako. Bawal iwa--"
Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng bigla siyang nag-angat ng baril at kinasa iyon sa harap ko..
Teka, bakit may baril siya?! Halos mapigil ang hininga ko! Konti na lang parang maiiyak na ako! Pinagtatangkaan niya ba ang buhay ko???
Sa sobrang takot ay sinunod ko ang gusto niya.
Pansin ko namang tumatawa ng bahagya ang babaeng kasama niya. Umiling iling siya at parang sinasabing huwag akong mag-alala! WOW! HUWAG MAG ALALA HA?
"Where's the BlackCard?" awtomatikong tanong niya.
Halos mangatalngatal ako habang kinakapaan iyon sa bulsa ng pantalon ko. Pero di ko pa man naaabot sa kanya ay bigla niya itong hinablot sa akin!
"Ay ano yan?" tanong nung babaeng kulot. Nakapula siyang jacket, itim ng pantalon at nakasuot rin siya ng itim na gloves.
Hindi maipinta kung gaano kaseryoso ang itsura niya habang nakatitig sa BlackCard na hawak niya. Makikita mo sa mga mata niya ang galit.
BINABASA MO ANG
My Director Jeon {ONGOING}
ComédieSi Amber Jeon ay isa sa pinakamayaman at pinaka sikat na director sa mundo ng showbiz. Napakaraming pelikula na ang kanyang naisulat at sumikat. At lahat ay natatakot sa aura'ng dala dala nito. Mas daig niya pa kasi ang isang tunay na lalaki magsali...