13

117 12 1
                                    


Kumain kami sa malapit lang na restaurant sa may Session Road dahil ayaw niya daw
gabihin akong umuwi, habang kumakain nagkwekwentuhan lang kami ng kung ano-ano , halos hindi ako maubusan ng sasabihin hanggang sa hinatid niya na ako
sa bahay



“Papasok ka ba?” sabi ko pagkalabas ko



“Maybe next time, may bisita ata kayo,”
tumingin siya sa garahe kaya tumingin din
ako



Isang familiar na sasakyan ang nandon, kinabahan ako bigla



“Pumasok ka na, tawagan kita mamaya--”



Hindi pa natatapos magsalita si Raiven nang may nagsalita mula sa likod ko kaya nilingon naming pareho



“Kelly, my baby” agad niya akong sinalubong at yinakap “I miss you”



My eyes widened, “I miss you Mom” I
hugged her back



“Ganto ba ang oras ng uwi mo---” natigilan siya ng tumingin siya sa likod ko



“Goodevening Tita,” nilingon ko din si
Raiven


“OMG Raiven iho,” biglang niyakap ni
Mommy si Raiven




What? Magkakilala din sila?



“You still look stunning Tita,” napairap ako sa sinabi ni Raiven, galing mambola




Mom laughed happily, “At magaling ka pa rin mambola, tara sa loob dito ka na mag dinner”



Wow? Nakalimutan niya atang ako yung anak niya. Nakasunod lang ako sa likod nila
habang naguusap sila papasok ng bahay



“Oo naman Tita, namiss ko ang luto niyo
ee”



“Saktong sakto ako ang nagluto,” mom
proudly said



“Raiven yung susi mo, ipapapasok ko yung sasakyan mo sa garage,” singit ko



Parang doon natauhan si mommy na ako
yung anak niya,



“Kay Ronel mo na lang iutos baby,magbihis ka muna tapos kakain na tayo.”




”Busog pa ko ,” wala sa sariling sabi ko




Tumaas ang kilay niya, “Kumain ka sa labas? Sino nanaman yan Kelly, diba sabi ko tama na muna ang laro---”



“Oo na kakain na ko,” agad akong naglakad
papasok sa bahay na nakasimagot




“My baby,” salubong naman ni Daddy
pagkapasok ko



Ngumiti ako sa kaniya at niyakap siya, “Dad
I miss you”



“Ok ka lang? Bakit nakasimangot ka,” sabi niya agad



Mas close talaga kami ni Daddy dahil sobra niya akong inispoil, hindi tulad ni mommy
na lahat may limit, lahat bawal, napaka strict niya kaysa kay Daddy na ok lang lahat
basta sinasabi ko at nagpapaalam ako sa kaniya.


“Nothing Dad, mag bibihis lang muna ako,”



May sasabihin sana siya ng biglang narinig namin ang ingay ni Mommy,



“So parehas kayo ng pinapasukang University ni Steve,”



“Si Raiven yan?” si Daddy kaya nilingon
siyang pareho ni Mommy at Raiven



Selling my soul to Him (Ucian Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon