Viens' Pov:
"Vien! Let's eat naaa!"
Shirley shouts habang papunta sa seat ko. Nilapag naman ni Lovely ang baon niya sa lamesa ko.
"Shirley bibili muna ako ng pagkain sa canteen.", I told Shirley habang hinahanap ang wallet sa bag ko.
"Vien bakit ba naman kasi hindi ka pa nagbabaon ng pagkain hanggang ngayon? Alam mo namang mahirap bumili ng pagkain sa canteen kasi siksikan tapos late pa tayo pinaglalunch ni Sir Arturo. Aba, ewan ko ba sa teacher na yun, napakahaba magdiscuss."
"True ka diyan Sis! Nakakaloka! Kaya nga lagi na din akong nagbabaon ng pagkain e. At eto pa ha, laging nahuhulas ang make ups ko after kong bumili sa canteen!! Nawawala ang beauty ko!"
Tumawa naman ng mahina si Shirley dahil sa sinabi ni Lovely habang ako naman ay umiling iling lang. Nahanap ko na ang wallet ko kaya nagpaalam na ako sa kanila.
"Oh siya. Bibili nako, pwede na kayo kumain kung matatagalan man ako."
Agad naman na akong tumayo at nagtungo sa canteen.
Tama sila Shirley at Lovely, napakadami ngang tao sa canteen. Hayss, may magagawa ba ako?
Kailangan ko lang sumingit ng mabilis para diko mapaghintay yung dalwang yun.
----
Sa tagal ng pagsiksik ko sa mga taong bumibili, isang cheesecake lang ang nabili ko dahil nagkaubusan na. Wala na ding mga inumin. Di bali, makikiinom nalang ako sa tubig na baon ni Lovely.
Pagbalik ko sa silid narinig ko kaagad ang usapan ng dalawang babaita kong kaibigan kaya huminto muna ako.
"Grabe yung kumakalat na chismis ngayon no? Kahit ako hindi ako makapaniwlaa na si Gabriel saka Rachel ay magjowa pala! Sino bang makakapaniwala dun?"
"Hay nako friend Shirley! Sinabi mo pa! kahit ako nalaglag ang panga ko nung narinig ko yun. Kasi naman, the busted queen would date the most innocent and nerd boy like Gabriel!! Even mga langgam siguro di maniniwala don!"
Napailing muna ako bago umakbay sa dalawang chismosa na halatang kinagulat nila.
"Girls, masama ang pangchichismis sa harapan ng pagkain! At isa pa, sa lakas ng bunganga ninyo hindi Malabo na marinig kayo ng pinaguusapan ninyo! Baka nakakalimutan ninyo na nasa 3rd row si Gabriel at kayo nasa 5th row lang."
"Ano kaba Vien! Usap-usapan kaya sa buong school yun, kaya hindi lang kami ang naguusap tungkol dito no!"
"True ka talaga diyan Beshy ko Shirley! Kahit nga yung kalapit nating school knows yung about dun dahil kahit pala sa school na yun may binusted itong si girl"
Tinanggal nilang pareho ang kamay ko sa balikat nila kaya umupo na ako sa seat ko at saka sila kinausap ulit.
"Pero hindi padin maganda na pinaguusapan niyo yung tao kahit hindi naman kayo sinasaktan. Kumain na nga lang tayo nang magkalaman pa ang utak at tiyan ninyo"
Pagbibiro ko sa dalawa at sinimulang buksan ang cheesecake na nabili ko. Halata naman sa mukha ng dalawa ang pagkagulat nang Makita kung ano ang kinakain ko.
"OMG Friendddd! Kailan ka pa naging poorita at tig-seven pesos na cheesecake lang ang kakainin mo ngayong lunch?"
Natawa naman si Shirley sa sinabi ni Lovely. Kinuha ni Shirley ang takip ng lunch box niya at nilagay ang kalahati ng kanin niya saka kapirasong manok na baon niya sabay inabot sa akin.
"Vien peace offering ko for you. Nawa'y tanggapin mo"
Nakayuko siya habang binibigay ito sa akin.
Nilagay ni Lovely ang kalahati sa vegetable salad niya sabay ngiti sa akin na para bang nangaasar.
"Alam niyo kayong dalawa, konti nalang makokonyotan ko na kayo! Naubusan lang ng tinda sa cafeteria, poorita na agad? Utak niyo talaga may ubo"
Umiling iling lang ako at kinain ang binigay nilang pagkain sa akin. Maya-maya pa ay may lumapit na babae sa amin. Nilapag nito ang coke na dala niya sa lamesa ko.
"Nakita kasi kita kanina na cheesecake lang ang dala mo kaya naisip ko na baka naubusan ka nanaman ng pagkain. Naisip ko na dalhin nalang sayo yung coke na nabili ko kanina kasi naalala ko bigla na bawal nga pala ako sa malamig ngayon"
Halata sa kanya na kinakabahan siya.
Hindi pa man din ako nakakapagpasalamat ay dali-dali na itong lumabas ng silid namin. Pagharap ko sa mga kaibigan ko ay nakangiti lang ito at nakatitig sa akin.
Hay nako, tiyak mangaasar nanaman tong mga to.
"Shirley, did you just saw it? If I'm not mistaken si Clarice yun diba? Sa katabing room lang ang section nun Friend!"
"Hay nako Lovely, magtataka ka paba e hindi lang sa lalaki matinik itong kaibigan natin kundi pati sa mga babae! Vien lang malakas!!"
And again, tumawa nanaman ang dalawa. Hindi ko nalang pinansin ito at nagpatuloy sa pagkain.
-----
Tapos na ang klase naman kaya naman pauwi na sana ako kaso bigla akong hinarang ni Ma'am Angel dahil ipapalinis niya daw yung lumang library. Kaya ngayon nandito ako sa library at nagpupunas ng mga libro na puro alikabok. Wala na daw kasing mautusan na iba si Ma'am dahil maagang naguwian ang ibang sections at nagkataon na ako pa ang nakita niya sa mga palabas palang. Walang kaso sakin kung late akong makakauwi dahil ayoko din naman sa bahay, pero ayoko din naman sa ganito kaalikabok na lugar. Bumuntong hininga nalang ako at nagpatuloy sa ginagawa ko.
Natanaw ko naman si Ma'am Angel kasama si Gabriel at papunta dito kaya agad kong inayos ang upo ko.
"Vien, tinawag ko si Gabriel para tumulong sayo. Siya ang pagbuhatin mo ng mga libro pabalik sa shelves. Pasensya na kayo at kayo ang napagutusan ko ha."
"Okay lang po yun Ma'am"
Plastik kong pagkasabi kay Ma'am sabay ngiti ng plastik din.
Umalis naman agad si Maam at naiwan na kami ni Gabriel sa library.
BINABASA MO ANG
Love, Are You Kidding Me?
Teen FictionYou cannot expect love. Everything about love was so complicated. Not just love in a romance way but also love for a friend, and love for your family. For all of those love, where can you survive? Or should I say, will you survive?