Chapter II:

4 1 6
                                    

Gabriel's POV:

Nasa library ako kasama ang kaklase kong si Vien.
Kasalukuyan naming inaayos ang mga libro dito. Naghihintay kasi ako kay Rachel kanina kaso bigla akong tinawag ng isa sa mga teacher sa school namin. Sakto din namang nagchat si Rachel na nakauwi na daw siya.

Napapalibutan ng katahimikan ang paligid habang patuloy naming  ginagawa ang iniutos sa amin.

"Kailangan na nating bilisan kasi gabi na din e, baka mapagalitan ka din."

"H-ha? A-ah s-sige."

Tanging mga salitang nabanggit ko. Sa totoo lang hindi talaga ako magaling makipagusap sa ibang tao.

Namuo nanaman ang katahimikan sa loob ng library.

Kailangan kong makaisip ng pwede naming mapagusapan. Tanungin ko kaya siya kung ano yung mga hilig niyang gawin? Kaso baka isipin niya na pakilamero ako. Icompliment siya kasi magaling siya sa acads? Hindi, hindi magandang pagusapan ang acads baka mabobo ako. Kailangan may sabihin ako..

"Okay ka lang ba Gabriel?"

Nagulat ako ng magsalita si Vien.

Nahalata kaya niya na wala akong maisip na paguusapan namin?

"A-ayos lang. Bakit mo n-natanong?"

"Kasi mukhang ang lalim ng iniisip mo e. Kung may problema ka or kung may bumabagabag sa isip mo, huwag kang mahiyang magsabi."

Nakalimutan ko nga pala na kilala si Vien sa pagiging maganda at matulungin na tao. Anong sasabihin ko?? Bahala naaa..

"Hmm... p--paano malalaman kung seryoso ang isang babae sa relasyon?"

Haaaaaaaaaaa??? Anong klaseng tanong yaannn?! Hindi ako makapagisip ng maayosssss, kung ano nalang pumasok sa utak ko yun lang nasabi ko. Halata din na nagulat si Vien sa sinabi ko. Paano na tooo????

Napayuko nalang ako sa sobrang hiya.

"Kung nagwoworry ka kasi baka hindi siya seryoso sayo, bakit hindi mo nalang siya tanungin ng derekta?"

Patay.. Mukhang nagalit ata siya sa tanong ko. Dapat na magsorry ako agad. Pero paano?? Sana kasi hindi ka nalang nagsalita Gabriel....

"Kahit naman kasi babae ako, iba-iba padin kami ng pamamaraan kung paano iexpress ang sarili namin. Paano mo malalaman kung seryoso ba siya kung hindi mo tatanungin? Mahalaga din sa isang relasyon ang communication. Kung walang communication, walang pundasyon ang relasyon ninyo. Kung mahal ka talaga niya, hindi yun magsisinungaling. Kahit naman siguro sinong tao, kahit katulad mo, malalaman kung nagsisinungaling ba ang kausap nila."

Tumingala ako para tingnan ang reaksyon niya. Nakangiti lang siya habang nakatingin sakin kaya napayuko ako ulit.

"Basta kapag alam mong hindi siya seryoso sayo tapos bigla siyang hindi nagparamdam, huwag mo nang habulin. Lalo ka lang masasaktan."

Dugtong pa niya at nagsimula ng maglinis ulit.

Muli akong napatingin  sa kanya habang iniisip ang mga sinabi niya sakin. Bigla namang may tumawag sa cellphone ko kaya nawala sa kaniya ang atensyon ko.

Kinuha ko na ang cellphone sa bulsa ko at nakita na si Josh pala ang tumatawag. Nagiisang kaibigan ko at nagiisang nakakaintindi sa akin. Agad ko naman itong sinagot.

"Hello Bro? Naalala mo yung sinabi ko sayo dati na papakilala kita sa girlfriend ko? Alam kong medyo late na pero pwede kaba ngayon? Sa mga susunod na araw kasi baka magiging busy na ulit ako kaya mas maganda sana kung ngayon ko na siya ipakilala sayo"

Love, Are You Kidding Me?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon