Entry 01 | Dear Diary

900 3 4
                                    

xx01

Dear Diary,

Di ko na ma-contain! Lunch palang pero magsusulat na ko sa diary ko. Masaket kase sa puso. Ajujuju.
l
Hindi ko talaga alam kung bakit ganito ang ikot ng mundo--minsan nasa taas ka tapos minsan naman nasa baba ka. Alam mo yung pinakanakakaasar dun? Minsan, mas matagal kang nasa baba at saglit ka lang sa taas. Kung minsan pa, di mo pa naaabot yung taas, iikot agad yung mundo at dadalin ka ulit sa baba. Taas-baba, hay, kasakit sa ulo!

So, ano ba ang iniiyak ko?

Wala naman talaga akong pinoproblema. Wala talaga akong problema. Wala talaga Wala. Yeah, don't forget about the sarcasm there.

At di 'to tungkol sa pag-ibig. Hindi talaga. Hindi. Sarcasm? Yeah.

Nagiging sarcastic talaga ako pagdating sa pag-ibig.

So ganito kasi ang nangyari kanina...

Nagising ako as always dahil sa maingay kong alarm clock. Hindi 'yon celphone ko, alarmclock ko, nanay ko, tatay ko, o kuya ko. Hindi rin yon manok namin kasi wala kaming manok. Di rin naman manok ng kapitbahay namin. Pero talakan 'yon ng mag-asawa naming kapitbahay. Take note: semi-sound proof itong kwarto ko at medyo malayo pa yung kapitbahay.

Okay, wala pa dun yung plot twist. Nakakatuwa lang sila ikwento ever!

So ayun nga. Pumasok ako sa school. Sinalubong ako ni Maria, yung boy best friend ko na alaga sa gym ang katawan. Lalaki talaga siyang totoo pero pag ang crush ko na ang usapan, hala jusko! Pero totoo lalaki talaga siya--sabi niya at pansin ko naman. Napatunayan 'yon ng pagiging babaero niya at kaadikan sa kama. Jusme!

Bago magsimula ang unang klase, sinigurado kong maganda ako, at mabango, at fresh! Mahirap na at baka ma-turn off si crush. Crush ko, sino? Ehihihi. Edi si Prof. De Guzman. Ang gwapo kaya nun! Kahit maluwag yung polo, dama kong may kumpletong pack of abs yun! Matalino pa at mabait! Hala jusko, saan ka pa makakakita ng ganun di ba? Extict na yun ngayon. Siya nalang ang naiwan! Pero sorry sila kasi akin na siya. Heart heart!

Ayun na nga. Nagklase siya sa'min. Wala naman akong maintindihan kasi nga busy ako sa pagpapantasya sa abs niyang nakatago sa polo niya. Buti di niya napansin.

At heto na nga. Pagkatapos ng klase, hindi niya alam sinundan ko siya hanggang sa faculty room nila. Kaso... gahd! Nahuli niya ako kanina! Pero alam mo kung ano pa nangyari? Hindi ka maniniwala pero oh my geeee! Nginitian niya akooo! Killer smile yun! Feeling ko literal na killer smile kasi mamatay na yata ako sa kilig ngayon! Sinasabi ko na nga ba't may pagtingin din siya sa'kin eh! Hindi kaya yon ang first time! Minsan pa nga nakiki-table pa sa'min siya pag lunch tapos sa tapat ko uupo! Oh em talaga! I knew it!

Perfect na talaga eh. Kaso inistalk ko siya ulit. Nakaka-broken heart masyado na may katawagan siyang "baby" sa phone. Ajujuju. Baby raw?! Endearment ba nila yon ng girlfriend o ng asawa niya? Pero may asawa na ba siya o girlfriend? Di ba wala naman? Baka anak niya?! Hala jusko! Hindi sana... pero... Wahh! Dahil dun. broken hearted much ako! Ajujuju.

Ang sakit, beh. Yung one true love ko... may baby nang iba! Paano ako?

Diary, sumagot ka! Mababaliw na ako. Sa sobrang hurt ko, ayoko na siyang makita. I felt so much betrayed. Hindi pa kami pero nagtataksil na siya? Hindi maaari! Masakeeet!

Huhu. What to do? May klase pa ulit kami sa kanya mamaya? Wag kaya ako umattend? Hindi pwede. Pasahan ng project kong journal. Mas mahal ko pag-aaral ko kaysa sa kanya, ano! Pwera kung Math subject ang usapan!

Ahuhuhu. Good luck later sa'yo, Sab. Ajujuju.

Brokenhearted,
Sabrina

--

THIS JOURNAL BELONGS TO:
SABRINA EUNICE ALCANTARA

Ahuh. So may gusto talaga siya sa'kin? Tama nga ang interpretation ko sa mga titig at ngiti niya. Kunsabagay, gwapo naman talaga ako. Hindi na bago. At siya? Hm, may itsura rin naman. Ayos. Haha.

"Uy, ano 'yan?" tanong sa'kin ni Susanna na kasalukuyan kong kasama.

"Diary. Haha. Namali ng pinasa yung estudyante ko."

"Ahh. Hahaha. Kanino 'yan?" Lumapit siya at binasa yung front cover. "Sabrina Eunice Alcantara?"

"Mm. Kilala mo?"

"Estudyante mo pala yung anak ko." kaswal niyang sabi. "Matalino 'yan, tamad lang. Haha. Speaking of her, hahanapin na niya ko sa bahay mamaya. Bilisan na natin, baby, kung may gusto ka pang gawin." She then cling herself to me.

What? Mag-ina sila? Dafuck.

-end.

Hahahahaha! Ansay?! Hahaha!

Leave comments please? :)

Twisted Plot TwistsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon