Viens' POV:
Hay nako talaga si Ma'am, dinagdagan pa yung libro e alam namang wala na si Gabriel dito. Speaking of Gabriel, kamusta kaya lakad non? In fairness ha may kaibigan pala yun. Akala ko talaga introvert yung lalaking yun e. Hay nako, ano bang pinagsasabi ko? Tapusin mo nalang agad ang gingawa mo Vien!
Nagmadali akong punasan ang librong hawak ko saka bumugtong hininga.
Nang kunin ko yung libro na nasa gawing kanan ko nakita ko ang cellphone ni Gabriel.
Kanina paba to nandito? Nako babalik naman siguro yun dito kapag napansin niyang wala sa kaniya yung cellphone niya, hindi naman ata siya yung tipo ng tao na mabilis mataranta.
Binulsa ko nalang ang cellphone at nagpatuloy sa ginagawa ko. Maya-maya pa ay dumating na nga si Gabriel. Nakatingin lang ito sa mga libro kaya naisip ko na baka hinahanap niya yung cellphone niya.
"Kung cellphone mo ang hinahanap mo, nandito sakin. Nakita ko kanina habang naglilinis ako ng libro."
Agad akong tumayo para sana ibigay sa kanya ang cellphone niya kaso sa tagal kong nakaupo namanhid ang mga paa ko kaya bigla akong na-out of balance. Buti nalang at agad din akong nasalo ni Gabriel. Napansin ko naman na may kalakihan din pala ang braso nitong ni Gabriel.
Mabuti nalang dahil kung hindi, bumagsak din ako agad sa bigat ko.
Natawa ako dahil sa pagkausap ko sa sarili ko. Tumayo na ako nang tuwid dahil nakakahiya naman kay Gabriel kung tumagal pa ang pagsalo niya sakin. Binigay ko na din sa kanya ang cellphone niya.
"Kamusta pala lakad mo?"
Pagtatanong ko nang maalala ko na nakipagkita nga pala siya sa kaibigan niya.
Hindi sumagot si Gabriel kaya naisip ko na baka hindi maganda ang kinalabasan nito. Iibahin ko na sana ang usapan nang biglang tumulo ang luha ni Gabriel. Wala man akong ideya kung bakit, niyakap ko nalang siya at isinandal ang ulo niya sa balikat ko saka hinimas ang likod nya para pakalmahin siya. Lalong lumala ang iyak ni Gabriel kaya hinigpitan ko ang pagkakayakap sa kaniya.
"Hindi mo kailangang sabihin sakin ang nangyari pero kung nasaktan ka talaga, sige lang iiyak mo lang. Open na open ang arms ko para sayo."
Niyakap lang ako ni Gabriel habang patuloy padin sa pagiyak.
------
"So totoo ang hinala mo na hindi siya seryoso sayo? Wag ka nang umiyak, mas mabuti ngang nalaman mo agad kesa naman malaman mo kapag umabot na kayo ng ilang buwan. Mas masakit yung ganon."
"K-kasalanan ko din naman. Alam kong wala akong karapatang magmahal kasi ganito ako. Hindi na nga guwapo, hindi pa marunong makipagusap sa ibang tao."
Hay nako, imbis na tulungan ang sarili lalo pa niyang dinodown sarili niya.
Bumugtong hininga muna ako bago siya kausaping muli.
"E bakit naman ako? Nakakausap mo ng maayos?"
"Hindi ko din alam. Magaan loob ko sayo."
Pagkatapos niyang sabihin yun ay umupo na siya sa sahig saka sinimulang ayusin ang mga libro. Sinundan ko na din siyang magayos ng libro.
Ngayong sinabi ni Gabriel yun sakin, narealize ko na ganon din ako sa kanya. Magaan din loob ko sayo Gabriel, diko din alam kung bakit pero noong narinig ko sila Lovely at Shirley na pinaguusapan ka, naawa ako sayo. Wala ka naman kasing ginawang mali para pagusapan ka nila nang ganon..
Nakatingin lang ako sa kaniya habang kinakausap siya gamit ang isip ko. Hindi ko alam kung bakit hindi ko masabi sa kanya yung mga bagay na yun pero gusto ko siyang matulungan.
"Kung kaya mo akong kausapin na parang kaibigan, malay mo naman kaya mo din sa iba. Hindi mo pa naman nasusubukan e."
Hindi naman siya kumibo kaya hindi ko nadin siya kinulit. Masyadong masakit para sa kanya yung nangyari kaya mas okay na hindi ko muna siya kulitin.
Lumipas ang ilang oras at natapos din kami sa ginagawa namin.
Kasalukuyan kaming palabas na nang school. Mula kanina ay wala pading nagsasalita sa amin.
"Hatid na kita Vien."
Nagulat naman ako sa sinabi ni Gabriel kaya agad ko itong tinanggihan.
"Hindi na. Isang jeep lang naman sasakyan ko e."
"Sasakay din ako ng jeep e. Sabay nalang tayo magpunta sa sakayan"
Tumango lang ako kay Gabriel habang nakangiti.
Nang makarating kami sa sakayan, ilang minuto lang ang nakalipas ay may dumaan ng jeep.
Paakyat na sana ako kaso napansin ko si Gabriel na nasa likod ko mukhang aakyat din sa jeep kaya nilingon ko siya.
"Hindi mo na ako kailangang ihatid Gabriel. Baka dumating na din yung jeep na sasakyan mo."
Agad namang nakasagot si Gabriel.
"Ito din ang sinasakyan kong jeep pauwi."
Nagulat naman ako sa sinabi ni Gabriel.
"HOY! MAMAYA NA KAYO MAGLANDIAN DIYAN! SUMAKAY NA KAYO KUNG SASAKAY KAYO!"
Pagsigaw ng Driver kaya nagmadali akong umakyat ng jeep saka umupo. Naupo naman si Gabriel sa tabi ko.
Sa sumunod na kanto dumami ang pasahero kaya naging siksikan.
Umabante si Gabriel ng kaunti saka sumenyas sa akin na umatras ako. Pagkaatras ko medyo lumuwag ang inuupuan ko kaya agad akong nagpasalamat sa kanya.
Naalala ko naman ang sinabi ni Gabriel kanina na, "Hindi na nga ako guwapo, hindi pa ako marunong makipagusap sa ibang tao"
Agad akong nakaisip nang ideya dahil dun.
"Gabriel saan pala bahay mo?"
Pagbulong ko sa kanya. Sinagot niya din naman ako agad.
"Sa Yellow Street lang."
"Talaga? Sa susunod na kanto lang bahay namin e. Sa Blue Street lang kami e"
Maligalig kong sabi sa kanya.
"Ah! Tamang tama! Bukas magkita tayo sa kanto niyo. Mga 6:30 ng umaga bago pumasok."
Sasagot pa sana siya kaso bigla akong sumigaw.
"Mama para daw po!"
Hininto na ng Driver ang jeep.
"Kanto niyo na to, diba? Bye! Ingat."
Sabi ko kay Gabriel. Napilitan naman siyang bumaba. Nginitian ko siya mula sa loob ng jeep habang kumaway.
Sigurado akong popogi ka bukas Gabriel!!!
[A/N:
Hi Guys!! First of all salamat sa lahat ng nagbabasa. Nagsisimula palang tayo hahaha charot, akala mo talaga. Anyway busy sa module si Inday kaya ngayon lang nakapagupdate. Sa mga susunod na chapters ipupublish ko sila within weekends kung hindi ganon kadami yung modules. Monday po yung pinakalate kong update, promisee!! Lovelotsss]
BINABASA MO ANG
Love, Are You Kidding Me?
Teen FictionYou cannot expect love. Everything about love was so complicated. Not just love in a romance way but also love for a friend, and love for your family. For all of those love, where can you survive? Or should I say, will you survive?