xx02:
Lilianne: O? Bakit ngayon ka lang umuwi? Ala-una pasado na, ah?
Christopher: Marami lang akong tinapos na gawain.
Lilianne: Ha? Ano?
Christopher: Maraming tinapos na trabaho.
Lilianne: Pinagloloko mo ba ako? Wala ka naman nang trabaho ha? Bwisit ka. Yung totoo, saan ka galing?
Christopher: Nagtrabaho nga! Ang kulit?
Lilianne: At anong trabaho? Pambababae?! Ha?! Ha?!
Christopher: Ah, aray naman! Huy wag ka nang mamhampas dyan. Masakit eh
Lilianne: O ano? Gagawa ka ng kahayupan tapos pag galit na ako ang galing mo manlambing? Bwisit ka pala eh!
Christopher: Aray! Sorry na nga eh.
Lilianne: Heh. Ewan ko sa'yo.
Christopher: Ito naman. Nagso-sorry na nga ako kahit wala akong kasalanan eh. Lunok-pride na nga ako, sinusungitan mo pa rin? Grabe ka talaga.
...
Christopher: Uy, honey loves, sorry na. Mamansin ka naman.
...
Christopher: Honey?
Lilianne: Bwiset ka. Paano kita papansinin? Kelan pa naging honey o honey loves ang tawagan natin? Nakakainis ka. I hate you.
Christopher: *blink blink* Eh? E sino yung katawagan kong honey loves? ARAY! Joke lang naman eh! Syempre, naisip ko lang mag-try ng ibabg endearment, baby sweetie munchkinpie. Ang haba kasi ng endearment na inimbento mo eh.
Lilianne: Bakit ayaw mo ba?
Christopher: Ang cute mo talaga pag naka-pout. Ayieee.
Lilianne: Heh.
Christopher: Ayiee. Kiligmuch ka naman?
Lilianne: Korni mo.
Chrisropher: Sweet kaya. Hahaha.
Lilianne: Iiiw. Wag mo nga ako yakapin. Galit ako sa'yo.
Christopher: Galit-galitan. Hahaha. Ang cute mo talaga.
Lilianne: Tumigil ka. Hindi ka nakakatuwa.
Christopher: Pano pag di ako tumigil? Ano gagawin mo?
Lilianne: Hahanap ako ng iba. Iiwan kita.
Christopher: Hahaha. May papatok kaya? Ako lang naman ang may tyaga sa'yo. Haha. Jookeeee! Mahal kaya kita.
Lilianne: Ewan ko sayo.
Christopher: Pero seryoso? Pagpapalit mo talaga ako?
Lilianne: Oo.
Christopher: Asus. Di mo yan kaya, tataya ako. Mahal na mahal mo kaya ako. Hahaha. Di ba, baby sweetie munchkinpie?
Lilianne: Wag ka sabi yumakap! Isa.
...
Lilianne: Oy, isa. Allergic ako sa yakap mo. Kadiri. Para kang linta dyan. Dun ka na. Matutulog na ako. Isa.
...
Christopher: I love you. Love mo ko di ba?
Lilianne: Pag sinagot ko yan, matutulog na tayo?
Christopher: Depende. Sa sagot mo. Kung oo, matutulog na tayo, kung hindi, mag-e-explain ka pa sa'kin kung bakit hindi na.
Lilianne: Oo. Ang drama mo.
Christopher: Ano na?
Lilianne: Anong ano na? Oo na nga. Matulog na tayo.
Christopher: Ano ulit?
Lilianne: I love you so much. Wag ka nang uuwi nang late kasi nag-aaalala ako. Wag ka rin mambabae kasi nasasaktan ako. I love you, asawa ko.
Christopher: I love you most, baby sweetie munchkinpie. Heart heart.
...
Lilianne: Ano yun? May tao ba?
Christopher: Baka si Tanya.
...
...
Lilianne: May tao ba?
...
Tanya: Ugh. Kayo po pala. Lolo, Lola, di pa ba kayo matutulog? Alas dos na. Ang ingay niyo, di ako makatulog. May school pa po ako bukas eh.
--end.
Hahahahaha! Nag-joke ako. Tawa tayooo! Haha. Humor pala genre nito! EksDi.
Leave comments!
BINABASA MO ANG
Twisted Plot Twists
Umorismo[Entries Ongoing] Koleksyon ng iba't ibang kwento na may kanya-kanya, masasakit sa ulo at nakakalokang plot twists || Akala mo 'yun na, pero hindi pala. || Wag masyado mag-expect: Plot Twist--medyo korni pala 'to.