17

109 11 0
                                    

“Kelly, ako pa ‘yong unang bumalik dito kaysa sa’yo, kailan mo ba balak umuwi?”



I sighed deeply, “Mom naman, susunod din naman ako pero hindi pa ngayon, I’m
busy”



“Busy nanaman? Anak lagi ka na lang may pinag kakaabalahan, umuwi ka na lang dito at mag pahinga ka muna”



Napahawak ako sa nuo ko, “Ma, kakatapos ko lang ng meeting. Tawagan mo na lang kita mamaya,”



Ibinaba ko na agad ang phone bago pa siya magreklamo. Nilagok ko ang buong wine bago pumunta sa smoke area, sinindihan ko ang sigarilyo habang pinapanood ang mga ilaw sa bawat building.



It’s been five years simula ng pumunta kami dito ni mommy, nakatapagtapos ako dito at nakapag patayo agad ng restaurant. May mga branches na din ako sa ibang bansa at mabilis na lumago at nakilala kaya maraming achievement.




I earned the highest degree in this field, Doctoral in Culinary Arts. I’ve been exposed to International magazines and interviews.



“Miss, you smoke?”



Hindi ko na nilingon kung sino ang nagsalita dahil boses pa lang kilala ko na siya


“Ikaw ang gawin kong usok Niall,” sabi ko bago inupos



Tumawa siyang lumapit sa akin. We’ve become friends, sa tagal naming magkasama marami na kaming alam sa isa’t isa.



“Anong balak mo ngayon? Tinawagan ako ni Tita,”



I breath heavily, “Wala pa kong balak iwanan ang career ko dito.”




“You can start there,” he simply said




“Bakit? Ikaw ba ang maiiwan para dito?”



Ngumiwi siya, “Gusto ko din umuwi ng Pilipinas,”




Magsasalita pa sana ako ng may lumapit sa kanya, hinayaan ko siyang makipag-usap. Aalis na sana ako sa smoking area pero natigilan ako ng may isang familiar na lalaking nakasandal sa railings habang nakakunot ang mga nuong nakatingin sa akin.



He looked matured because of his hairstyle, and more lean and muscular now. He’s wearing a white dress button then the first three button are open. May hawak na wine sa kabilang kamay, nag salubong ang mata namin pero hindi man lang nahiya dahil tinitigan niya pa rin ako.




Pero nanlaki ang mata ko ng makilala ko kung sino siya, hindi naputol ang communication namin pero ngayon ko na lang din siya ulit makita



“Kieran?”



“Sino ka?” tanong niya



Agad akong napairap, hindi pa rin talaga nag babago. Pero agad akong napayakap sa
kanya


“Omg, what the hell you’re doing here? Bakit hindi mo sinabi sa akin na pupunta ka dito” natutuwang sabi ko




Tumawa na din siya, “Kanina pa kita tinitignan, hindi mo ako napapansin e. Sikat na sikat ka lods”




“Kadiri ka. Nakaformal ka pero ‘yong pananalita mo pang jejemon.” pang-aasar ko



Agad siyang sumimangot, “Masama ka pa din,”



Natawa ako sa itsura niya, “Kumain ka na ba? I will treat you,”



Agad niya akong nginitian, “May meeting pa ako, ikaw lang talaga sinadya ko dito,”



Selling my soul to Him (Ucian Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon