6 장 : BlackCard

35 2 0
                                    

BlackCard.

Robert PoV*

Paano ba mag-drive ng paatras ha? Yong mula dito pabalik sa bigasan. Wala na, kanina ang ganda ganda ng araw ko kasi ang magandang si Ava agad ang bumungad sa kin ..pero ngayon nakakatamad ng ituloy ang araw na to. Tsk ano ba yan!

Wala na akong nagawa kundi ang bumaba ng sasakyan at pumunta sa kinaroroonan ng doorbell. At kamalas malas pa nga naman andon siya malapit roon. Ramdam ko ang pagtitig niya sa kin. Pero wala akong pakialam.

"Hi." mahina pero ramdam ko ang pang-aasar niya roon.

Mas lalong di ko siyang pinansin at pinindot na lang ang doorbell. "Hey....I'm talking to you.." Hindi ko muli siya pinansin at walang gana lang na pinagmasdan ang doorbell. Bat naman ang tagal nitong buksan.

"Hey....don't ignore me please..." inis ko na siyang nilingon at muntik na akong mapangiwi dahil sa pagnguso niya. Kala mo cute!

Kunot nuo kong pinakatingnan ang itsura niya mula ulo hanggang paa at dahil doon tuluyan na nga akong napangiwi. Kadiri! Wala ba siyang choice of outfit!? Nakajacket na itim pants na itim na ponytale pa ang buhok tapos naka shades duh! Kung sa tingin mo ang cool pwes hindi! Ang init tingnan kairita!

A/N: Tss, sabi nun ang astig raw. Tas ngayon diring diri. Asus baka krass mo lang yan. (--,)

Ur way, My way, No way!

Natapos lang ang pag-iisip ko sa kanya ng bumukas na ang gate. Niluwa niyon si Kuya'ng guard.

"Hoy ikaw pala! Magandang umaga!" masayang bati niya. Ramdam ko naman ang bahagyang pag atras ng babaeng pinaglihi sa itim na tinta ng pusit.

"Magandang umaga rin ho! Deliever po." nakangiti ko namang bati rin sa kanya at bahagyang nilingon at nginiwian yong babae.

"Sige pakipasok na lang." aniya saka nilawakan ang pagkakabukas ng pinto at tsaka umalis.

Saka naman ako lumakad pabalik ng sasakyan para kunin ang mga bigas na order. Pero ganon na lang ang pagkakunot ng nuo ko ng marinig ang mga yapak sa likuran ko! Inis ko yong nilingon!

"Bakit ba?!" sadyang ganon na lang ang taas ng tono ng maganda kong boses.

"Wow, are you mad now?!" pang-aasar niya pa!

"Ano bang kailangan mo ha?! Alam mo bang kanina pa ako naiirita sayo! Bakit ka ba nandito? Sinusundan mo ba ako?!" inis ko siyang nilapitan at nilapit ang galit na galit na mukha ko sa kanya!

Nakipagtitigan ako sa kanya!! Yong nakakakilabot kong tingin! Pero ang bruha hindi manlang natakot! Sa halip kasi ay ngumisi lang siya tinanggal ang suot niyang shades at saka isinabit iyon sa may pocket ng suot kong polo.

Nangunot ang nuo pero agad ding nawala ng dahan dahan niyang pinagapang ang mga palad niya mula tyan ko pataas sa dibdib ko!!

Napaamang lang ako sa kanya at tinitigan ang mga magaganda----este pangit niyang mga mata! Lalayo na sana ako pero agad niyang nahawakan ang kwelyuhan ko at inilapit ang mukha niya sa akin!!

Lalo pang nanlaki ang mga mata ko ng itulak niya ako dahilan para mapasandal ako sa gilid ng sasakyan!!

Ang kaliwang kamay niya ay unti unting tinalunton ang pisngi ko!!! Nakangisi niyang pinagmasdan ang mukha ko na para bang nagsasabing 'Ano kayang magandang gawin sa gwapong ito!?'

Hindi ko na lang alam kung ilan beses akong napalunok ng dahil sa unti unting paglapit ng mukha niya sa akin!!!

Oh My god!!! Ito na ata ang huling araw na ng pagiging Virgin ng mga labi ko!!! Shet!!! Pero bakit naman siya??? Di ba pwedeng si Ava na lang? Pero okey na ren.

My Director Jeon {ONGOING}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon